Disclaimer: This book is still in need of revision. Please refrain from using hateful words and derogatory language because I made this book in 2017 without knowledge about creating a story. Therefore, expect some grammatical flaws, incorrect grammars, typographical errors, and the puzzled, unclear, and confusing plot itself.
__________________________________________
Chapter 1- Mortal
Written by Kimi Writes
𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮 𝗧𝗮𝗺𝗶𝗻𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩
"Aaaahhhh!"
"Silveo! Manganganak na ako!" malakas kong sigaw sa Hari.
Kaagad naman siyang napabalikwas at naalerto. "Mga kawal! Tawagin ninyo ang pinakamagaling na kumadrona sa buong kaharian! Manganganak na ang Reyna! Bilisan ninyo!" sigaw ni Haring Silveo sa mga kawal.
Bigla namang dumating ang kumadrona habang hingal na hingal.
"Mahal na Reyna, nandito na po ako." Napadako ang tingin nito sa Hari.
"Mahal na Hari, maaari po ba kayong lumabas muna upang maging ligtas ang panganganak ng Reyna?" nakayukong wika ng kumadrona.
Hindi na nagsalita ang Hari at lumabas na lamang ng silid, dahil bawal ang presensya ng lalaking saksi sa panganganak— isang ipinagbabawal at matagal nang tradisyon sa aming kaharian.
"Mahal na Reyna, i-iri niyo pa ho! Malapit na ito! Konting tiis na lang! Nakikita ko na ang ulo ng inyong anak!" sigaw ng kumadrona.
Malakas naman akong sumigaw, ramdam na ramdam ko ang sakit ng panganganak ko.
"I-iri niyo pa po! Huli na ito!" sigaw niyang muli.
"AAAAHHHH!" malakas kong sigaw.
"Mahal na Reyna, binabati ko ho kayo! Lalaki ang sanggol mula sa inyong sinapupunan!" masiglang sambit ng kumadrona.
Inilagay niya ang sanggol sa aking tabi. Ngunit nagulat ako sa bakas ng pagkabigla sa kanyang mukha— nakatingin pa rin siya sa pinaglabasan ng aking anak.
"Marsides? Ano ang problema? May masama bang nangyari?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Mahal na Reyna! Mayroon pa pong kasunod! Kambal sila!" masaya niyang ani, na siyang ikinagulat ko.
Agad akong naghanda para sa paglabas ng pangalawa kong anak. Napa-iri ako nang buong lakas. Napangiti ako nang marinig ko ang iyak ng aking pangalawang supling.
"Mahal na Reyna, kambal po ang inyong anak! Isang lalaki at isang babae. Ano po ang ipapangalan ninyo sa dalawang supling na ito?"
"A-ang ipapangalan ko sa p-prinsipe ay Alexander Percy Collins Gloriette..." nauutal ko pang tugon dahil sa sakit at matinding pagod mula sa panganganak.
Magsasalita na sana ako upang pangalanan ang aming anak na babae, ngunit inunahan ako ng Hari.
"Ang ipapangalan natin sa pinakamalakas na prinsesang nilalaman ng propesiya ay Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette!" buong diin at sigaw ng Hari.
─────୨ৎ─────୨ৎ──────୨ৎ─────
Nagkaroon kami ng isang malaking pagdiriwang para sa pagsilang ng aming kambal na itinuturing na bukod tanging pinalamalakas na prinsesa at prinsepe sa lahat ng kaharian dito sa mundo ng mahika.
Ayon sa propesiya, ang munti kong prinsesa ang siyang magliligtas sa kaharian laban sa masasama at sakim sa kapangyarihan— ang mga Darkenians. Ang huling anak naming isisilang ay itinakdang maging tagapagligtas mula sa kadilimang kanilang dala. Sana lamang ay huwag matupad ang lahat ng nakasaad sa aklat ng propesiya, dahil kapalit ng kanyang kapangyarihan ay ang sariling sakripisyo para sa kapayapaan.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
