Chapter 1

4.6K 59 0
                                    

Chapter 1

"Waah! Chel! Excited na talaga ako sa pasukan!!" sigaw ng madaldal kong kaibigan.

Napangiwi na lamang ako. May pagkabaliw kasi 'yan. Sabi niya sa'kin last time, tinatamad daw siya sa darating na school year then ngayon? Tss, nevermind.

"Ewan ko sa'yo, Jelly! Ang gulo gulo mo!" sigaw ko rin. Ang lakas kasi ng ulan. Nandito kami sa apartment ko. Pumunta kasi siya dito. Feeling at home ang gaga.

"Chel! Eh kasi naman! Guess what?" Nangunot ang noo ko. Tumili siya. "Kaklase natin si Green!! OMG! Sinong hindi maeexcite?" Aniya pa, napailing na lang ako.

Kahit kailan talaga mukha siyang Green. Crush niya kasi si Green Almond De Vera. Ang tagal tagal niya ng tanga simula ng makilala niya 'yang si Green. Halos lahat nga ng gamit ng babaeng 'yan kulay green na.

Tinalo pa si Shrek.

"Jelly, tigil tigilan mo na nga si Green. Nag aadik ka na naman sa kanya. Buti kung gusto ka noon." Saad ko saka pumunta sa kusina.

Nagluto ako ng pagkain namin. Dito na raw kasi siya maghahapunan. Wala naman kasi akong kasama dito. Nasa ibang bansa ang parents ko. At dahil wala naman akong kapatid of course ako lang mag isa.

Sa probinsya talaga ako nakatira. Pero dahil gusto kong pumasok sa University dito sa Manila ay pinilit ko sila Mama at Papa na rito ako titira. Matagal pa nga bago sila pumayag pero nadala sila sa ganda ko. Char.

Inihain ko na ang adobo at kanin. Siyempre marunong akong magluto, tinuturuan kasi ako ng Lola ko sa probinsya. Specialty niya ang adobo. Hehe.

Habang akoy naghahain. Narinig ko na agad ang mga yabag ng madaldal.

"Hoy! Bakit iniwan mo ko roon ah! Ang bad mo sa'kin." aniya.

Hindi ko siya pinansin at umupo na lang. Padabog naman siyang umupo sa upuan niya.

"So? Iniisnob mo na ako? Fine! Sige ayos lang." sambit niya saka nagsimulang kumain.

"Tss. Ang arte mo." Ani ko sa kanya. Ngumisi naman agad siya. Baliw talaga!

Tumawa pa siya. "Hindi mo talaga ako matitiis e 'no?" Inirapan ko na lang.

"Kumain ka na nga lang. Bilisan mo! Gabi na, uuwi ka pa." ani ko. Tumango tango naman siya sa sinabi ko. Tumahimik na lamang ako at nagsimula na ring kumain.

"Chel. Puwede bang samahan mo ako bukas?" kumakaing aniya. Balasubas talaga ang babaeng 'to eh!

"Hoy! Lunukin mo nga muna 'yan! " Tinuro ko gamit ng kutsara ang bibig niya. "Ang baboy mong kumain!" Dagdag ko pa. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Oh, saan ba ang punta mo bukas?"

"Sa mall" simpleng aniya.

"Ano namang gagawin mo roon?"

Napairap naman siya sa itinanong ko.
"Seriously? Baka mag aaral ako roon." pabalang niyang sagot sakin saka tinusok ang kanyang ulam. Tsk! Malay ko ba kung anong gagawin niya diba?

"Puwede rin." sagot ko. Masarap naman kasi mag-aral doon lalo na sa mga coffee shop.

"Malamang may bibilhin ako 'no!" Ang ingay talaga!

Tumahimik na ulit ang paligid ng salpakan niya ng pagkain ang kanyang bibig. Takte! Bakit ang takaw nito?

Nang matapos kami sa pagkain ay nagsimula na akong hugasan ang aming pinagkainan.

"Guwapo kaya ang mga classmates natin? Hmm?" nagpupunas siya ng mga pinggan habang ako naman ang nagbabanlaw.

"Alam mo ikaw mukha ka ng guwapo! Akala mo si Green lang? Magpunas ka na nga lang diyan." umirap muna siya bago humarap sa'kin.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon