Chapter 8

676 10 0
                                    

Chapter 8

"Saan tayo pupunta?" Iritableng tanong ko. Naiinis na kasi ako sa kahahawi ng mga damo rito. Masyadong makakati.

Humalakhak siya. Nainis ako lalo. Tumigil siya sa pag akay sa kanyang bisikleta at nilingon ako.

"Basta. Sumunod ka na lang." Natatawang aniya.

"Kanina pa nga ako nasunod diba?"

"Oh, bakit nagagalit ka na naman?"

"Malayo na yata tayo e! Kung saan saan mo ako dinadala!" Inis kong sabi. Natatawang nagpatuloy naman siya sa paglalakad. Sumunod naman ako.

No choice eh! Lintek!

Napatigil ako sa paglalakad nang bumungad sa amin ang isang napakalaking puno. Napakaganda nitong pagmasdan at nakakarelax ang tanawin sa ibaba. Para kasing nasa mataas kang lugar. Tanaw na tanaw dito ang kabahayan.

Lalo akong lumapit at namamangha kong pinagmamasdan ang mga puno. Lalo na ang pinamalaking puno na tumatakip sa buwan.

"Natulala ka riyan?" Napabaling ako kay Gab at nangingiti siyang nakatingin sa akin.

"Ang ganda e."

"Hmm." Tumango siya at tumingin na rin sa tinitingnan ko. "Tara, roon tayo." Hinila niya ko palapit sa may kawayan na upuan.

Astig! May upuan din dito?

Tinitigan ko ang mga tanawin sa ibaba. Kinakawag-kawag ko pa ang mga paa ko. Napalingon ako sa kanya. Tahimik lang siya habang nakamasid din. Pag minsan pa ay titingala siya at titingnan ang buwan. Lalo ko pa siyang tinitigan. Wala akong ibang makita kundi ang salitang kalungkutan.

Ano kayang iniisip nito?

"B-Bakit tayo narito?" Basag ko sa katahimikan na bumabalot sa min. Nilingon niya ako.

"Wala lang. Gusto ko lang ng kasama." Mahinang sabi niya. Napatango ako.

"Bakit naman ako pa ang isinama mo?"

"Diba bago ka pa lang naman dito?"

"Ahh. Oo."

"Yon nga, dinala kita rito dahil paniguradong hindi mo pa 'to alam."  Tumingin siya sa akin at nakakunot ang noo niya.

Nagulat naman ako. Para kasing galit siya na ewan.

"Oo nga. Hindi ko pa 'to alam. Eh, bakit parang nagagalit ka?"

Natigilan siya at maya-maya'y natawa.
"Hindi naman ako galit. Nagpapaliwanag lang." Tumingin ulit siya sa unahan.

Pasimple ko naman siyang tinarayan. Nagpapaliwanag daw.

Umihip ang hangin kaya naman nanginig ako sa sobrang lamig. Wala pa naman akong suot na jacket! Niyakap ko ang sarili. Hindi naman umibo ang aking katabi. Tulala lang siya habang tahimik na pinagmamasdan ang tanawin.

Ang tahimik naman! Ano? Upo upo lang kami? Takte na 'yan.

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?"  Hindi ko na kinaya at ako na naman ang umimik.

Hindi siya nag abalang lingunin ako. "Matagal na. Madalas kasi rito, noon.." ibinulong niya ang huling salita.

"Talaga? Ano namang ginagawa mo rito?"

"Hmm, wala naman. Pero mahalaga ang lugar na ito sa akin."

"B-Bakit naman?" Maingat na tanong ko.

Matagal siya bago nagsalita. Kinailangan ko pang silipin ang mukha niya at nakatitig lang siya sa buwan.

"Dito ko kasi natagpuan ang aking kaligayahan."

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon