Chapter 17

635 11 0
                                    

Chapter 17

Mabilis na lumipas ang oras. Dismissal na agad. Kaya naman, pagkalabas pa lang ng aming huling guro ay inayos ko na ang mga gamit ko.

Sinuklay ko ang buhok ko at pinuyod ito. Naglagay rin ako ng powder sa mukha. Hindi talaga ako marunong mag ayos ng aking sarili. Daig talaga ako ni Chloe. Btw, kumusta na kaya 'yon?

"Nagmamadali ka, gurl?" Tanong sa akin ni Jelly.

Nilingon ko siya. "Hindi naman."

"Hindi raw, pero ang bilis kumilos." Bulong pa niya. Hindi ko na lang pinansin at binitbit na ang bag.

Pagkalabas namin ay siyang bungad ng dalawa sa may pintuan. Agad na ngumiti sa.akin si Gab. Por que bati na kami, ngingitian niya ako ng ganiyan? Hmp!

Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko. "Hindi muna kita hahalikan. Baka galit ka pa sa akin." Bulong niya. Natawa naman ako. Naalala ko kasi 'yong huling text niya sa akin.

"Sira."

Pumalatak si Jelly. "Ayun! Konting harot, naging marupok."

Pinandilatan ko siya ng mga mata. Humalakhak naman si Gab.

"Tsh. Inggit ka lang e." Komento ni Owen.

Binalingan siya ni Jelly. "At bakit naman ako maiinggit?"

"Dahil wala kang mahaharot." Literal na nanlaki ang mga mata ko. Grabe, ang cute pakinggan nung harot sa kaniya.

Humalakhak si Jelly. "Para kang bakla sa part na 'yon!"

Naglalakad na kami't lahat e nagbabangayan pa rin silang dalawa.

"Really? Ako bakla?"

"Oo. Bakit, naoffend ka?" Kunwari pang naaawang tanong ni Jelly.

"Hindi. Baka gusto mong patunayan ko ang pagkalalaki ko sa 'yo? You want it?"

Napaubo si Jelly. "Eww! In your dreams!"

Humalakhak naman si Gab sa tabi ko. "Nice one, brad. Iba talaga."

"Tsh. Pakipot." Bulong ni Owen.

"Ano?!"

"Oh, bingi ka pa rin?"

"Aba't! Ang yabang!"

"Saan ang mayabang don?" Si Owen.

At ayun, nagbangayan na naman sila. Mabilis na akong hinila ni Gab at inakbayan.

"Grabe 'yong dalawa mag away." Natatawang bulong ko.

"Hayaan mo sila. Basta h'wag lang tayo ang mag away."

Napanguso ako. "Akala mo ah. May atraso ka pa sa akin."

"Oh? Akala ko ba bati na tayo?"

"O-Oo nga." Humalakhak na naman siya at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad patungo sa parking lot.

"Sige na. Babye!" Sambit ko kay Gab. Nandito na kami sa harap ng bahay at heto na naman kami, pahirapan sa pagpapaalam.

Ngumuso siya. "Ang bilis. Kababati lang natin."

Natawa ako. "Magkikita naman tayo bukas ah?"

"Bukas pa 'yon."

Tinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang buhok niya. Gustong gusto ko ang lambot ng kaniyang buhok at ang bango pa.

"Tatawagan na lang kita pag nakauwi ka na." Malambing kong saad.

Ngumiti siya. Kumislap pa ang mga mata. He touched my face and caressed it.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon