Chapter 3

1.2K 20 1
                                    

Chapter 3

Kanina pa ako nakatutok sa 'king laptop. Hindi ko alam kung iaacept ko ba o ano? Kasi naman! Ang bilis naman yata niyang nahanap ang account ko diba? Nyeta! Ano naman ngayon? Friend request lang 'yan, Chel! Wag assuming!

Pinindot ko ang confirm. Hehe! Bahala na! Isinara ko na ang laptop ko at saka tumungo sa baba. Nandiyan pa kaya si Jelly?

Dumiretso ako sa kusina, nauhaw ako roon ah. Pagkapasok ko pa lang ay halos malaglag ang panga ko sa aking nakita.

"Anong? Anong ginagawa mo riyan?" Nagtatakang tanong ko kay Jelly.

"Ha? Nagluluto. Hehe." inosente niyang sagot. Sinamaan ko siya ng tingin. Langya! Uubusin niya ang stocks ko. May harina pa siya sa mukha.

"Psh! Balak mo bang ubusin ang pagkain ko rito ha?" Lumapit ako sa kanya. Ngumuso naman siya sa sinabi ko.

"Pang merienda lang naman eh. Alas tres na kaya! Nagugutom na ako."

"Pang merienda? Seriously? Bakit parang piyestahan dito huh!" Iginala ko ang paningin ko sa buong kusina. Tambak ang hugasan. Ang daming labas na junk foods, may fried hotdog, bacon, sandwiches, etc. And nagbabake pa siya ng cake! Grabi rin naman ang yabang ng isang 'to sa pagluluto!

"Hindi naman eh! Kulang pa nga 'yan!" patuloy siya sa pagm-mix ng kung ano ano. Tinabihan ko siya at piningot ang kanyang tainga.

"Loko kang babae ka! Kung gusto mo 'yang dagdagan, sa bahay mo 'yan tapusin!" Todo palag naman sya.

"Ouch ha! Masakit 'yon!" Hinimas himas niya ang kanyang tainga. Psh! Baliw!

Sinamaan ko lang siya ng tingin at  nagsimula ng maghugas ng pinggan. Langya talaga 'yon e. Walang hugasan dito kanina, pero ngayon? Tambak! Grabe!

Abala ako sa paghuhugas ng bigla siyang sumigaw. Napatingin naman ako sa kanya. At ayun! Nagtatalon-talon ang gaga.

"Ginagawa mo?" Kunot-noong tanong ko. Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng pagkalaki laki.

"Hahahaha! Nagawa ko na 'yong cake mo. Ang sarap ng chocolate cake ko!" Saka siya nagtatalon. Lumapit ako sa kanya at tinikman ang ginawa niyang chocolate cake kuno. Nakatitig lang siya sa'kin habang nilalasahan ko ang kaniyang cake.

"Ano? Masarap diba?" Ngiting ngiting tanong niya.

"Sobrang tamis naman niyan! Papatayin mo ang kakain niyan eh!" Sumimangot siya saka tinikman din ang kanyang gawa.

"Oo nga 'no? Bakit kanina ayos na?" Tumingin siya sa'kin. "Bakit 'di ko makuha ang lasa, pag ikaw ang nagawa? Argh!!" Natawa na lamang ako.

"Pang maganda lang kasi 'yon eh." nakangising ani ko. Tinitigan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

"Ganda ka? Ganda ka teh?" Sarkastikong aniya. Umiling na lamang ako.

"Bilisan mo na riyan! At mamaya umuwi ka na! May pasok na tayo bukas!" huling sambit ko bago ipagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.

Narinig ko pa ang pagbulong bulong niya pero hindi ko na pinansin. Nang matapos ako sa aking ginagawa, ay inayos ko muna ito. Sobrang kalat talaga kapag nandito 'yang babaitang 'yan!

Lumingon ako sa aking likuran at wala na siya. Nasan na naman kaya 'yon nagkalat ng kadiliman? Tumungo ako sa salas at tama nga ako, naroon siya nakaupo, nanonood ng TV habang nilalantakan ang pagkain. Umupo ako sa tabi niya at nakisalo sa kinakain niya. Aba! Pagkain ko rin 'to 'no?

"Sige na! Hayaan na naman tayo sa mga bilin mo eh!" kunot noong sambit ko.

"Aba! Syempre mag isa ka lang dito 'no? Pano kung may mangyari sa'yo? Wal--"

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon