Chapter 19

854 11 0
                                    

Chapter 19

Wala ako sa sarili sa nagdaan na mga oras. Paulit ulit kong naririnig ang pinag usapan nila Owen at Gab. Pati ang mga naging kilos ni Gab sa akin matapos iyon. Ni hindi ko nga napansin na dismissal na at naglalakad na kami ni Jelly.

"Hoy?" Napalingon ako sa kaniya.

"Bakit?" Tamad kong ani.

Nangunot ang noo niya. "Bakit ganyan ang mukha mo? Kanina ka pa wala sa sarili. Nga pala, san ka galing kanina?"

"Wala naman.." halata sa boses ko na malungkot ako. Ewan, kinakabahan ako kay Gab.

"Teka nga." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Sabihin mo nga sa akin, anong problema?"

"Tsk, ano namang tanong 'yan?"

Tinititigan niya ako. "Kilala kita, Chel. Kaya sige na, anong problema?"

Umiwas ako ng tingin. Saka huminga ng malalim. "Kinakabahan ako kay Gab e."

"Bakit? Hindi pa rin ba kayo okay?"

"Ayos naman. Pero kasi iba ang pakikitungo niya sa akin. Umiiwas siya. "

Tumingin siya saglit sabakin. "Bakit naman kaya? Napansin ko nga rinn 'yon kanina."

"Tapos, narinig ko pa silang dalawa ni Owen, may pinag uusapan sila. "

Kumunot ang noo niya. "Ano raw?"

Kinwento ko sa kaniya 'yong narinig ko kanina. Nagpatuloy na kami sa paglalakad kasi baka may makarinig pa.

"Ano?! " Gulat na sambit niya. "Bakit naman ganoon? Sino kayang pinag uusapan nila." Tumingin siya sa akin. "Kaya pala, kanina ka pa ganyan."

"Oo, kaya hindi ko maipaliwanag 'yong nararamdaman ko e. Kinakabahan ako sa kinikilos ni Gab. "

Napaisip siya saglit. "Hindi kaya..." Malungkot siyang tumingin sa akin.

"Ano?" Takang ani ko.

Huminga siya ng malalim. "Baka 'yong ano...baka lang naman. 'Yong ex niya ang tinutukoy niya?" Kinakabahang aniya.

Natahimik ako. Ex niya? Alin 'yong nasa larawan ba? 'Yong ayaw niya ipagalaw sa akin? Anong meron doon? 'Yon ba 'yong sinasabi niyang nakita niya? Hindi ko alam, pero nagbago ang pakiramdam ko. Parang may mabigat na nakalagay sa puso ko.

"C-Chel, baka naman hindi. Hindi pa naman tayo sigurado e." Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy na lang sa paglalakad. "C-Chel naman eh, anong iniisip mo? "

"Wala, Jelly." Mahinang sambit ko.

Natigilan siya. "Nandyan na sila."

Inayos ko muna ang sarili bago nag angat ng tingin. Naglalakad palapit sina Owen at Gab. Hindi ko tiningnan si Gab pero alam kong nakatitig siya sa akin.

Siniko ako ni Jelly. "Kausapin mo siya ah. Tiwala lang." Tumango na lamang ako.

"Hi guys!" Si Jelly.

Ngumiti lang ako sa kanila. Mabilis na lumapit sa akin si Gab at kinuha ang bag ko, nginitian ko lang din siya. Pansin ko ang mga titig ni Owen kay Gab.

"Saan niyo gustong pumunta? Maaga pa naman." Si Gab.

Napatingin sa kaniya si Jelly, bago sa akin. "A-Ah, ano uuwi na rin ako. May gagawin pa ako e." Hinila niya si Owen. "Tara, Owen.."

"Teka, saan tayo pupunta?"

Pinandilatan siya ni Jelly. "May gagawin ka rin diba? Ihahatid mo ako."

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon