Kabanata XXIX - Chapter 29

13.8K 325 5
                                        

Chapter 29- Agony


Written by yeexizx



Charlie's POV



"Coldy?" kunot-noo kong tawag ngunit bumalik rin ako sa reyalidad nang mapagtantong hindi pala si Coldy iyon.



Bakit ako aasa sa'yo na ikaw 'yung nasa harap ko ngayon? S'yempre, kasama mo ang pekeng prinsesa.



Napakunot ang noo niya. "Ha?"



"A-Akala ko si Coldy... Uhh, sorry..."



Dammit.



Tumawa naman ito... Ngunit, pilit. "It's okay."



"Why are you here?" tanong niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko na para bang sinusuri ang emosyong ilalabas ko.



Seryoso ko siyang tiningnan. "Nagpapahangin lang." I said.



"You're lying... You're here because of what happened earlier. You want to forget everything." hindi niya pa din inaalis ang pagtitig sa'kin.



"You were raised smart." ani ko naman.



"I knew what happened earlier. Everybody knows that Charlotte helped you, but that's a big lie." iritado nitong usal na nagpalaki ng mata ko.



Paano niya nalaman?



"How did you know?"



"I have another ability to see things that are hidden and I can immediately detect it, ginamit ko 'yon upang malaman ang totoong nangyari. I know you can't do that..." napangiti ako ng palihim. Kahit pala kumag ang isang 'to, mabait pa rin kahit papaano.



"You're powerful, Marky... And, uhh... May napupusuan ka na ba?" I smiled.



Ang gaan ng pakiramdam ko kay Marky. Sobra. Kahit pangit ang una naming pagpapakilala sa isa't isa. I was mean that time.



Napayuko siya. "Yes, but I'm afraid that she might avoid me once I confess my feelings." may bahid na lungkot sa tono niya.



"Don't be afraid, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." kalmado kong saad at pumikit upang damdamin ang maaliwalas na simoy ng hangin.



"If only you knew that it was you, Charlie." bulong niya ngunit hindi ko naman iyon narinig.



Pagkadilat ko ng aking mga mata ay wala na siya sa harap ko, umalis na ako sa sapa at napagpasyahang maglakad-lakad. Tss, iniwan ako mag-isa.



Sa hindi inaasahan, nakasalubong ko ang mga Royalties. Nahagip ko kaagad si Coldy na nakatitig sa'kin, naibaling naman ang mga tingin ko sa babaeng nakahawak sa kaniyang braso.



Ang pekeng Charlotte.



Humingi naman sila ng tawad sa kanilang sariling paraan. Ngunit imbes na ibaling ang mga tingin sa bawat isa sa kanila, napasulyap ako kina Charlotte at Coldy na mas sweet pa kaysa sa asukal kung mag-usap.



Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Maybe, I'm just tired.



"It's okay, balik na ako sa dorm ko." malamig kong usal at mabilis umalis roon.



Ramdam ko ang lungkot nila dahil sa malamig na pakikitungo ko sa kanila, sadyang hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nawalan ng gana. Ano bang nangyayari sa'yo, Charlie?



Alam ko namang nagpapanggap lamang si Shakira, iyon ang pangalan ng pekeng nagpapanggap bilang ako.



Anak ng hari at reyna ng mga Darkenians.

The Lost Princess (UNDER REVISION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon