Chapter 15

799 10 0
                                    

Chapter 15

"Nasaan ka?"

Napaikot ako ng mga mata. "Naglalakad na."

"Ah. Sige, palabas ka na?" Tanong niya.

"Opo, just wait me there okay?" Natatawang ani ko.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Alright, love. I'm willing to wait." Saka ko binaba ang tawag.

Naiiling na lang ako sa kanyang inaasta. Isang linggo na mula ang nangyari nung gabing iyon. Hindi ko alam pero sa sandaling nagtama ang paningin namin, napa oo ako at pumayag na maging girlfriend niya. Ang bilis 'no? Wala e, pagdating sa kanya, nababablangko na ako. Ni hindi man lang nga niya ako niligawan, diretso sagot na agad! Abat, ang suwerte niya ah! Nakakainis din kasi parang ang easy-to-get ko naman na babae. Pero, gusto ko siya. At wala naman sigurong problema sa biglaang pagsagot ko.

Natatakot din ako dahil wala pa rin ako masyadong alam sa kanya. First boyfriend ko pa naman at wala akong experience! Anong nangyari roon sa sinabi ko dati na wala akong hilig sa mga ganito? Wala rin.

Sinabi ko kay Jelly noong nakaraan ang tungkol sa pagiging kami ni Gab. Nagulat siya syempre, nung nakaraan nga raw ay halos maglumpasay ako sa sahig dahil sa selos, then mababalitaan niya na lang daw sa akin na boyfriend ko na 'yon? Natawa na lamang ako. At syempre, dahil dakila siyang kaibigan, hindi nawala ang mga paalala niya sa akin.

"Chel, listen okay?" Tumango ako. "Masyadong mabilis kayo. Nakakagulat. Pero hindi naman ako puwedeng maging kontrabida riyan sa relasyon niyo. Kaya, payo ko. Huwag kang masyadong mahulog ah? " Tumaas ang kilay ko. "Oo na! Mukhang ang unfair nung sinabi ko! Inaalala lang naman kita. Hindi mo pa masyadong kilala si Gabriel. Ang alam ko talaga, may girlfriend siya noon. Kaya nga siya nawala, siguro dahil doon sa girl na 'yon! Pero hindi ko alam kung anong nangyari bigla." Tumango ako sa sinabi niya.

Alam ko namang masasaktan at masasaktan ako sa pinasok ko pero bahala na. Naalala ko 'yong larawan sa kuwarto ni Gab. Ni ayaw nga niya iyong ipahawak sa akin? Ano kayang meron doon? Gusto ba talaga ako ni Gab? Ano ba 'yan. Wala pa nga kaming isang buwan, may doubts na agad ako. Nakakaloka!

Tiningnan ko ang cellphone ko. May text iyon mula sa kanya. Pinagmamadali ako. Napailing na lamang ako.

Simula nang maging kami ay halos maya't maya na siya kung tumawag sa akin at mag text! Lagi niya ako hinihintay at syempre kinikilig naman ako. Sige nga, sinong hindi kikiligin? Napangiti ako. Bahala na, wala na akong pakialam sa nakaraan niya. Basta masaya ako. 'Yon lang.

Nagmadali ako sa paglalakad dahil baka nakanguso na naman iyon at nakakunot ang noo. Natawa ako nang matanaw ko na siya. Nakasandal siya sa kanyang kotse. Hindi niya pa ako nakikita.

"Gab!" Mabilis siyang lumingon sa akin at umayos ng tayo. Agad siyang ngumiti at sumenyas na bilisan ko. Ngumuso ako at mas binagalan pa ang paglalakad.

"Aissh! Talaga naman!" Umiling siya at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Hindi na yata nakapaghintay!

Nang sandaling makalapit siya sa akin, kinuha niya ang bag ko at ibinuka ang mga braso.

Tumaas ang kilay ko. "Oh? Ano 'yan?"

He pouted. "I need a hug."

"What? Seriously?"

"Tss. I'm serious, Chel. Hug me, please?"

Nangiti ako at palihim na ngumiti. Ano ba? Hehe, kinikilig ako.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. He leaned closer and whispered softly. "I saw it. Haha! Kinikilig ka, Love?"

Uminit ang pisngi ko at lalong yumakap sa kanya. "Hindi ah! Baliw!"

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon