Chapter 12

508 9 0
                                    

Chapter 12

Mabilis ang lakad ni Gab habang palapit kami sa aking apartment. Halos magkanda talisod na ako sa bilis niyang maglakad.

Takte, kung makahila naman!

"Aray ko! Bitawan mo nga ako!" Reklamo ko dahil masakit na ang paa ko.

Hindi niya ako pinansin at diretso lang ang lakad. Nagulat pa ako nang tumigil kami sa harap ng gate. Ang bilis namin ah?

"Buksan mo." Inis niyang utos.

"Hanep, makautos." Bulong ko habang kinukuha ang susi.

Binuksan ko ito at hindi ko pa naaayos ang pagkakabukas nang hilahin niya na ako papasok at siya na ang nagsara. Napamaang na lang ako at nagpatianod sa kanya.

Bad mood siya brad!

"Bakit ba nasa labas ka pa rin ng ganitong oras?" Tanong niya agad nang makapasok kami.

"Wait lang ah? Lapag ko lang, puwede?" Itinaas ko ang hawak kong plastic saka 'yong cap nung lalaki. Sinamaan niya lang ako ng tingin, kaya naman nilagay ko na 'yon sa lamesa.

"Sagutin mo na 'yong tanong ko!" Sigaw niya.

"Kailangan bang sumigaw?!"

Tumingin sya sa 'kin saka lumapit.
"May balak ka bang sagutin 'yong tanong ko?" Pigil ang inis na tanong niya.

"Obviously, bumili ako ng pagkain. Kaya nasa labas ako." Inirapan ko sya.

"Bakit wala kang kasama? Alam mo naman na madilim na sa kalsada at kung makapaglakad ka ay parang nagmomodel pa." Aba. Ano raw?

"Eh, sa wala akong kasama eh! May nakikita ka ba ha? At saka, hoy! Hindi ako nagmomodel ha! Langya ka!" Singhal ko.

Ngumisi siya. "Kaya naman pala may pasabi sabi ka pa roon sa lalaki na ang guwapo niya!"

Narinig niya pa 'yon? Hanep!

"Oh ano naman? Eh sa guwapo naman nga siya ah." Balewalang sagot ko.

Nanliit ang mga mata niya sa akin at lumapit pa. "So guwapo nga siya?"

Umatras ako. "Oo bakit?"

"Nasa bingit ka na ng kamatayan! Tapos pinupuri mo pa siya!" Napatalon ako sa biglaang pagsigaw niya.

Takte! Anong bang problema nito?!

"Wait nga! Ano bang ikinagagalit mo?" Tanong ko. Natigilan siya sa tanong ko at napaatras ng kaunti.

"Nagagalit ako kasi..muntik ka ng mapahamak." Umiwas siya ng tingin.

"Wala namang nangyari sa akin ah?"

"Walang nangyari sa 'yo dahil dumating ako!"

"Wow! Superhero ang peg? Hoy, wala naman talaga siyang gagawin sa akin! At hindi ako naniniwalang, rapist siya. "

"Bakit? Dahil guwapo siya?"

Oo syempre.

"H--Hindi naman..pero parang ganoon na nga." Sinamaan niya ako ng tingin. Umiwas naman ako.

Tumalikod siya at huminga ng malalim. Tiningnan ko siya. Mula sa white tee shirt niya, sa suot na pants hanggang sa sapatos.

Takte, ang guwapo pala nito?

"Isa pa.." bumalik ang tingin ko sa likod niya nang magsalita siya. "Bakit mo ako iniiwasan?" Humarap siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at napaiwas ng tingin. Shit! Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Naku, hindi ko rin alam.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon