Chapter 22

1K 16 0
                                    

Chapter 22

Tamad kong tiningnan ang cellphone ko sa ibabaw ng table. Palagi ko itong tinitingnan. Dalawang araw na mula ang pag alis ni Gab. Hindi niya man lang ako t-in-ext or tinawagan.

"Chel.." tumingin ako kay Jelly.

Nag aalala siyang ngumiti. "May naghahanap sa'yo." Inginuso niya ang labas ng classroom.

Agad na nagliwanag ang mga mata ko. Tumango ako sa kanya at mabilis na lumabas.

Paniguradong si Gab 'to.

Ngunit nang humarap siya sa akin ay nanlumo agad ako.

"Owen.." mahinang tawag ko.

Seryoso siyang tumingin sa akin. "May klase kayo?"

Tumingin ako kay Jelly, tumango lang siya. "Wala pa naman.."

He nodded. "I see. Samahan mo ako." At umuna na siyang maglakad.

Samahan? Saan naman?

Sumunod ako sa kaniya. Nakarating kami sa canteen. Pinaupo niya ako at saka siya pumunta sa counter.

Ano namang trip nito?

Ilang sandali pa ay umupo siya sa harap ko. Inabot niya sa akin ang iced tea at sandwich.

"Thanks." Ani ko.

Tumingin siya sa akin at huminga ng malalim. Ang weird naman.

"Nagpasama ka para rito?" Hindi ko na napigilan.

Umiling siya. "Gusto kitang makausap."

Kinabahan agad ako. "Saan naman?"

Matagal siyang tumitig sa akin. Nailang naman ako kaya ngumiti ako ng bahagya.

"You heard us."

Ano raw?

"What?" Litong tanong ko.

"Noong gabing pumunta ka sa bahay, alam kong narinig mo kami. "

Nanlamig ang mga kamay ko. Napatitig ako sa kanya. Seryoso naman ang mukha niya.

"Matagal akong nakititig sa labas. At noong kumatok ka, ay hindi kita nakitang pumasok sa gate. Kaya alam kong kanina ka pa roon." Tila siguradong aniya.

Hindi na ako nakapagsalita, ni hindi ako makatingin sa kanya. Nakakahiya.

"Don't worry, alam ko naman na magiging ganito."

Nag angat ako ng tingin. Anong ibig niyang sabihin?

"Tama ka. Narinig ko nga kayo." Pag-amin ko.

Nangunot ang noo niya. "Kinausap mo na siya tungkol doon?"

Umiling ako. "Hindi. Ayoko. Gusto ko siya mismo ang magsabi sa kin."

Natawa siya ng bahagya. "Sana nga, masabi niya na."

"Sino bang pinag-uusapan niyo?"

"Ayokong sa akin mismo manggaling." Uminom siya saglit. "Kausapin mo siya. Gusto kong magkalinawan kayo. Huwag mo namang pahirapan pa ang sarili mo, Chel."

"Ano bang sinasabi mo?" Inis na tanong ko.

"Hindi ka bulag, Chel at hindi ka rin manhid. Alam kong nararamdaman mo rin." Mariing sabi niya.

Napayuko ako sa biglaang kirot na naramdaman ko. Alam ko ang tinutukoy niya.

"N-Nasaan ba siya?" Nanginig ang boses ko.

"Hindi niya nasabi sa 'yo?"

"H-Hindi."

"Fuck you, Gab." Gigil na bulong niya.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon