Chapter 20

1K 15 0
                                    

Chapter 20

Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman kagabi kaya ending ang sakit ng mga mata at ulo ko. Maaga akong nagising ni hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako ng maayos.

Sandali pa akong nanatili sa higaan bago bumangon. Pumasok ako ng bathroom at naligo. Nang matapos ako ay saka ako nagbihis ng uniform namin. Tiningnan ko ang oras at 6:05AM pa lang. Umilaw ang cellphone ko, nilapitan ko ito at tiningnan.

5 unread messages.

Jelly:

Hoy! Nakapag usap ba kayo?

6:25PM.

Jelly:

Sayang pa naman 'yomg alok ni Gab, hehe pero okay lang basta nagkaayos kayo. Oh, so ano na?

6:26PM.

Kahapon siya nagtext, hindi ko na nabasa dahil abala ako.

Tiningnan ko ang iba pa.

Love:

I'm so sorry, Love. I didn't mean to hurt you, Chel. Goodnight and sleep well.

8:45PM.

Jelly:

Good morning! Puntahan kita mamaya ah? Kwentuhan mo ako, nako!

6:00AM.

Love:

Good morning! Susunduin kita, mamaya. Eat your breakfast first. Ily!

6:04AM.

Hindi ko sila lahat nireplyan. Inilagay ko lang ang cellphone sa bag at bumaba na. Hindi ako kumain ng marami dahil wala talaga akong gana.

Palabas na ako ng gate nang matigilan si Jelly sa akmang pagkatok. Gulat siyang napatingin sa akin.

"Teka, paalis ka na?" Tumango lang ako at sinara na ang gate. "Ang aga mo ah. Nag almusal ka na ba?"

"Oo." Nag abang na ako nang masasakyan. Hindi ko na siya nilingon pa.

Alam kong may gusto siyang sabihin at tanungin. Lumapit siya sa akin.

"H-Hindi ka ba susunduin ni..G-Gab?" Nag aalinlangan niyang tanong.

"Gusto ko ng mauna e."

Taka siyang tumango sa akin at tumahimik na lamang. Nakasakay rin naman agad kami at dumiretso sa room. Inayos ko ang bag ko at wala sa sariling tumanganga sa unahan.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, sobrang sama ng loob ko sa kaniya, tapos may gana pa siyang magtext sa akin? Tas ano? Susunduin ako? Ano sa tingin niya, hindi ako napahiya? Ha! Buwisit!

Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko ito tiningnan. Tumingin sa akin si Jelly bago sa bag ko.

"Tumutunog 'yong phone mo, Chel."

Nginitian ko siya. "Hayaan mo." At binalik uli ang mga mata sa una.

Gulat siyang napatingin sa akin at sa kaniyang cellphone, tumutunog iyon kaya sinagot niya.

"Oh? Hello?..Ah..oo, eh. Oo, nandito na kami. Kanina pa...Oh? Ah sige sige..." Rinig kong kausap niya saka binaba.

Hindi ko siya nilingon. Pagod na akong magsalita. Lumapit siya sa akin. Hinagod niya ang likod ko. Hindi ako lumingon.

"C-Chel, may problema ba kayo?" Huminga siya ng malalim. "Tumawag sa akin si Owen, kanina pa raw sila sa labas ng bahay mo. Hindi mo raw sinasagot ang tawag ni Gab, kaya ako tinawagan ni Owen." Hinagod niya pa rin ang likod ko. "Akala ko pa naman ayos na kayo, kasi iniwanan namin kayo kahapon. May nangyari ba?" Nag aalalang tanong niya.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon