Chapter 6

693 14 0
                                    

Chapter 6

Abala ako sa pagluluto ng umagahan nang bigla na lang akong makarinig ng boses sa may labas. Dali-dali kong tinanggal ang apron ko at lumabas.

"Chel!! Buksan mo!" Bumungad sa akin si Jelly na halos magkandalabasan na ang mga ugat sa leeg sa tindi ng pagsigaw.

"Ano ba? Bakit sumisigaw ka riyan?" Naiinis kong tanong habang binubuksan ang gate. Pumasok naman siya agad.

"Hoy! Baka kanina pa ako nakatok? Jusko!"

"Eh? Sorry, hindi ko narinig."

Umirap siya at naglakad papasok.

"Kabingi ng bata!" Rinig ko pang sigaw niya nang makapasok. Napailing na lang ako, saka ko sinarado ang gate.

"Nagluluto ka pa lang?" She asked.

"Oo, nakikita mo naman diba?"

"Psh! Bilisan mo baka malate tayo!" Aniya saka umupo sa upuan. Minadali ko naman agad ang niluluto at nang matapos ay inihain agad ito.

"Bakit kasi ang aga mong pumunta rito?" Tanong ko, habang kumukuha ng pagkain.

"Eh, napaaga ang gising ko e." Aniya saka nagpatuloy sa pagkain. "Ikaw?" Nag angat ako ng tingin sa kanya at nagtama ang paningin namin. "Bakit, parang kulang ka sa tulog? Mukhang antok na antok ka ah? Anong pinag-gagagawa mo kagabi?" Kunot noong tanong niya.

My eyes widened. Halos mabulunan pa ako sa biglaang tanong niya. Naningkit ang mga mata dahil sa reaksyon ko.

"Uhm. H-Hindi kasi ako nakatulog kagabi ng ayos, namiss ko kasi bigla sila Mama." palusot ko. Pero mukhang hindi siya naniniwala. "Anong tingin 'yan?" Biglang inis na ani ko.

Humalakhak lang siya at umiling. "Wala!"

"Baliw!" Bulong ko pa. Nilingon ko pa siya at nagtuloy na lang siya sa pagkain. I took a deep breathe bago sumubo ng kanin.

Ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog dahil sa text ni Gab. Simpleng text lang naman iyon pero ewan ko ba! Nakakainis! Bakit kasi kailangan niya pang magtext?

Bahala ka na nga! Agang-aga pinasasakit mo ang ulo ko.

"Hoy!" Napatalon pa ako sa biglaang pagsigaw ni Jelly.

Inis ko siyang nilingon.

"Ano ba?! Kung makasigaw ka."

"Kanina pa kita tinatawag? Are you lutang na naman? Ha?" Bakit hindi ko narinig? Takte! Masyado ba akong pre-occupied?

"Sorry, may iniisip lang." Saka ako bumuntong hininga. "Bakit ba?"

"Inaantay kita." simpleng aniya. Taka naman akong napatingin sa kaniya. Huminga naman siya ng malalim. "Psh! Bilisan mo at malelate na tayo! Kumakain ka pa rin oh!"

Mabilis akong napasulyap sa kaniyang plato. Wala na ngang laman, ang bilis niya naman yata.

Sininghalan niya lamang ako saka ako tinalikuran. Dali-dali naman ako sa pagkain at nang matapos ay naligo na. Ilang sandali lang ay nakapag ayos na rin ako at agad na bumaba.

"Wisik wisik lang tayo ah!" Pang iinis niya sa akin.

"Nagmamadali ka eh!"

"Psh! Siyempre baka malate tayo 'no!" Masungit niyang sabi sa akin bago ako kaladkarin palabas.

"Sinasabi ko na nga ba! Walang nadaan na taxi, Chel! Baka malate tayo!" Buwisit talaga ang bunganga nito ni Jelly e.

"Maaga pa naman! Bakit ba takot na takot kang malate ha?" Asik ko sa kaniya.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon