CHAPTER 23

8.1K 153 1
                                    

  Sorry kung delayed ulit, mahirap maghanap ng 5,000 pesos pang summer class and finally meron na! Yeaaahh! Kaya may update. Hahahah.

-----

Nagising si Xyra dahil sa iyak ng dalawa niyang anak, last week lang ay na discharged na sila sa ospital. Ayaw pa sana ni Zandro kasi kailangan pang i-monitor ng dalawang bata pero andyan naman ang Kuya Gabriel niya para i-check kaya okay lang.

"Hush na mga baby ko, natutulog pa si Mommy." Napangiti siya habang tanaw si Zandro na pinapatahan ang kambal na hindi naman alam kung sino ang uunahin. Bumangon siya at lumapit kay Zandro.

"Ako na." Kinuha ni Xyra si Al at pinatahan. Napangiti naman siya nang bigla itong tumigil sa pag-iyak at pinikit ulit ang mga mata nito. Dahan-dahan nyang binalik si Al sa crib nito at saka bumaling kay Zandro na karga pa si Zaf.

"Akin na.." Umiling si Zandro.

"Ako na. Kaya ko 'to." Ngumiti siya at hinayaan na lang. Ilang sandali pa ay natulog na rin si Zaf at binaba na nito sa crib.

"Matulog ka na ulit, baka mabinat ka. Kailangan mo pa ng pahina." Sabi ni Zandro sa kanya.

"Baba lang muna ako.."

"May kailangan ka? Ako na ang kukuha."

"Hindi na, kaya ko na." Pero pinigilan si ni Zandro at binuhat pabalik sa kama.

"Ako na. What do you want?" Napabuntong-hininga siya.

"Gatas, 'yong fresh milk na dala mo kahapon at saka cookies. Nagugutom ako eh." Tumango si Zandro at saka tumayo.

"I'll be back in a minute." Sabi nito at naglakad palabas ng kwarto.

Biglang nawala ang awkward ma hangin sa loob ng kwarto niya. Parang hindi siya makahinga pag nasa loob si Zandro sa kwarto. Mahirap sa kanya pero nangako siya na hahayaan niyang maging ama si Zandro kay Al at Zaf.

"Here." Binaba ni Zandro ang tray na may lamang gatas at cookies.

"I also brought water and apples." Matamis siyang ngumiti at nagpasalamat. Mabilis na nilantakan ang cookies na nabili ni Zara kahapon sa isang fave nitong pastry shop and it was really good. Masarap.

"Gusto mo?" Alok niya kay Zandro.

"Nope, sayo 'yan at saka alam kong gutom ka." Kumain na lang siya. Naubos pa nga niya ang apat na cookies at isang apple.

"Diyan na lang 'yan, bukas mo na ibaba." Sabi niya nang akmang kukunin ni Zandro ang tray.

"Okay.." Nilagay na lang ni Zandro ang tray sa maliit na table at tumabi sa kanya sa pagkakaupo.

Awkward silence. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Napayuko siya at napakagat-labi. Nakakapanibago. Hindi naman sila ganito 'non.

"Xy.." Zandro broke the silence.

"Hmm?" She respond.

"Thank you.." Nag-angat siya nang tingin.

"For what?"

"For everything. I know I am coward, jerk and well, no balls? Damn I am really sorry for what I've done to you." He said dramatically.

"'Don mo lang talaga makikita ang halaga ng isang tao kapag wala na siya." Mahina niyang sabi pero may diin.

"You're right. I'm sorry. Masasabi kong swerte pa rin talaga ako, I will make up to you Xy." Mapait siyang ngumiti. Kayang niyang magpatawad pero hindi niya kayang kalimutan ang lahat. Nasaktan siya eh. Sobra.

"Huwag na, hindi na kailangan." Malungkot na bumaling si Zandro sa kanya. Akmang hahawakan nito ang kamay niya pero iniwaz niya ito.

"Tama na sigurong pinayagan kitang maging ama sa kambal, wala ng karugtong. Tapos na tayo eh, kahit wala namang tayo." Mapait niyang sabi.

"Hindi ako papayag sa gusto mo, I want you again Xy." Matapang na sinalubong ni Xyra ang mga titig ni Zandro.

"Hindi ibig sabihin na gusto mo ay papayag ako, I've changed Zandro. Kaya ko na ang sarili ko na wala ka. Kaya ko na." Mabilis na hinuli ni Zandro ang kamay niya at mahigpit na hinawakan ang mga ito.

"Tama na. Please. I had enough. Ayoko ng masaktan pa." This time, hindi na niya talaga mapigilan ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

"Please, another chance. Hindi naman to para sa'ting dalawa, para rin 'to sa sa kambal natin." Tinuyo ni Zandro ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya. Napapikit siya. Ito 'yong matagal niyang gusto pero iba ngayon. She doubted him, hindi niya alam kong mahal nga ba siya nito o sadyang gusto lang siya nitong makuha ulit dahil may anak na sila.

"Hindi ko alam, Zandro. Hindi ko na alam pa." Hinila lang siya ni Zandro at mahigpit na niyakap.



Best Friend With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon