Kabanata XXI - Chapter 21

17.3K 362 5
                                        

Chapter 21- Guardians
Written by yeexizx

Charlie's POV

"Mahal na prinsesa, ano pong nangyayari sa inyo?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Valentina.

"W-Wala... Ayos lang ako, simulan na natin ang pagpapalabas sa mga guardians ko."

"Sige po mahal na prinsesa, ikaw ay magpokus lamang, ramdamin mo ang enerhiyang nananalaytay sa iyong katawan." magalang na usal niya.

Nagpokus naman ako at unti-onti kong nararamdaman ang lahat ng enerhiyang dumadaloy sa'king katawan na magkakakonektado sa isa't isa. Nakita ko namang lumiwanag ang aking palad, napatakip si Valentina sa kan'yang mata, tiyak kong nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa'king palad. Lumabas sa aking mga palad ang mga brilyante na may iba't ibang kulay.

Nagulat ako nang makita kong lumabas sa asul na brilyante ang isang lobo na kulay-asul, pati ang kan’yang mata ay kulay-asul.

"Prinsesa, ang tawag sa pang-unang guardian mo ay ang legendary blue wolf. Ang kapangyarihan ng asul na lobo ay yelo kung saan kaya nitong gawing yelo ang naiisin niya."

Pumunta naman ang kulay-asul na lobo sa kulay-asul na brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Ang sunod namang lumabas sa berdeng brilyante ay isang dragon na kulay-berde na sa tingin ko ay bumubuga ng berdeng apoy. Ang sunod namang lumabas sa berdeng brilyante ay isang dragon na kulay-berde na sa tingin ko ay bumubuga ng berdeng apoy.

"Ang tawag sa pangalawang guardian mo ay ang legendary green dragon. Ang kapangyarihan nito ay berdeng apoy, bumubuga ito ng nakakamatay na apoy na sa tingin ko'y may lason. Ang makaamoy ng usok ng kan'yang berdeng apoy ay mamamatay. Isa siyang mapanganib na guardian, Prinsesa Charlotte. Huwag kang mag-alala sapagkat kaya niya namangaa kontrolin ang makaamoy ng kan'yang lason na usok, depende sa nanaiisin mo."

Pumunta naman ang berdeng dragon sa kulay-berdeng brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Ang sunod namang lumabas sa pulang brilyante ay ang kulay-pulang malaking ibon na kukay kahel na may pagkapula. Ang sunod namang lumabas sa pulang brilyante ay ang kulay-pulang malaking ibon na kukay kahel na may pagkapula.

"Ang tawag sa pangatlo mong guardian ay ang legendary red phoenix. Ang kapangyarihan nito ay malakas, lahat ng parte ng katawan niya ay bumubuga ng apoy. Mapapaso ang sino mang hahawak rito, maliban sa nagmamay-ari sa kaniya. Ikaw lang ang maaaring humawak nito. Malalapnos ang balat ng sino mang hahawak rito."

Pumunta na ang pulang ibon sa pulang-brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Ang sunod namang lumabas sa kayumangging brilyante ay isang kayumangging mabangis na leon na buntot ay isang ahas. Ang sunod namang lumabas sa kayumangging brilyante ay isang kayumangging mabangis na leon na buntot ay isang ahas.

"Ang tawag sa pang-apat na guardian mo ay ang legendary brown chimera. Ang kapangyarihan nito ay malakas, kung umatake ito ay parang leon, nakakatulong ang ahas nito sapagkat may lason ang ngipin ng ahas na ito na handang umatake kapag ikaw ay nasa kapahamakan. Poprotektahan ka nito mula sa masasamang nilalang."

Pumunta naman ang chimera sa kulay-kayumangging brilyante kung saan ito nakarita at naka-summon.

Ang sunod namang lumabas sa itim na brilyante ay isang maitim na kabayo na may patusok sa noo nito. Ang sunod namang lumabas sa itim na brilyante ay isang maitim na kabayo na may patusok sa noo nito.

"Ang tawag sa pang-limang guardian mo ay ang legendary black unicorn. Ang kapangyarihan nito ay itim, sumisimbolo sa kasamaan at kadiliman. Ang kapangyarihan nito ay parang kapangyarihan din ni Freya, kung saan nakakapag-spell ito ng mga dark powers. Ang sungay nito ay matalim at nagsisilbing patalim niya mula sa mga mananakit sayo."

Pumunta ang itim na unicorn sa kulay-itim na brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Ang sunod naman na lumabas mula sa puting brilyante ay hindi ko maipaliwanag, para itong ibon na may sungay at ang buntot ay katulad ng ahas, mayroon din itong pakpak. Ang sunod naman na lumabas mula sa puting brilyante ay hindi ko maipaliwanag, para itong ibon na may sungay at ang buntot ay katulad ng ahas, mayroon din itong pakpak.

"Ang tawag sa pang-anim mong guardian ay ang legendary white headed. Ang kapangyarihan nito ay malakas, ang kaniyang armas ay ang sarili niyang buntot. Hinahampas niya ang kan'yang buntot sa sino mang kakalabanin mo. Ang mga bibig naman nito ay naglalabas ng matutulis na kutsilyo na kulay puti." nakangiti pa ring usal ni Valentina.

Pumunta ang white headed sa kulay-puting brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Ang sunod naman na lumabas mula sa asul na berdeng o blue green na brilyante ay parang ahas na dragon ngunit may tubig na nakapalibot dito at may tusok tusok sa katawan. Ang sunod naman na lumabas mula sa asul na berdeng o blue green na brilyante ay parang ahas na dragon ngunit may tubig na nakapalibot dito at may tusok tusok sa katawan.

"Ang tawag sa pang-pitong guardian mo ay ang legendary blue serpent. Ang kapangyarihan nito ay malakas din, ang ginagawa ng tusok-tusok sa kan'yang ang katawan ay may lumalabas ritong mga matutulis na dagger na may lason. Kaya nitong lumipad basta't mayroong nakapalibot ritong tubig, kaya din nito sa mga anyong tubig at gumapang sa lupa. Mayroong lumalabas na kapangyarihan sa bibig nito, tubig na nakamamatay." tugon niya at ngumiti.

Pumunta ang  sa kulay-asul na berdeng brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Ang sunod naman na lumabas mula sa kulay- abong brilyante ay agila na ibong may pakpak at kalahating kabayo. Ang sunod naman na lumabas mula sa kulay- abong brilyante ay agila na ibong may pakpak at kalahating kabayo.

"Ang tawag sa pang-walong guardian mo ay ang legendary gray hippogriff. Ang kapangyarihan nito ay malakas, mabilis ito tumakbo at lumipad. Hindi nila ito masasaksak sapagkat nagiging metal ang katawan nito. Ang sandata ng hippogriff ay ang kan'yang mga kuko na may lason, kalmot ang gagawin niyang panlaban."

Pumunta ang hippogriff sa kulay-abong brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Ang sunod naman na lumabas mula sa kulay-kastanyan o maroon na brilyante ay isang leon na mayroong mala-demonyong pakpak at mayroong buntot na may mga matutulis na patalim. Ang sunod naman na lumabas mula sa kulay-kastanyan o maroon na brilyante ay isang leon na mayroong mala-demonyong pakpak at mayroong buntot na may mga matutulis na patalim.

"Ang tawag sa pang-siyam mong guardian ay ang legendary maroon griffin. Ang kapangyarihan nito ay mapanganib, naglalabas ng mga may lasong dagger ang guardian na ito. Kaya nitong lumipad at tumakbo." tugon ni Valentina.

Pumunta ang griffin sa kulay-kastanyan na brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Ang sunod naman na lumabas mula sa malaki at makulay na brilyante ay makulay na kabayo na may patusok din sa noo nito. Ang sunod naman na lumabas mula sa malaki at makulay na brilyante ay makulay na kabayo na may patusok din sa noo nito.

"Ang tawag sa pang-sampu mong guardian ay ang legendary unicorn. Ang kapangyarihan nito ay pinakamalakas sa lahat, p'wede mo itong ilabas ngunit isang beses mo lang magagamit ang kapangyarihan niya kumpara sa iba mong mga guardian na magagamit mo ng pang-matagalan. Ang paggamit dito ng dalawang beses ay p'wedeng makasanhi ng iyong pagkamatay." tugon ni Valentina.

Pumunta ang unicorn sa makulay na brilyante, kung saan siya nakatira at naka-summon.

Lumabas na lahat ng mga guardians ko, tanging pagkamangha lamang ang makikita mo sa aking mukha.

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit ngayon ko inilabas ang aking mga guardians?"

"Dahil ikaw ang pinakamalakas na prinsesa, kapag bukas mo pa inilabas ang iyong mga guardians ay matatagalan ang paglalabas mo ng lahat ng guardians mo." pagpapaliwanag niya at tumango na lamang ako.

"Hindi mo p'wedeng ilabas lahat ng guardians mo sapagkat malalaman nila na ikaw ang prinsesa at Ikaw na din ang mamimili kung sino ang iyong ilalabas." tugon niya.

"Paano?"

"Ikaw mismo ang magbibigay ng pangalan sa mga guardians mo." nakangiting tugon niya.

"Paano ko sila maiilalabas kung nasa brilyante sila?" tanong ko pang muli.

Ngumiti naman siya. "Tawagin mo lang ang pangalan nila na ibibigay mo, kung ilalabas mo silang lahat, sabihin mo lang na lumabas na sila. Susundin nila lahat ng gusto mo."

Naisipan ko namang palapitin sila upang bigyan sila ng mga pangalan. "Lumapit kayo sa'king lahat, bibigyan ko kayo ng mga pangalan." utos ko at nagsilapitan naman sila.

"Ang ipapangalan ko sa kulay-asul na lobo ay Eil." itinuro ko ang lobo't hinaplos ito.

"Ang ipapangalan ko sa kulay-berde namang dragon ay Drade." itinuro ko ang dragon at hinaplos ito.

"Ang ipapangalan ko sa kulay-pulang phoenix ay Nixed." ani ko at hinaplos ito.

"Ang ipapangalan ko sa kulay-kayumanggi namang chimera ay Bromera." itinuro ang chimera't hinaplos ito.

"Ang ipapangalan ko sa kulay-itim na unicorn ay Unilack." itinuro ito't hinaplos.

"Ang ipapangalan ko sa white headed ay Whided." ngumiti ako't hinaplos ang white headed.

"Ang ipapangalan ko sa kulay-asul na serpent ay Blusepent o Bluse sa madaling salita." itinuro ito't hinaplos-haplos.

"Ang ipapangalan ko sa kulay-puting hippogriff ay Hiteppo." itinuro ito at hinaplos-haplos.

"Ang ipapangalan ko sa kulay-kastanyan o maroon na griffin naman ay Margriff." itinuro ito't hinaplos-haplos.

"Ang ipapangalan ko sa makulay na unicorn ay Rainasus." itinuro ito't hinaplos din katulad ng ginawa ko sa ibang mga guardians.

"Kay gandang pangalan, mahal na prinsesa. Tila ba pinag-konekta mo ang kanilang mga pangalan sa uri nila." nakangiting saad naman ni Valentina at napangiti naman ako.

"Maraming salamat, mahal na prinsesa." sabay sabay na pagpapasalamat ng mga Guardians ko at yumuko bilang pagbibigay galang.

"Pumasok na kayo sa sari-sarili niyong mga brilyante. Maghanda kayo bukas para sa seal guardians bukas." tumango naman silang lahat. Bumalik na sila sa kanilang brilyante at pumasok na roon.

"Bukas sa seal guardians ay lalo pa nilang papalakasin ang iyong mga guardians. Kontrolin mo ang paggamit ng iyong mga guardians, gamitin mo lang sila kapag kailangan mo ito." mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Valentina.

"Maaari kanang gumising, mahal na prinsesa." aniya na nagpangiti sa'kin.

"Salamat sa gabay, Valentina." huling katagang binitawan ko bago nagising.

Nang maidilat ko ang mga mata ko, mayroon akong naramdaman na malakas na enerhiya na nananalaytay sa aking katawan.

Mamaya na ang seal guardians, kailangan kong magpahinga lalo.

Naalimpungatan ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

Ang aga-aga nambubulabog!

Bumangon na ako para buksan ang pintuan at pagkabukas ko ay may nakita akong bata.

"Bakit? Sino ka?" nakakunot-noong tanong ko sa bata.

"Ako nga po pala si Myra! Taga Beginner section po ako! Idol ko nga po kayo e'! Ibibigay ko lang po sana itong susuotin niyo sa seal guardians! Ako po kasi ang inatasan sa pag-dedesenyo ng mga damit ng Royalties, galingan niyo po mamaya!" nakangiti at masiglang sambit ng bata sa'kin.

Ibinigay niya naman sa'kin ang isang malaking kahon na naglalaman ng damit na susuotin ko mamaya sa seal guardian.

"Sandali, bata!" sigaw ko rito.

Humarap naman siya sa'kin ng may ngiti. "Bakit po?"

"Parehas ba kami ng mga Royalties ng susuotin?" malamig kong tanong.

"Ay hindi po! Magkakaiba po. Ginawa ko pong mas sexy ang damit mo!" tugon niya't kumindat.

Ngumiti naman ako rito. "Maraming salamat. Humayo kana at magpahinga."

"SALAMAT PO! Tama nga ang sinabi sa'kin ni Lola na lubhang kay bait niyo po!" sigaw ng bata.

"Walang anuman." ngiting sambit ko.

Umalis na siya, isinarado ko na ang pinto. Nakita ko naman ang hawak-hawak kong kahon, inilagay ko na sa aking kama ang kahong bigay-bigay sa'kin ni Myra. Binuksan ko na ang kahon at nadatnan ko na ang susuotin ko mamaya sa seal guardian summoner.

Outfit: Sando Croptop, Leather Shorts, and Leather Boots.

Tinitigan ko ito ng tatlong minuto at napagtantong lubhang maigsi nga ang pagkakagawa nito. Hindi ko na pinansin 'yon at napagpasyahan ko nang matulog muna ulit dahil sobrang aga pa. Itinago ko muna ang kahon na may naglalamang damit, humiga na ako sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko. Nandilim na ang paningin ko, hudyat na ako'y nakatulog na.

-
The Lost Princess. Chapter 21. Fantasy.

The Lost Princess (UNDER REVISION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon