Chapter 25

1.6K 30 3
                                    

Chapter 25

Madilim ang tingin sa akin ni Gabriel. Inilipat niya ang tingin sa labas bago bumalik sa akin.

"Where have you been?" Malalim ang boses na tanong niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Balewala ko sa tanong niya.

Hindi ako makapasok sa loob dahil nakaharang siya sa pintuan. At hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganito na lang ang kaba ko. I mean, bakit ganito pa rin! Dapat hindi na!

"Gusto ko lang malaman kung maayos ka." He heaved a sigh. "Now, answer my question."

Inirapan ko siya at pasimpleng tumingin sa labas. Buti na lang, wala na roon si Lance. Nang magtama ang paningin namin ay halos mapaatras ako sa sama ng titig niya.

"Where have you been?!" Naiinis na tanong niya.

"Tsk! Puwede ba? Umalis ka nga!" Tinulak ko siya pero hindi siya natinag.

"Fuck! Why can't you just answer my damn question!" Napatalon ako sa gulat sa biglaang sigaw niya. Napahawak ako sa jacket ko.

Akala mo naman, makakapagtago ka riyan!

Inirapan ko siya para maitago ang kaba. Nanatili ang titig niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Buwisit! Bakit ba ako kinakabahan?!

"Sa..uh..sa b-burol ako galing."

"Anong ginawa mo roon?" Mabilis na aniya.

"Nagpahangin."

Umigkas paitaas ang labi niya. Tila sarkastikong natatawa. "Really? Ganitong oras?"

Inirapan kong muli siya. Ano bang pakialam mo? Huh?

Hindi ko na siya sinagot at pinilit kong siniksik ang katawan sa kakarampot na space sa pintuan! Nahalata niya naman iyon, kaya binigyan din niya ako ng daan. Padabog akong pumasok. Mabilis siyang nakasunod sa akin.

"That man. Bakit kailangang ihatid ka niya?"

Taka akong napalingon sa kaniya. Hindi man lang siya nagulat at ganoon pa rin ang itsura. Nakita niya? Tsk! Malamang!

"Bakit naman hindi?" Balik tanong ko rin.

Nainis siya sa sinabi ko. Halos humalakhak naman ako dahil sa nakita sa kaniya. Mainis ka, ganiyan nga!

Tinalikuran ko siya at kumuha ang tubig sa ref. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na nanonood siya sa aking ginagawa. Kaya hindi ko matapos-tapos ang paglalagay ng tubig sa baso.

"Nagpahatid ka, kahit hindi mo naman siya kilala." Marahan niya iyong sinabi.

"Nakita ko siya sa burol. And, FYI! Kilala ko siya." Mataray kong ani.

"Really?" Kitang-kita ang iritasyon sa kaniyang mukha.

"Yes! He's Lance!"'

"Whoa. At talagang binanggit mo pa ang pangalan ng lalaking iyon!"

Mabilis kong nailapag ang baso sa gulat. Baka mabitawan ko at mabasag. Sayang!

"Ano bang pakialam mo? Ha!"

"Hindi mo pa siya gaanong kilala and yet, nagtiwala ka kaagad!" Lumapit siya sa akin.

Natawa ako. Sarkastiko. "Sa 'yo rin naman ah." Natigilan siya roon. "Hindi pa kita gaanong kilala pero pinagkatiwalaan kita!"

Kitang-kita ko ang pagkakatigil niya. Nanatili ang titig niya sa akin. Ganoon din ako. Naalala ko ang nangyari sa aming tatlo ng kaibigan ko. Gumuhit agad ang sakit sa puso ko.

"I trusted you a lot, Gabriel! Hindi kita tinanong sa mga bagay na masyadong personal sa 'yo kasi alam kong hindi mo 'yon magugustuhan." Tumatango-tangong sambit ko. "Nag adjust ako sa 'yo! Pilit kitang iniintindi kahit na ang hirap! Pilit kitang ginagawan ng dahilan sa isip ko kasi hindi mo iyon maibigay! Pinilit kong magbulag-bulagan sa lahat! Hindi ako ganito e..matalino akong tao..hindi ako ganito.."

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon