Chapter 18

765 16 0
                                    

Chapter 18

"Tara na? Labasan na lahat. Tayo na lang ang nandito."

Hindi ko pinansin si Jelly. Nanatili akong nakaupo sa isa sa mga bench malapit sa parking lot. Katabi ko si Jelly.  Nakatayo naman sa gilid namin si Owen.

Tinawagan ni Owen si Gab kanina pero nakapatay raw ang cellphone nito. Nakailang texts na rin ako sa kaniya ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang nireplyan. Hanggang sa dismissal ay walang Gab na nagpakita sa akin.

"Nasaan na ba kasi siya?" Inis kong saad. Napasabunot ako sa buhok ko. "Sinabi niya sa akin kaninang umaga na malapit na siya pero hindi siya dumating. Ayos lang kaya siya?"

Hinaplos ni Jelly ang likod ko. "Ano ka ba! Ayos lang 'yon. Baka may emergency lang. Baka, napatay niya 'yong cellphone niya. Mamaya, tatawag din 'yon." Pang aalo niya pa.

"Saan naman kaya nagsuot 'yon?" Singit ni Owen.

Napayuko ako. Nag aalala ako. Hindi ako mapakali. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Tumulo ang luha ko. Mabilis ko iyong pinunasan ngunit lalo yatang dumami.

Pumalatak si Jelly. "Hay nako! Lagot talaga 'yang Gab na 'yan sa akin!" Aniya at kinuha ang panyo at pinunasan ang mukha ko. "Tahan na. H'wag nang umiyak."

Tiningnan ko ang oras at 6PM na. Kulay kahel na ang kalangitan. Napabuntong hininga ako. Dalawang oras na kaming naghihintay. Baka susunduin niya ako.

"Tinawagan mo ba ulit?" Baling ni Jelly kay Owen.

"Oo. Patay ang phone."

"Aish! Ano ba 'yang kaibigan mo!" Nilingon ako ni Jelly. "Tara na! Bukas mo na lang siya kausapin. Ilang oras na tayong nag aantay dito."

"Mauna na kayo." Sambit ko.

Nangunot ang noo niya. "Hindi puwede, Chel."

"Sige na. Hihintayin ko siya."

Inis na nagpakawala ng hangin si Jelly bago bumaling kay Owen. "Tawagan mo 'yang si Gab ah!  Sige na. Mauna ka na. Pag nakita mo siya sa inyo, papuntahin mo rito!"

"Eh bakit sumisigaw ka?" Si Owen.

"Nakakainis kasi 'yang kaibigan mo."

"So dapat mainis ka rin sa akin?"

"Psh! Sige na." Umupo ulit si Jelly sa tabi ko.

Lumingon ako sa kaniya. "Bakit nandito ka pa?"

Umingos siya. "Hindi kita iiwan. Sabay na tayo."

Napangiti ako. Tumingin sa akin si Owen. "Mauna na ako. Tawagan na lang kita. Mag iingat kayo." Aniya. Tumango na lamang ako.

Mabilis siyang tumalikod at hindi na nagpaalam kay Jelly.

"Tingnan mo na. Ang bastos talaga." Bulong ng katabi ko.

Nagpatuloy ang paghihintay namin. Isang oras na ang nakakalipas ay wala pa rin siya. Binasa ko ulit ang text ni Owen kanina.

From: Owen.

Chel? Wala rito si Gab. I'm sorry. Umuwi na kayo. Take care.

Baka naman. Susunduin niya ako. Then, mag uusap kami. Hihingi siya ng sorry sa ginawa niya kanina. Siguro..

"Chel? Gabi na. Umuwi na tayo." Napatingin ako kay Jelly. Seryoso na ang boses niya.

Huminga ako ng malalim bago tumango. "Tara na. "

Hanggang sa makauwi ng bahay, wala akong imik. Inayos pa ni Jelly ang pagkakasarado ng pintuan bago siya nagpaalam. Tamad na umakyat ako sa taas. Nagpalit ako ng damit at humiga agad sa kama.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon