Chapter 31- Preparation
Written by yeexizx
Charlie's POV
Napabangon ako sa isang magandang kagubatan na punong-puno nang magaganda at makukulay na bulaklak, mayroon din akong naririnig na tunog ng mga hayop.
Naaalimpungatan ako nang marinig ko pagtawag sa'kin ng isang nilalang.
"Princess Charlotte..." bulong sa'kin ng isang nilalang, napaharap ako rito.
Si Valentina lang pala.
Napasinghap ako. "Ang hilig mong manggulat, akala ko ay kalaban. By the way, what do you want from me?" singhal ko.
Seryoso naman itong tumingin sa'kin. "Nais ko lang naman ipabatid ang mga mangyayari kinabukasan sa inyong paglalakbay, mahal na prinsesa."
Tumango na lamang ako at hindi na muling nagsalita. "Bukas ay mayroong mangyayaring masama, susugod ang mga Darkenians sa Kweba ng De los Syete. Kailangan mong maunahan ang mga Darkenians, wala silang kapasilidad na kunin ang krystal kaya naman susugod sila sa inyo kapag wala na kayong natitirang lakas. Sa tulong ng nagpapanggap na prinsesa ay makukuha nila ang krystal ng palihim." seryoso nitong saad na nagpakunot-noo sa'kin.
"Papaano nalang si Shakira? Paano kung magtaka sila na mas kailangan ako doon at hindi naman kailangan ang nagpapanggap na prinsesa? Malalaman nila ng tuluyan na siya ay peke, Valentina."
"Pagpasok palang ng impostorang na iyon ay sya'y masasaktan ng lubos dahil tanging ikaw lamang ang p'wedeng makapasok roon, hindi din alam ni Headmaster na ang pinakamalakas lamang na prinsesa ang p'wedeng makapasok roon, kaya hindi sila magdududa na ikaw din ang prinsesa sapagkat masasaktan ka rin doon. Madaming kapangyarihan ang mawawala sa'yo at hindi na makakalaban pa kapag sumugod ang sobrang dami na kawal ng mga Darkenians, kaya kailangan mong mag-obserba at sugudin ang mga Darkenians sa gitna nang inyong paglalakbay, sila'y nakaabang sa Kweba ng De Los Syete na siyang magnanakaw ng krystal kapag kayo ay nanghina na." pagpapaliwanag nito.
"Salamat sa gabay, Valentina."
"Huwag po kayong magpasalamat dahil tungkulin naming mga deyendeta ito." huling kataga na kaniyang sinambit bago tuluyang naglaho.
Napabangon ako sa sakit ng ulo. Hinimas-himas ko naman ito hanggang mapawi ang sakit. Napagdesisyunan ko naman gawin ang araw-araw kong ginagawa bago pumunta sa klase o misyon. Naisipan ko nalang na magluto, mas gusto ko pang kumain kaysa mag-spell ng potion dahil nagpapabigay ng enerhiya ang pagkain. Kumain na ako, hindi kalaunan ay natapos na din ako pagkatapos ng dalawangpung minuto. Pagkatapos kung kumain ay naligo na ako, tumagal ito ng tatlongpung minuto.
Nagbihis na ako at simpleng puting v-neck t-shirt at jeans lamang ang aking isinuot, idagdag ko na din ang hoodie dahil malamig-lamig sa labas sapagkat madaling araw pa lang. Naglagay din ako ng kolorete sa aking mukha, simple at manipis na kolorete dahil ayoko ng makapal.
Mabuti na lamang ay nakapag-impake ako kagabi bago matulog upang hindi ako nagmamadali ngayon. Nagdala din ako ng maraming pagkain na tatagal ng isang linggo at madaming ginto. Ginto ang pambili sa labas ng akademiya, hindi kami sasaluhin ng ibang mga nilalang kahit kami pa ay mga prinsesa at prinsepe. Responsable kami sa mga bibilhin namin kaya dapat hindi kami umasa sa ibang nilalang.
Tulad nga ng sinabi ng mga reyna at hari ng iba't ibang kaharian, iba na ang masasaksihan namin kapag nasa labas na kami ng akademiya ng Arteya Kingdom. Makikita namin ang tunay na reyalidad na hindi pa namin nararanasan sa tanang buhay namin.
Walang katulong sa bawat digmaan na magaganap.
Walang gagalang sa'min kahit kami pa ang pinaka-nirerespeto sa lahat.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
