Chapter 11

568 12 0
                                    

Chapter 11

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ganoon na lang ang naramdaman ko? Bakit parang nagselos ako ng sabihin niya 'yon?

Arrgh! Nakakainis!

Ilang araw na ang nakakalipas nang pumunta ako sa kanila. Pagkatapos niya 'yong sabihin ay saktong tumawag sa akin si Jelly. Lubos naman ang pasasalamat ko sa babaeng 'yon at nakahanap ako ng dahilan para umalis. 'Yon din ang huli naming pagkikita.

Pumasok na siya noong mga sumunod na araw. Pero todo iwas ako sa kaniya. Hindi na ako mangingialam sa kanya kaya ilang araw ko rin siyang iniwasan.

Sabado ngayon at lubos akong nagpapasalamat at walang pasok!

Humiga ulit ako sa kama ngunit agad ding napaupo nang tumunog ang laptop ko. Nakaonline pala ako sa Facebook. Tiningnan ko ito at tumatawag si Chloe.

Mabilis ko itong sinagot. Inayos ko ang buhok ko.

"Hi, Chel!" Nakakabinging bati niya.

Natawa naman ako at kumaway rin. "Hello! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?"

"Ah, busy eh. At alam kong busy ka rin diyan." Aniya.

Nakasando siyang white at litaw na litaw ang ganda niya. Nakatali ang buhok niya. Ang puti talaga nitong si Chloe! Walang wala ako eh!

Maganda rin naman ako. Mas maganda nga lang siya.

"Ikaw, bakit hindi ka pa dumadalaw dito?" Tanong niya.

"Gaya ng sabi mo, busy ako." Buntong hininga ko.

Tumango siya at maya maya'y may panibagong mukha ang lumitaw sa screen. Napangiti ako.

"Tata sel!" Sigaw ng bata sa akin.

Ngumiti ako. "Hello, Chelsea!"

Kinalong siya ni Chloe at hinalikan sa pisngi. "Gising na pala ang baby ko." Aniya.

Tiningnan ko silang dalawa. Nalimutan kong sabihin na may anak na si Chloe. Nabuntis kasi siya at hindi niya pinaalam sa kasintahan niya. Two years old na si Chelsea. Masaya ako kasi napalaki naman ng maayos ni Chloe ang kanyang anak sa tulong na rin ng kanyang pamilya. Syempre noong una, nagulat ako. Hindi ko akalaing nabuntis siya.

"Cute cute talaga nitong si Chelsea!" Ani ko.

Humagikhik ang bata. Lalo naman akong nanggigil.

"Alam mo, kamukhang kamukha mo 'yang anak mo." Sambit ko habang tinitingnan silang mag ina.

Natawa naman siya. "Edi maganda rin! Maganda ang mama eh!"

Napanguso ako. "Kapal nito oh!"

Tumawa siya. "Biro lang!"

Napailing na lang ako. Umalis si Chelsea dahil tinawag siya ng mama ni Chloe.

"Kumusta ka riyan?" Tanong niya.

"Ayos lang. "

"Nakapamasyal ka na ba riyan?"

"Hmm, hindi masyado."

"Bakit naman?"

Ngumiwi ako. "Wala akong kasama 'no! Saka ang lalayo naman."

Tumawa siya. "Nakapunta ka na ba roon sa may burol?"

"Burol?"

"Malapit lang 'yon diyan. Masukal nga lang 'yong daan." Aniya habang nagsusuklay. Hindi halatang may anak na 'tong babaeng 'to eh.

Nag isip ako sandali sa tinutukoy niya.

"Naku! Pag nakapunta ka roon! Mawawala 'yang mga problema mo. Nakakagaan pumunta roon. Kitang-kita mo kasi ang tanawin mula sa itaas." Nakangiting kuwento niya.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon