Chapter 2

2.1K 36 0
                                    

Chapter 2

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang cellphone na patuloy na tumutunog. Inis ko itong dinampot at walang tingin tingin na sinagot.

"Hello?" Naiinis kong saad.

"Aba! Grabe ka! Agang aga,ang taray mo!" tiningnan ko ang caller ID at si Jelly lang pala.

"Bakit ba agang aga nambubulabog ka?" Narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya. Baliw!

"Hoy! Nasa labas ako ng bahay mo!" Agad akong napatayo sa sinabi niya.

"Anong? Bakit nandiyan ka?"

"Psh! Diba paalis tayo? Gosh! Kinalimutan mo 'no?" Hindi ako umimik, nakalimutan ko nga eh. " Hay nako! Sige na bilisan mo na diyan. Gandang ganda na sa'kin 'yong mga tambay dito." natawa na lamang ako sa sinabi niya.

"Sige. Intayin mo ako." Huling sambit ko saka dali daling pumunta sa labas. Malayo pa lang ako ay kita ko na ang nakabusangot niyang mukha.

Binuksan ko na agad ang gate. Ngumiti ako sa kanya ng pagkalapad lapad.

"Wag mo kong idaan sa ganyan!" Naiinis niyang saad. Napakamot na lamang ako.

"Eh, sorry na." Inirapan niya lang ako bago pumasok.

"Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan? Psh! Tulog mantika ka talaga."

"Aba! Malay ko ba!" Humarap siya sa'kin at tinarayan na naman ako.

"Paano mo malalaman e tulog ka!" Kung makasigaw naman 'to!

"Tsk! Oo na! Sorry na nga eh." nagpuppy eyes pa ako. Pero tinarayan niya lang ako.

Dire diretsong pumasok siya ng bahay at tumungo sa kusina. Tingnan mo? Takaw talaga!

Sumunod ako sa kanya at nagluluto na agad siya. Grabe talagang babae 'to!

"Oh ano pang ginagawa mo riyan?" Kinunutan ko siya ng noo. Mukhang na gets niya naman na hindi ko maintindihan 'yong sinabi niya. "My god! Chel! Maghanda ka na. Paalis tayo diba? Baka naman gusto mong kumilos. Ako na nga ang magluluto eh! Bilisan mo na!" Sigaw niya. Nagulat naman ako. Kung makasigaw talaga.

Pumunta na lamang ako sa kuwarto ko saka sinimulang mag ayos. Pants at v-neck shirt lang ang suot ko. Ayoko kasi ng mga damit na masyadong exposed ang balat ko. Sorry na.

Pagkababa ko ay bumungad sa'kin si Jelly na kumakain. Wow. Hiyang hiya naman ako sa babaeng 'to 'no?

"Oh! Kumain ka na." Inabot niya sa'kin ang plato.

"Taray nito! Mabulunan ka sana." bulong ko. Lumingon naman siya sa'kin.

"May sinasabi ka?"

"Takte! Wala! Lumamon ka na lang diyan." Inirapan niya pa ako bago ipagpatuloy ang pagkain.

"Hoy bilisan mo!" Sigaw ng babae. Sino pa ba?

"Ano ba! Kung tinutulungan mo ako diba baka tapos na 'to." inis kong sigaw. Nilolock ko kasi itong gate pero dahil medyo makalawang na kaya medyo maganit at mahirap isara.

"Kaya mo na 'yan! Cheer na lang kita. Go! Go! Go chel mwahh!" Tsk! Baliw talaga!

" 'Yan! Whoa! Natapos ko rin!" masayang sigaw ko. Grabe! Achievement na 'yon! Hehe.

"Hay! Natapos ka rin." nilingon ko siya at nakaupo na siya sa may taxi. Grabe! Ang bilis naman makahanap nito? Iba!

Pumasok na rin ako at umandar na rin naman ang sinasakyan namin. Ilang sandali pa ay huminto ito sa pinakamalapit na mall dito sa amin. Bumaba agad kami at nagbayad.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon