Busy. Nakakainis, sorry po.
------"Zandro? Asan ka ba? Nakakainis ka na ah!" Kanina pa hinahanap ni Xyra si Zandro, mabuti na lang at tulog ang kambal.
"Asan na ba 'yong tipaklong na 'yon? Maliligo ako, pero baka magising ang kambal kapag nasa banyo na ako." Nilibot na niya ang buong first floor ng bahay pero wala pa rin.
"Andito lang 'yon eh. Baka nasa baba." Matamlay na bumaba siya. Tamad siyang bumaba simula 'nong nanganak siya, si Zandro lang din naman ang nag aasikaso ng lahat, kapag may kailangan siya.
Nasa kalahati pa lang siya ng hagdanan ay may narinig siyang pagtatalo.
"Nako naman! Baka mag-suntukan ang dalawang 'yon!" Kaya dali-dali siyang bumaba.
"Hoy, nag-aaway ba kayo?" Tama ang hinala niya, si Zandro at Al ang nagtatalo.
"H-ha? Ah hindi ah!" Depensa ni Al na para bang kinakabahan.
"Eh 'bat kayo nag sisigawang dalawa?"
"Ah—err, hindi naman ah! Magkaiban na kami ngayon! Diba, Aljun?" Naningkit ang dalawang mata ni Xyra, parang may tinatago ang dalawa.
"Sasabihin 'nyo sa'kin o palalabasin ko kayo sa bahay ko at habang-buhay na kayong di makakapasok dito? Ano? Mamili kayo." Banta niya.
"Okay lang naman sa'kin." Sabi ni Al habang pa sipol-sipol.
"Ako rin, kaya tara na. Labas na tayo. Bye! Hindi na kami babalik!" At hinila na ni Zandro si Aljun palabas. Napa-arko ang kaliwa niyang kilay. Kailan pa naging close ang dalawa? Eh nag aaway 'yon noong nakaraang linggo?
"Mga lalaki talaga. Tsk." Dumeretso na lang siya sa kusina. Kanina pa siya gutom kaya kakain muna siya bago maligo.
****
"Muntik na tayo 'don ah!" Hinihingal na sabi ni Aljun kay Zandro.
"Ikaw kasi, ang ingay-ingay mo." Binatukan ni Aljun si Zandro.
"Oo na! ako na ang may kasalanan. O, ayan na 'yong singsing mahal yan, bayaran mo 'yan ah!"
"Magkano ba 'to? 5k?" Binatukan niya ulit si Zandro.
"5k mukha mo! Ang cheap naman kung tag 5k lang na singsing ang bibilhin ko!"
"Nagtatalo na naman tayo, magkano to? 100k?" Ngumisi si Aljun.
"Tumpak!" Si Zandro naman ang nagkaroon ng pakakataon na mabatukan si Aljun.
"Mukha kang bading." Tumawa lang si Aljun sa sinabi ni Zandro.
"Ako na ang bahala sa preparation, mag practice ka na lang kung ano ang sasabihin mo sa kanya, 'yong heart warming na message, 'yong matutunaw siya, ganern!" Ngumiti si Zandro.
"Akong bahala. Salamat talaga, Aljun."
"Wala 'yon, basta ingatan mo si Xyra."
"I will, alam mo naman na mahal na mahal ko siya eh."
"Alam ko," Tumila si Aljun sa langit. Sumunod nama si Zandro.
"Alam kong masaya na siya 'don, Aljun. Mag let go ka na." Hindi maiwasang tumulo ng luha ni Aljun.
"Sana nga, Zandro. Miss na miss ko na si Mira."
"She died because of God's plan. Makakahanap ka pa ng mas higit pa sa kanya."
"She really looked like Xyra."
"Kaya ba—"
"Hindi.." Putol ni Aljun sa sasabihin sana ni Zandro.
"Hindi ako nagkipaglapit kay Xyra dahil kamukha siya ni Mira, nagkataon lang na nakita ko siya na umiyak sa school na pinag-aaralan niya." Pinahid na muna niya luha na tumulo at saka nagpatuloy.
"I got interested pero I never fell, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya, kahit na kamukha siya ni Mira ay hindi ako naisip na ligawan siya."
"Tumigil ka nga sa kakaiyak, ang bading mo, Mira won't be happy kung iiyak ka palagi kapag na aalala mo siya."
"Paano ko pipigilan ang sarili ko? Every time na naiisip ko siya ay naiiyak ako, I miss her." Tinapik-tapik ni Zandro ang balikat ni Aljun.
"Move on, pare."
"Mahirap mag move on, I used to he with her, sanay na sanay ako na palagi siyang nandito sa tabi ko, pero iniwan niya ako. She left me." Binatukan siya ni Zandro.
"Magpaka-lalaki ka nga. Maging masaya ka para hindi ka multuhin ni Mira."
"Sira ulo ka talaga. Tara na nga. Balik na tayo. Ang drama natin baka mapagkamalan pa tayong mga bading. Pinatitinginan na tayo oh!" Umakbay na si Aljun sa kanya at naglakad sila paalis 'don at bumalik na sa bahay.
"Alis muna ako, pupuntahan mo muna ang organizer. Huwag kang magpapahalata ah? Papatayin talaga kita, minsan ka na nga lang mag su-surpresa kay Xyra, malalaman pa niya." Marahang tumango si Zandro at saka pumasok na sa loob.
"Ingat bro, salamat ulit!"