Chapter 44- Fight
Written by yeexizx
Charlie's POV
Kasalukuyan akong nag-iimpake para sa misyon namin sa mundo ng mga tao. Tiningnan ko ang orasan, alas-syete palang ng umaga. Ang usapan naming pagkikita para pumunta sa mundo ng mga tao ay alas-sais.
Napagdesisyunan ko namang maggala-gala muna, bahala na kung saan ako mapadpad ng mga paa ko. Ang Royalties section lamang ang walang klase dahil na rin sa dinami-rami ng mga misyon na ipinapagawa sa'min.
Natapos na ako sa aking pag-iimpake. Lumabas na ako mula sa dorm ko, dumiretso ako sa cafeteria sa kadahilanang hindi pa ako nag-aalmusal. Unusual, mayroon ka nanamang mga bubuyog na maririnig. Bulungan dito, bulungan doon. Hindi na matapos-tapos ang mga isyu sa'kin. Napagdesisyunan kong mag-order na lang ng light meals.
"What's your order ma'am?" nakangiting tanong ng babae.
"Light meals. Sausage, egg, and fried rice. Additionally, I prefer milk for my drink." malamig kong tugon.
Nag-compute naman siya ng mga babayaran ko, nang matapos siya ay nginitian niya ako. "One hundred fourty-five pesos ma'am."
Kinuha ko na ang cash mula sa pitaka ko. "I received two hundred pesos and your change is-" nakangiti niya pa ring saad nang putulin ko iyon.
"Just keep the change, lady." ngiti kong usal.
"Nako! Thank you, ma'am. Eatwell!" masayang tugon ng babae, tinanguhan ko lamang siya.
Kinuha ko na ang pagkain kong nasa food tray, kumuha muna ako ng free bottled water na nasa tabi ng cashier. Tumingin-tingin naman ako ng bakanteng upuan, kung saan medyo konti ang nakaupo. Nakahanap din ako sa wakas ng bakanteng upuan ng malayo sa mga nilalang, naglakad na ako papunta doon nang may bumangga sa'kin kaya naman natapon ang gatas na nasa babasaging baso, nagkalat naman ang bubog sa lapag. Mabuti na lamang ay gatas lang ang nabagsak dahil may reserba pa akong tubig. Napatingin ako sa babae, napataas na lamang ang kilay niya.
"Can you be careful next time?Nakakadisgrasya ka kaya. Pati ba naman dito sa cafeteria, tatanga-tanga ka pa din?" mataray nitong usal.
Yumuko ako. "I'm sorry. Hindi na mauulit, Princess Charlotte." magalang kong tugon rito.
"Talagang hindi na mauulit. I don't allow people who are dumb like you here!" sigaw nito kaya napatingin ang ibang estudyante sa gawi namin.
Napatingin ako kay Shakira together with Mafia and her alipores. Nakataas pa rin ang mga kilay nila at kaya akong saktan sa anumang oras.
"I apologized already, isn't enough?" malamig kong utas.
Lumapit naman sa'kin si Mafia. "That's not enough. We want you to suffer, mang-aagaw!What a slut!" sigaw nito.
"Wala akong inaagaw." malamig kong tugon.
"Anong walang inaagaw!? Inagaw mo sa'kin si Coldy! Haliparot kang babae ka!" sigaw nito, akmang sasampalin niya ako nang pigilan ito ni Shakira.
"Hayaan mo ang mga babaeng malandi katulad niya, hindi mo dapat siya pinapatulan because she's a whore." malditang saad ni Shakira.
Tinititigan ko silang dalawa. "I'm not a whore and malandi. Wala akong inagaw because in the first place, wala namang naging sa inyo. Ni hindi nga kayo minahal, anong ipinaglalaban niyo?" malamig kong usal.
"How dare you to say that!" galit na galit na sigaw ni Mafia at sinampal ako.
Napahawi ako ng aking mukha dahil sa lakas ng sampal niya, ngumisi lang ako rito. Bakas sa mukha nito ang galit at inis dahil sa inaasta ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasíaBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
