Chapter 14

541 9 0
                                    

Chapter 14

"Everything. Even that kiss."

Para akong baliw na naglalakad. Wala ako sa sarili matapos akong halikan at iwanan ng walang'ya! Naiinis ako kasi wala man lang akong ginawa para pigilan siya at ang lagay pa ay parang ginusto ko rin.

Hmm, parang ganoon na nga.

Nabatukan ko ang sarili dahil sa naisip. Sige nga, kahit ikaw! Paano pag bigla ka na lang hinalikan? Ano? Makakatanggi ka pa? Argh! Nakakainis. Nahihiya na nga ako sa ginawa kong paghalik sa kanya nung nakaraan, then may panibago na naman?

Teka, bakit ako mahihiya? Hindi naman ako ang humalik sa kanya. Oo! Siya! Siya ang humalik sa.akin, hindi ako. Kaya kung meron mang mahihiya, siya 'yon.

"Bakit ba kasi niya ako hinalikan!"

"Anooo?"

Napapitlag ako nang marinig ang malakas na boses ni Jelly. Tiningnan ko siya at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa akin. Nilibot ko ang tingin ko, naglalakad pa lang pala kami papunta sa room. At katabi ko nga pala ang chiz kong kaibigan.

"Tama ba 'yong narinig ko, Chel?" Tumigil pa siya sa paglalakad para harapin ako.

Tinayan ko siya. "Mali 'yong rinig mo!"

"Psh! Sabi mo, bakit ba niya kasi ako hinalikan?" Ginaya niya pa ang tono ng boses ko.

Napailing na lang ako bago siya lagpasan.

"Hooooy! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" Mabilis siyang humarang sa akin at hinawakan ako sa balikat.

Takte!

"Ano?"

Inirapan niya ako. "H'wag mo akong sisigawan, Krischel!" Nagulat ako nang tawagin niya ako sa buong pangalan ko.

Mukhang seryoso siyang malaman!

"Bakit ba?" Mahinahong tanong ko.

Binitawan niya ako at hinarap ng maayos. "Sinong humalik sa 'yo?"

"Bakit 'yan agad ang tanong mo?" Kunot noong tanong ko.

"Ano ba dapat ha?"

"Diba dapat tanungin mo muna ako kung may humalik nga sa akin."

Tumaas ang kilay niya. "Psh! Alam ko namang may humalik sa 'yo! Kaya sabihin mo na kung sino."

Napaikot ako ng mga mata. Wala akong kawala. Tiningnan ko siya at nakataas pa rin ang kilay niya habang naghihintay ng sasabihin ko. Huminga ako ng malalim.

"Pucha! Ang tagal! Sasabihin lang, kailangan pa intense?"

"Manahimik ka nga! Kita mong nag iisip ako e!" Bulyaw ko sa kanya.

Ngumuso lang siya bago sumenyas na bilisan ko na.

"S-Si Gab." Mahinang sambit ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin at halos mabuwal pa sa kinatatayuan. Napailing na lang ako.

Shit! Ang OA talaga!

"T-Talaga?"

Tumango ako. "H'wag kang maingay."

"Oh my gosh! Sabi na e! Kaya pala sinundan ka niya sa CR. Oh my gosh! Kaya pala, ang tagal niyo!" Halos mahimatay na siya kaya naman hinawakan ko siya sa balikat.

"Hinga. Baka mamatay ka diyan."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Psh! Kinikilig ako 'no! Hindi ka ba kinilig? Grabe! Si Gab 'yon! Si Gabriel!"

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon