Chapter 10

893 6 0
                                    

Chapter 10

JELLYBEAN'S POV

Inis akong nakatingin sa lalaking walang habas na lumalamon sa aking harapan.

Oo, lumalamon talaga.

Hindi man lang nahiya. Pagkain ko ang kinakain niya. Buwisit ka talaga, Owen. Sana mabulunan ka!

"Baka matunaw ako." Nakangising saad niya. Inirapan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Yabang!"

"Kanina ka pa nakatingin sa 'kin."

"Pakialam mo?!" Sigaw ko. Ewan ko ba naiinis talaga ako sa kaniya. Kaimbyerna.

"May pakialam ako. Mukha ko lang naman ang pinagpapantasyahan mo." Buong yabang niyang saad. Ngumisi rin ako.

"Talaga? Pano mo nasabi?" Pang aasar ko. Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"Mga titig mo palang, alam ko na."

"So porke nakatitig ako e pinagpapantasyahan na kita? Hindi pa puwedeng pinag-iisipan ko lang kung paano ka patayin?" Nanggigil kong saad.

Hindi ko alam kung guni-guni ko ba pero nakita ko ang pag silip ng ngiti sa kanyang labi. Nakatingin siya sa 'kin at para bang tuwang-tuwa sa pag aalburuto ko sa kanya.

"Anong ingini-ngiti mo?" Nakangusong tanong ko. Umiling lang siya.

"Wala naman. Masama na bang ngumiti ha?"

"Psh! Daming pauso!" Inis kong saad at nagsimula na lang kumain.

Sayang naman itong pagkain ni Chel kung hindi lang makakain. Binigay na naman niya sa akin 'to kaya ayos lang sigurong kainin. Hindi tulad ng iba riyan. Basta na lamang nang agaw.

Inis kong tiningnan ang pagkain kong kinakain na ng walang'ya. Ang sarap-sarap pa naman nung inorder ko, tapos sa kanya lang ang punta.

Hustiya naman, brad!

"Ang sama ng tingin mo sa pagkain ko ah?"

Tinarayan ko siya. "Naalala ko kasing may lason pala 'yan." Ngumisi ako.

"What the hell, Jellybean?!" Inis niyang saad at syempre sa sobrang ka-OA-han ay napatayo pa talaga siya.

First time niya lang akong tawagin sa pangalan ko ah?

"OA ng pucha! Edi sana patay ka na ngayon! May pagtayo pa!"

"Tsk. Wag ka kasing magbibiro ng ganoon!"

"Sana nga hindi na lang 'yon biro! Gusto mong totohanin ko ah?"

"Whatever, Jellybean!" Sumama ang mukha ko dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko.

"Stop calling me on my full name! Jelly na lang!"

Ngumisi siya. "Bakit ayaw mo, Jellybean?"

"Itigil mo 'yan!"

"Why? Gusto ko 'yon ang tawag sa 'yo eh."

"Hindi tayo close para tawagin mo ko ng ganyan."

"I don't care. Basta Jellybean." Sinamaan ko siya ng tingin pero ang walang'ya ngumisi lang.

Napipikon na talaga ako ah!

Tinarayan ko siya ng sobra sobra! Paano 'yong sobra-sobra? 'Yong feeling na papatayin ko na siya sa taray ko! Gigil na gigil ako sa kanya.

"Kawawa naman.." mahinang sambit niya. Kumunot ang noo ko.

"Sinong kawawa ha?"

Lumipat ang tingin niya sa food ko. "Yan oh." Turo niya.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon