Chapter 40- Harley?
Written by yeexizx
Charlie's POV
Bumalik na ako sa dorm ko at kasalukuyan ding naiinip. Wala man lang magawa sa dorm, kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa garden. Dapat pala ngayon nalang kami nag-date ni Marky para 'di na ako mainip.
Pumunta na ako sa garden ng paaralan nang makaramdam ako ng presensya ng nilalang. Nagtatago lang naman 'to sa bush. Kaya naghanda ako at baka bigla-bigla nalang ito umatake. Naghintay ako ng isang minuto, dalawa, hanggang umabot sa lima at pinapakiramdaman ko pa rin ang presensya nito. Ngunit ayaw lumabas na parang tila'y pinapanood at pinagmamasdan lang ang aking mga galaw.
Hindi na ako nakapaghintay pa at pinalabas na ito. "Lumabas ka." malamig kong sinabi sabay harap sa bush at kinontrol ito para lumabas na ang nilalang na nagtatago roon. Bumungad sa'kin ang lalaking singkit ang mga mata na may matangos na ilong. Iniwas ko naman ang mga tingin ko mula sa kan'ya.
"U-Uhh e-eh, sorry." nauutal nitong usal.
"Okay." malamig kong sambit at umupo sa bato na malapit lang sa bush na pinagtaguan ng lalaki.
"U-Uhh... I am Harley, ikaw?" pagsisimula niya ng topic.
"Charlie." tipid kong sagot.
Tss... I don't talk to strangers.
"Ikaw pala 'yung nababalitaang rank 1 sa levelling? Ang galing mo talaga! P'wede makipag-friends?" makulit nitong saad.
Kalalaking tao, napakadaldal.
"I don't even know you," malamig kong tugon habang hindi pa rin tumitingin sa kan'ya. Sa halip, pinaglalaruan ko lang ang tubig sa palad ko, water balls ika nga nila.
"Mabait naman ako e'. Promise, wala akong gagawing ikasasama ng loob mo at masama sa'yo. I swear!"
Promises meant to be broken, dude.
Napataas naman ang kilay ko. "Bakla ka ba?"
"No! Of course not!" sigaw nito.
Napaghahalataan, mas'yadong defensive.
"Then, okay." malamig kong tugon.
Aalis na dapat ako sa kinauupuan ko nang hilain ako ng mokong. Kaya ang kinahantungan, natumba kaming dalawa.
"What the heck! Ano bang problema mo!?" galit na galit kong sigaw sa kan'ya ngunit nakangiti pa rin siya.
"Hehe. 'Wag ka muna umalis! Sige na! Wala kasi akong kausap, yung mga ka-dorm ko, ayaw sa'kin. Ang kulit ko daw." pagpupumilit niya.
Paanong hindi maiinis sa'yo kung gan'yan ba naman ang makakasalamuha nila sa araw-araw.
"Hindi ko tinatanong."
Umalis na ako sa pagkakapatong sa kan'ya. My gosh, feeling ko tuloy, matatapakan na 'tong pagkatao ko dahil sa makulit na lalaking 'to.
Napasimangot nalang siya. "Grabe naman 'yan master Charlie! Napakaharsh mo naman. Napakabait ko na nga tapos gan'yan ka pa!" sigaw niya.
Sinamaan ko siya ng tingin ng mala wag-ka-nga-mag-inarte-look. Nag-peace sign lang naman siya. Isip-bata talaga.
"I'll leave. What do you want!?" sadista kong tanong sa kan'ya.
Naiinis ako. He's just wasting my time.
"Master naman e'! Gusto kong kasama ka! I want a girl like you, mataray."
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
