CHAPTER 24

8K 150 4
                                    

  Again. Delayed na naman. Huhu.  Sorry busy lang powww🙃

—————

KINABUKASAN. Dumating si Aljun, na extend ang trip niya sa Korea kaya kanina pa naka uwi.

"You never e-mailed. Tsk." Nagtatampong saad ni Xyra habang karga si Zaf, si Al naman ay naka Zandro.

"Sorry naman, ito na ba ang anak natin?" Narinig naman nilang tumikhim si Zandro pero hinayaan na lang niya.

"What's her name? Look like you. So cute!" May pang-gigigil na sabi ni Aljun.

"Zafania, and Al." Turo niya kay Al na natutulog sa bisig ni Zandro.

"Al, my nickname." And Aljun laugh. Mabilis na sinapok niya ito sa ulo dahil biglang nagising si Zaf na nasa bisig niya.

"Sorry naman! Anyway, may pasalubong ako. Asa ba si pareng Kapre? Na-miss ko 'yon." Umupo muna si Aljun sa sofa at saka nilapag ang karton na dala sa sahig.

"Ano 'yan? Binili mo ba ang buong Korea?" Tanong ni Xyra nang bigla na lang din pumasok ang dalawang naka men in black na may dalang karton din.

"Hindi lang naman 'to para sa'yo, may kay Zaf at Al din naman." Iniwan na muna ni Xyra si Aljun. Binaba nya muna si Zaf sa crib malapit kay Zandro.

"Bantayan mo muna ah?" Sabi niya kay Zandro at saka bumalik kay Aljun.

"Anong dala mo? May natira pa ba sa Korea?" Biro niya. Natawa naman siya.

"Ikaw naman! Ang laki kaya ng Korea." He started to open the box. Napanganga siya sa nakita.

"Seriously?!" Bulalas niya. Ngumiti si Aljun sa kanya. Napatalon siya sa tuwa at niyakap niya si Al.

"Waahhh! I love you talaga, Al!" Natawa lang si Aljun sa kanya. A box of chocolates, at iba pang pagkain galing Korea.

"Si Mommy namili niyan, mahilig din kasi si Mom ng mga ganyan." Narinig nilang tumikhim si Zandro pero hinayaan na lang nila ito.

"He's jealous." Napasimangot siya sa sinabi ni Al.

"Pano mag seselos 'yan? Tsk." Ngumisi si Al.

"Come here." Hinila siya ni Aljun at hinapit sa beywang.

"Hayaan mo siyang magselos. If he really loves you gagawa ng paraan 'yan, hindi puro salita. Kikilos 'yan. " Napatitig na lang siya kay Aljun na nakangiti sa kanya. Tama naman ang sinabi nito. Kung mahal talaga siya ni Zandro ay gagawa ito ng paraan para makuha siya nito.

"At dahil nanganak kana, pwede na tayong mag pakasal?" Napanganga siya. Kung anu-ano na ang sinasabi ni Al ngayon, at nilakasan pa ng bruho ang boses nito.

"Go with the flow, he's listening." Napairap siya.

"Hindi ako easy to get at saka lumayo-layo ka. Nagtatampo pa ako sayo." Tumawa si Aljun. Lumayo siya at tumayo, nagugutom na naman siya.

"Hey! Saan ka pupunta?"

"Kakain!" Sigaw niya pabalik.

Mabuti na lang at hindi na ito sumunod.

"Xy.." Napatigil siya sa paghiwa ng mansanas nang tinawag siya ni Zandro.

"Bakit?" Hinarap niya ito.

"May kailangan ka?"

"Ano yong narinig ko? Kayo ba?" Hindi niya alam kung bakit siya nagtatanong. Ganon na ba talaga siya ka manhid?

"I'm still the father of our twins at ako ang papakasalan mo hindi siya." Mahina pero may diin ang pagkakasabi ni Zandro 'non. She can also see na nasasaktan ito.

"Wala kang karapatan na sabihin yan kay Xyra. " Napabaling ang atensyon nila kay Aljun na papasok sa kusina. Lumapit ito sa kanya at umakbay.

"If you want her, dapat dumaan ka muna sa'kin. Kunin mo siya sa'kin kung kaya mo." Paghahamon ni Aljun kay Zandro.

"Ako ang mahal ni Xyra." Napatawa ng pagak si Aljun sa sinabi ni Aljun.

"Noon 'yon. Pero na realized na niya na hindi ka karapatdapat na mahalin. You only caused pain kaya kung ako sayo, huwag ka na mag-aksaya pa ng panahon." She saw how Zandro's hands form into fist. Napakapit siya sa laylayan ng damit ni Aljun.

"Pero bibigyan kita ng pagkakataon na makuha siya sa'kin. Kumilos ka, huwag puro salita. Prove to her that you really love her. Tapos na siyang iparamdam sa'yo kung gaano ka niya kamahal noon. Ikaw naman ngayon." Mahabang saad ni Aljun kay Zandro na ngayon ay nakatitig kay Xyra. Napalunok naman si Xyra, she feel excited but at the same time ay ayaw niyang umasa. Knowing Zandro, mukhang hindi ito kikilos.

"Deal." Napanganga siya sa sagot nito, si Aljun naman ay napangisi.

"Aasahan ko 'yan."

"Aljun naman."

"Pumayag kana." Bulong ni Aljun sa kanya.

"Remove your arm now to my future wife at baka putulin ko 'yan." Sabi ni Zandro sabay talikod sa kanilang dalawa at umalis sa kusina dahil bigla na lang umiyak ang dalawang bata na naiwan sa living room.

"See? Seloso talaga."

"Bakit mo sinabi 'yon?" Naiinis na sabi Xyra.

"Sus! Gusto mo naman! Mahal mo siya diba?" Sinuntok siya si Aljun sa tiyan dahilan na napa-aray ito.

"Noon 'yon!"

"Denial. Pustahan kinilig ka sa pagsabi niya na future wife." Binatukan naman niya ito.

"Tse! Tumigil ka nga diyan!" Tinawanan na lang siya ni Aljun.

"Namumula ka eh!" Napatakip siya sa kanyang mukha. Inaamin niya, kinikilig siya pero kunti lang.


Best Friend With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon