Kabanata XVI - Chapter 16

18.6K 410 6
                                        

Chapter 16- Partner
Written by yeexizx

Kenneth's POV

Nandito ako ngayon sa dorm kasama ang mga siraulo kong mga ka-dormmates.

Hay! Wala akong magawa, miss ko na bebe Trisha ko!

"Iniisip mo nanaman si Trisha pre!?" halakhak na usal ni Silky.

Tarantado talaga 'tong pangit na uod 'to.

"Tigilan mo nga akong uod ka! Kita mong nagmomoment kami ng sarili ko!" iritang sigaw ko sa kanya.

"Paano kung ayoko?" pang-aasar niya.

Ngumisi naman ako. "Tanga! Ipagkakalat kong may gusto ka kay Zoe!"

"Subukan mo lang! Mapapatay talaga kita!" malakas na sigaw niya.

"Oo, susubukan ko talaga tarantado ka!" pabalik kong sigaw.

"Wala akong pake!"

Ngumisi ako ng malapad. "Wala palang pake ah..." mapang-asar kong bulong.

Akmang lalabas na sana ako para sabihin kay Zoe na may gusto sa kan'ya si Silky nang lagyan niya ng matutulis na sanga ang pintuan para 'di ako makalabas.

"Bakit ka natatakot?" pang-aasar ko din sa kaniya.

"Hindi ako takot! Tanga ka!" sigaw niya.

"Bakit ayaw mo 'kong palabasin? Takot ka bang malaman ni Zoe na may gusto ka sa kanya!?" humalakhak naman ako ng pagkalakas-lakas.

"Kasi, bobo k-" ani Silky. Hindi na niya nasabi ang sasabihin niya nang sumigaw si Coldy.

"WHEN OF THE BOTH OF YOU GOING TO STOP!?" sigaw ni Coldy. Kinalabutan naman ako, nakakatakot kasi 'to magalit eh, parang dragon.

"THE BOTH OF YOU ARE LOUD! IF YOU WANT TO FIGHT, GO TO THE TRAINING ROOM, ASSHOLES!" naiiritang sigaw ni Coldy.

Napakapapansin kasi ni Silky! Nakakabwisit ng araw!

Hindi na ako umimik. Nag-walk out naman ako at lumabas na ng dorm naming boys na Royalties.

Naisipan ko namang pumunta sa garden dahil masarap ang hangin doon sa tuwing dumadampo ito sa balat ko. Nakakakalma rin ang garden ng Arteya School sa tuwing may problema o stress ako. Umupo ako sa may puno at ipinikit ang mata ko para umidlip. Naidilat ko naman ang aking mga mata nang maramdaman ko na may tumabi sa'kin.

Iminulat ko nang dahan-dahan ang aking mga mata, bumungad agad sa'kin ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko.

Ang ganda talagang dilag ng mahal ko.

"A-Anong ginagawa mo rito?" nauutal kong tanong ko sa kanya.

Bakit ba ako nauutal? Si Trisha lang yan, Kenneth, si Trisha lang!

Ngumiti naman siya. "Nakita kasi kanina na lumabas sa dorm niyo kaya sinundan kita."

"Nako! Bakit mo naman ako sinundan? Nag-abala ka pa..." nahihiyang tugon ko sabay kamot sa batok.

"Pakiramdam ko kasi naiinip ka rin eh. Wala rin akong makausap sa dorm namin, kaya sinundan kita. Ayaw mo ba? Aalis nalang ako." tugon niya at saka nag-pout.

Gustong-gusto kong kasama ka.

"Wala rin akong magawa, kaya sinundan nalang kita rito at pupunta din naman talaga ako rito para makapag-relax." nakangiting usal nito.

The Lost Princess (UNDER REVISION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon