NAPATIGIL siya sa harap ng isang beauty salon. Nagdadalawang isip siya kong papasok ba siya o hindi.
"Hello Ma'am! Welcome, ano pong maipag-lilingkod namin sa'yo?" Napakamot siya sa kanyang batok. Wala siyang magawa kundi pumasok na lang. She wants a new hair style. A new her too.
"Uhm, I want a new hair cut, and dye it with ash gray, please." Ngumiti ng matamis ang babae. At pinaupo siya.
"Right away ma'am. Sit back and relax, ako po ang bahala sa inyo." She just smile at her and shrug. She just love the way she talk.
After more than two hours natapos din. The woman cut her long hair a little and dyed it with ash gray, the woman even curled the tip of her hair thag made her more beautiful. Bagay sa kanya.
"You're pretty!" Nahihiyang ngumiti siya sa babae.
"M-maraming salamat po." Inabot na nya ang bayad at saka umalis.
Pagdating nya sa bahay ay nadatnan nya ang Kuya nya at ang fiance na nag-aaway. Kumunot ang noo nya dahil ngayon lang nya nakitang nag-away ang dalawa.
"You promised! At ngayon sasabihin mo na hindi tayo tutuloy!?" Her brother's fiance's face was all red. Galit na galit talaga ito.
"I told you that I have medical mission." Cool lang na sabi ng Kuya nya. She just shrug her shoulders ang went upstairs. Hindi na lang nya pakiki-alaman ang dalawa. Away nilang dalawa 'yon. Wala na siyang pakialam sa dalawa. Kapatid lang naman siya.
Hindi pa lang siya naka abot sa kwarto nya ay narinig nyang sumigaw ang fiance ng Kuya nya.
Napailing siya. She open her door and went inside. She feel so exhausted. Bukas ay papasok na ulit siya.
Am I ready to see him again?
"Gabriel!" Napatakip siya sa kanyang tainga. Parang mabibiyak ang eardrums nya sa lakas ng sigaw nito.
Lumabas ulit siya, nakita nyang pumasok sa kwarto ang kuya nya kaya tinawag nya ito.
"What is it?" Walang ganang tanong ng Kuya nya.
"What was that? Bakit nag sisigaw 'yong babae na 'yon?" Naiinis nyang sabi.
"Hayaan mo na. Nababaliw na ata." Naningkit ang nga mata niya. Hindi siya sanay na nag-aaway ang dalawa dahil ngayon lang naging ganito ang mga ito.
"Ano bang problema?" Umiling ang Kuya nya.
"Wala, selos lang."
"Selos?" Tumango ang Kuya nya.
"Gabriel!" Napabuntong-hininga ang Kuya niya.
"Look, Luxia. Let's talk kapag malamig na ang ulo mo." Saad ng Kuya nya.
"No! You are not going to the mission! Nag promised ka sa akin!" Napabuga siya ng hangin dahil sa tuno ng pananalita ng fiance nito.
"Excuse me, don't shout dahil wala ka sa bahay mo." Malumanay nyang sabi. Bumaling ang fiance ng Kuya nya at sinamaan siya nang tingin. Tumaas ang isa nyang kilay.
"Away namin 'to kaya huwag kang sumabat!" Napangiwi siya sa lakas ng boses nito. Simula pa lang ay ayaw na nya talaga sa babae na ito. Sobrang daldal. Ang laki ng bunganga.
"Excuse lang po ah, walang galang na, huwag mong diktahan ang Kuya ko sa mga gagawin niya, kung gusto nyang sumama sa medical mission, hayaan mo!" Madiin niyang sabi. Matagal na talaga siya nag titimpi sa babae na ito. Ang sarap lagyang ng duck tape ang bibig para tumahimik.
"Xyra, hayaan mo na 'yan. Go to your room now." Umiling siya at lakas loob na sinamaan ng tingin ang fiance ng Kuya nya. Ayaw na ayaw nya talaga sa ugali nito.
"He's my fiance, at ako ang mag-di-disisyon kung ano ang gagawin nya!"
"Fiance ka lang, at wala kang karapatan! Lumayas ka nga! Nakakairita 'yang pagmumukha mo!" Hindi nya mapigilang sigaw rito. Naiinis na talaga siya kay Luxia. Matagal na. Luxia is beautiful pero masama naman ang ugali.
"Abat!" Biglang nanglisik ang mga malalaking mata nito. Hindi niya talaga alam bakit nagustuhan ng Kuya niya ang babae sobra namang ingay.
"Leave!" Sigaw ng Kuya nya.
"Gabriel naman!" Pinigilan nya talaga ang sarili na kaladkarin si Luxia sa palabas. Ayaw nyang madungisan ang kamay nya dahil lang kay Luxia.
"Umalis ka muna, Lux. Bumalik ka na lang kong malamig na ang ulo mo." Padabog na bumaba ang babae. Naka hinga siya ng maluwag.
"Tell me, ano ba talagang dahilan?" Usisa nya.
"Si Zara." Maikiling sagot ng Kuya nya. Napatakip siya sa kanyang bibig. Gusto nyang tumili.
"Bakit? May something na ba sa inyo ni Zara? Ano?! " Pigil hininga nyang tanong.
"W-wala." Umiwas ng tingin ang Kuya nya. Namumula ang tainga nito at alam nya ang ibig sabihin nito.
"Liar. Kung ayaw mong sabihin, kay Zara na lang ako magtatanong. Bye!" Nagmamadaling pumasok siya sa kwarto nya. Rinig pa nyang tinawag siya ng Kuya nya. Napangisi siya.
Well, mas okay na si Zara ang makakatuluyan ni Kuya kaysa naman sa nurse na maldita.
~~~~~~
My christmas was fine but my new year was not. Wow! Naubos ata 'yong luha ko sa kakaiyak. Haha. 'La lang, share ko lang😂
Kayo how's your Christmas and New year?😊