Chapter 39- Confession
Written by yeexizx
Headmaster's POV
Napabalikwas ako ng upo nang may marinig akong katok. Bumungad sa'kin ang pekeng prinsesa na tinutukoy ni Prinsesa Charlotte. Kung ilalarawan mo ito, may magandang kulay ng pulang buhok ito. Pulang mata, mahahabang kuko, at masamang aura.
"Hello, Headmaster." bati naman niya.
Peke akong ngumiti. "Do you need anything, Princess Charlotte?"
Ngumiti naman siya, "I just want to request na paalisin niyo na sa dorm 'yung babaeng wirdo na nakikisiksik lang sa'ming mga Royalties!" pagmamataray niya.
"Sino do'n? Madaming babae sa Royalties, Prinsesa."
"Charmie? Charmaine? Charlane? Charleigh? Whatever her name is!" sigaw niya.
"Oh... Are you referring to Charlie?"
Tumango naman siya. "Yeah, you're right!"
"Bakit ayaw mo siya sa dorm ng mga Royalties? Are there any problems there?" kunot-noo kong tanong rito.
Tumingin naman siya sa'kin, ramdam na ramdam ko ang galit sa mga mata nya. I wonder if she knows that Charlie is The Lost Princess.
"I have a very bad feeling that she's just pretending na mabait! Like, taksil siya!"
Napaayos ako ng upo. "Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo?"
Kailangan kong sundin ang pinag-uutos ni Shakira, alam kong may plano si Charlie. Wala akong magagawa kung hindi sundin si Shakira kahit labag sa kaloooban ko.
"Yes, I'm sure with that, Headmaster. Tell her na pumunta rito right now!" sigaw niya.
"Okay iililipat ko nalang siya ulit sa dati niyang dorm, kung iyon ang gusto mo... Just wait her here, Princess Charlotte." magalang kong usal kay Shakira at kinausap na si Charlie gamit ang isip ko.
Mabuti nalang at madali akong makapansin ng mga kakaiba, that's why nalaman ko na si Charlie ang nawawalang prinsesa. I can smell the instinct. Of course, I'm the Headmaster...
Charlie's POV
"Princess, you need to go here... Shakira is here, pinapaalis ka niya sa dorm ng mga Royalties." bulong ni Headmaster sa isip ko. Naalerto naman ako at napatigil sa ginagawa ko.
Sinusubukan mo nanaman ako, Shakira...
Pabalik ko naman siyang kinausap sa isip ko. "Okay, I'II go there." kalmado kong tugon.
Lumabas na ako mula sa dorm ng mga Royalties. Nadaanan ko naman si Coldy, dinaanan niya lang ako na para bang walang nangyari sa'min kahapon sa gubat. Bigla naman bumigat ang pakiramdam ko, mabuti nalang, nakita ko si Marky na naglalakad-lakad, napatingin siya sa gawi ko kaya lumapit siya kaagad sa'kin.
Kinawayan niya naman ako. "Hi, Charlie."
Ngumiti lang ako, aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa braso ko. Muntikan nang lumapat ang labi ko sa kan'ya. Nabigla at nagulat ako kaya naman naitulak ko siya ng malakas.
"I-I'm sorry, nabigla lang ako. Bakit ba kasi bigla-bigla ka nalang nanghihila d'yan?"
"O-Oh... I'm sorry for pulling you, I-I just w-want to come with you." nauutal na tugon nito.
Nagkibit balikat lamang ako. "Bahala ka."
Ngumiti naman siya ng matamis, naglakad na ako. Parang aso naman si Marky na sunod ng sunod sa'kin, pinipigilan ko lang matawa.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
