Main Characters

22K 344 14
                                        

Written by: Kimi Writes

𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐔𝐇𝐀𝐍

𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗹𝗱𝘆 𝗠𝗮𝘅𝗹𝗶𝗻𝘀

Edad: 19 taong gulang
Kakayahan: Fire and Thunder

Isang prinsipe na nagtataglay ng kapangyarihan ng apoy at kidlat. Siya ang kinikilalang pinakamalakas sa lahat ng Royalties— noong hindi pa dumarating si Prinsesa Charlotte. Bagamat katumbas ng kanyang lakas ang kay Charlie, nananatili pa ring mas makapangyarihan ang prinsesa.

Tahimik. Malamig. Palaging seryoso. Wala siyang ibang nararamdaman kun'di matinding pagkamuhi.

Hitsura: May matangos na ilong, magandang kurba ng mga labi, tamang laki ng tainga, at naniningkit na mga matang kulay-pula. Ang kanyang buhok ay pinaghalong itim at pula, manipis ang kilay, matangkad at matipuno ang pangangatawan, at may makinis na maputing balat.

𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗼𝘁𝘁𝗲 𝗘𝗹𝗶𝘇𝗮𝗯𝗲𝘁𝗵 𝗟𝘂𝗰𝗶𝗲𝗻𝗻𝗲 / 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗶𝗲 𝗟𝗮𝗻𝘆 𝗟𝗼𝘁𝘁𝗲

Edad: 17 taong gulang
Kakayahan: Infinite

Isang prinsesa na mas kilala sa pangalang Charlie— ang pinakamalakas na prinsesang isinilang sa buong mundo ng mahika.
Ayon sa propesiya, siya ang magwawakas sa kasamaan na dulot ng mga Darkenians. Taglay niya ang lahat ng kakayahan at kapangyarihang karaniwang ipinagkakaloob sa mga prinsesa at prinsipe, isang dahilan kung bakit siya'y natatangi at itinuturing na espesyal.

Hitsura: Maliit ang mukha, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, at makapal ang mga kilay. Pula ang kanyang mga labi at maliit ang mga tainga. Namumukod-tangi ang kanyang mga mata— gintong-ginto ang kulay, ngunit nagbabago ito depende sa kapangyarihang kanyang ginagamit. Ang kanyang buhok ay pinaghalong rose gold at purong ginto na nagpapatingkad sa kanyang anyo. Maputi ang kanyang balat, payat ngunit may hubog ang katawan, at may katamtamang taas.

 Maputi ang kanyang balat, payat ngunit may hubog ang katawan, at may katamtamang taas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗞𝗶𝗮𝗻 𝗡𝗲𝘅𝗮𝗿𝗰𝗵

Edad: 18 taong gulang
Kakayahan: Technomancer wielder

Isang prinsepeng kayang kumontrol ng mga bagay-bagay gamit ang teknolohiya, kaya rin nitong lumikha ng mga konstrukto mula sa kanyang enerhiya, tulad ng mga armas at sandata na hindi na kailangan pang gumamit ng kahit anong makina. Isa rin sa mga abilidad niya ang pagmanipula at pagsabote sa mga sistema, kaya nitong sirain o pahinain ang teknolohiya ng kalaban.

Hitsura: Matangos ang ilong kahit may kaunting kalakihan, naniningkit ang mga mata, at katamtaman ang laki ng mga labi. Sakto lamang ang liit at laki ng tainga nito. Makapal at mabigat ang kanyang kilay, na siyang lalo pang nagpapatingkad sa kanyang kulay-abong mata na may palibot na maitim. Maputi ang kanyang balat, halos porcelanang kinis na nagpapalalim sa kanyang misteryosong aura, may kakulangan sa tangkad, ngunit kapansin-pansin ang matipuno niyang pangangatawan.

The Lost Princess (UNDER REVISION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon