Chapter 16

634 11 0
                                    

Chapter 16

"Sunduin kita mamaya sa room niyo." Bulong sa akin ni Gab. Nilingon ko siya. Kabababa lang namin mula sa kaniyang sasakyan at naglalakad na papunta sa aming mga classroom.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Ang tagal ko ng ginagawa ito, hindi mo pa rin alam?" Natawa siya. "Sa bagay, ako pa lang naman ang naging boyfriend mo." Mayabang pang dagdag niya.

Nag init ang pisngi ko at inis siyang hinampas. "Yabang ah!"

"Kidding." Halakhak niya. Lumapit na naman siya sa akin. Mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Hinayaan ko na lang dahil madalas niya namang gawin iyan.

Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko nga namalayan na isang buwan na pala kami. Akalain niyo 'yon. Ang bilis. So far so good, wala pa naman kaming nagiging away. Meron naman, pero nagkakaayos din.

"Love?" Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang boses niya.

"Hmm?"

Ngumuso siya. "Anong iniisip mo?"

I shook my head. "Wala. Nandiyan na kaya si Jelly?" Sinilip ko ang oras. Hindi kasi siya sumabay sa amin.

"Baka naman nandiyan na. Tara." Hinila niya ako at nagpatianod na lamang ako.

"Sunduin kita ah. H'wag ka munang bababa. Hintayin mo ako. "

Tumango ako at tamad na tumingin sa kaniya. Paulit ulit na kasi siya. Kanina niya pa 'yan nasabi sa akin.

"Oo nga. "

Inis siyang napasabunot sa buhok. "Bakit ba kasi hindi tayo magkaklase?"

I smiled. "Baliw. Mas matanda ka sa akin."

"Tsk. Puwede bang hintayin na lang kita rito?" Tinuro niya pa ang upuan sa harap ng room namin.

I glared at him. "No! Hindi puwede, Gab."

Ngumuso siya at bumuntong hininga. "Okay. Basta, h'wag kang aalis." Hinawakan niya pa ang kamay ko. Nailing na lang ako sa sobrang kaartehan niya.

"Oo nga po. Hindi ako aalis. Hihintayin kita."

"Sige. Pasok na." Utos niya.

Tumango naman ako at nilingon si Jelly na nakangisi habang nakatingin sa amin. Nakahawak pa siya sa magkabilang pisngi na pawang kinikilig.

"Sige. Bye." Ngumiti ako at tumalikod.

Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinarap sa kaniya.

"May nakalimutan ka yata." Nakangusong sinabi niya.

"Ano naman 'yon ha?"

Nanlaki ang mga mata niya. Tila hindi makapaniwala. "What? Isang buwan na tayo, love. "

Lihim akong natawa. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya. Nagkunwari akong hindi ko alam.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Really? Fvck! Sige na. Pasok ka na." Doon ko na hindi napigilan.

Tumingkayad ako at mabilis na inabot ang labi niya. Nagulat siya.
"Done." Bulong ko.

Nanlalaki ang mga mata niya sa akin hanggang sa unti-unting ngumiti. My man is so cute!

"I love you, love." Sambit ko.

Ngumiti siya. "Haay. Sarap. I love you too."

Nagkibit balikat ako at tinuro ang pinto. "Una na ako. Bye. See you later!"

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon