Chapter 9

539 7 0
                                    

Chapter 9

Tamad na tamad akong maglakad.patungo sa aming klase ngayon. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa walanghiyang Gabriel na 'yan!

Iniisip ko pa rin ang ginawa niyang paghawak sa aking harapan. Hindi man lang nagsabi! Ugh! Nakakainis siya! Napanguso ako.

"Hoy!" Napatalon ako sa gulat nang bulyawan ako ng katabi ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ano ba? Kung makasigaw ka."

"Aba! Ikaw pa galit ah? Wow." Niflip niya pa ang kanyang buhok saka mataray na bumaling sa akin. "Kuwento ako ng kuwento, hindi ka naman nakikinig! At ano 'yan ha?" Tinuro niya pa ang labi ko.

"Oh, anong meron?" Taas kilay kong tanong.

"Psh! May panguso-nguso ka pang nalalaman. Hoy, Chel! Alam kong nakakadagdag 'yon ng cute. Pero sa iba lang 'yon at hindi sa 'yo!"

"Inaano kita?" Ngumuso pa ako. Napaikot siya ng mga mata.

"Yan! Naiinis ako sa pag nguso mo! Tapyasin ko 'yan e."

"Takte! Nababaliw ka na ba? Ang gulo mo!"

"Huh? Ako pa ang magulo? Ala-"

Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil nilayasan ko na siya.

"Hoy, Chel! Kausap pa kita!" Sigaw niya pero dinilaan ko lang siya saka nagmadaling pumunta sa aming klase.

Sinipag na akong maglakad e. Thanks to Jelly.

Nang makarating ako sa classroom ay kakaunti pa lang ang tao. Kaagad akong umupo kung saan ang aking upuan at sinubsob ang mukha sa desk.

Tutulog na muna ako.

"Hoy!" Agad akong napatingala at masamang tiningnan ang sumigaw sa may tainga ko.

"Ano ba?!" Kulang na lang ay lumabas ang eyeballs ko dahil sa pag irap ko sa kanya.

Mukha naman siyang natakot sa pagtaray ko kaya napaatras siya ng bahagya.

"Uh. T-Teka. Hehe, ang bilis mo namang magalit."

"Wag mo akong inisin ngayon, Jelly. Wala ako sa mood." Saka ko pinatong ang ulo sa desk.

"Bakit wala ka sa mood? Anong nangyari?" Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko.

"Wag ka nang magsalita. Naiirita ako." Inis kong saad.

"Wow huh? Kasalanan ko bang may bibig ako?"

"Ang daldal mo! Tumahimik ka muna kahit saglit lang!"

"So? Galit ka na niyan?"

Inis akong napapikit. Bakit ba ang kulit ng babaeng 'to? Tumunghay ako at sinalubong ang kanyang tingin pero napansin ko sa kanyang likuran ang pagpasok ng kanyang labidabs. Eh, sino pa ba?

"Jelly." Tawag ko. Kunot noong nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Oh, bakit?"

"Tumingin ka sa likod mo." Utos ko.

Ito lang din ang naisip ko para matahimik siya. Napalingon naman siya at agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

Patay na patay talaga siya kay Green!

"Cheeeel!! Grabe ang guwapo niya!" Impit niyang bulong sa akin.

"Aray! Ano ba?" Inis ko siyang tiningnan nang kurutin niya ako dahil sa sobrang kakiligan.

"Hehe. Sorry, kinikilig lang talaga ako."

Nagulat ako nang pagkasabi niya noon ay agad siyang tumayo para lapitan si Green sa upuan nito na kasalukuyang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Agad kong hinila si Jelly para mapaupo ulit. Inis niya akong tiningnan.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon