Chapter 5

979 17 0
                                    

Chapter 5

Napailing na lang ako at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Jelly na nakaupo sa couch habang kumakain.

Takte! Ang bilis talaga nito sa pagkain.

"Saan mo na naman 'yan nakuha ha?" Pagtataray ko sa kanya, pagkaupo ko.

Tiningnan niya lang ako at tinaasan ng kilay.
"Psh! Malamang! Sa ref."

"Tinatanong ko lang."

"Hoy! Chel! Alam kong nagmamaramot ka na naman kaya ganyan ka makatingin!"

Buti alam mo!

"Ikaw na lang kasi nakakaubos ng pagkain ko, e wala ka namang ambag!" Sambit ko saka kumuha sa kinakain niya. Inilayo niya naman agad iyon.

"Akin lang 'to! Kumuha ka roon!"

"Takte! Kaninong pagkain 'yan ha?"

"Ako ang nauna!"

Anak ng... Ang damot!

Pasimple ko pa siyang tinarayan. Umayos ako ng upo at humarap sa TV. Pero agad din akong humarap sa kanya nang may maalala.

"Jelly!" Tawag ko. Tamad niya akong nilingon.

"Hmm?" Ngumunguya pang aniya.

"Wala ka bang napansin kanina?"
Tumingin siya sa 'kin ng diretso.

"Napansin? Saan ba?"

"Kanina. Kina Gab at Owen noong maihatid nila tayo rito." Sandali siyang nanahimik at tila nag isip.

"Ahm, parang wala naman."
Nakatingalang sambit nya.

"Wala talaga?"

"Wala naman, bukod sa pagtataray ng hinayupak na Owen na 'yon!"
Inirapan ko siya. Ang tindi talaga ng bunganga.

Ayos kausap!

"Wala nga! Ano ba kasing napansin mo na naman ha ,Chel?" Dagdag niya nang makita niya aong nakatitig sa kanya.

I heaved a sigh. "Kasi..ano..nang makita nila 'tong bahay na 'to, para bang gulat gulat si Owen. Para bang required talaga na magulat dahil nalaman nila kung saan ako nakatira." Nilingon ko si Jelly at nakanganga na siya sa akin ngayon.

Pusta! Hindi nito nagets!

"Teka teka! Hindi ko nakuha! Ano bang sinasabi mo?"

Sinasabi ko na nga ba!

"Peste! Kahit kailan ka talaga!" Ngumuso naman siya sa sinabi ko. "'Yon nga! Nang maihatid nila tayo rito, bigla na lang nagtanong si Owen kung anong ginagawa natin dito? And then sabi ko rito ako nakatira, bahagya pa siyang nagulat noon. Nagtanong pa nga ako kung bakit pero hindi nila ako sinagot. Ano? Gets mo na?" Umaasang tanong ko. Tinarayan niya naman ako at umiling.

"Punyeta!" Inis na, na sigaw ko.

"Hoy! Diretsuhin mo na kaya ako! Hindi 'yong paganyan-ganyan!" Inis ding saad niya.

"Akala ko kasi ay magegets mo agad!"

"Malay ko ba sa 'yo! Magkaiba tayo ng utak, okay! Bobo nito." Gulat akong napatingin sakanya.

Ako pa nga ang bobo.

"Fine! Para kasi-"

"Ayan ka na naman sa mga 'para kasing, para kasing' mo!" Singit niya.

"Lintek ka! Patapusin mo muna kaya ako?" Sinenyasan niya akong ituloy.

"So 'yon nga! Sa tingin ko alam na nila ang lugar na 'to. 'Yon bang pamilyar na sila rito kung saan ako nakatira. Para bang napuntahan na nila ito kung makaasta sila saka gulat na gulat talaga noon si Owen eh." Inis akong napapikit kasi hindi ko maipaliwanag ng ayos. "Basta, ganoon. Nag-gets mo ba ako?"
Dahan dahan naman siyang napatango.
"Isa pa, isipin mo ha! Bakit parang sa atin lang sila lumalapit? Diba? I mean, hindi nga natin sila kilala eh, pero parang ang bilis nilang napasok ang buhay natin." Tumingin siya sa 'kin.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon