Kabanata VI - Chapter 6

27.6K 577 54
                                        

Chapter 6 - Unleashed Fury
Written by Kimi Writes

𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Discuss

Discuss

Discuss

Paulit-ulit. Walang katapusan. Hanggang sa wakas, tumunog na rin ang bell.

Nilapitan ako ni Divina at niyaya na sumama sa mga Royalties. Sa totoo lang, ayoko. Pero pumayag ako— hindi dahil gusto ko, kun'di dahil halos magmakaawa na siya. At kahit ganito ako, marunong pa rin akong makisama.
Tss. Para bang mamamatay siya kung hindi ako sasama.

Paglabas namin, nasalubong agad namin ang mga estudyanteng kanina pa nagtitinginan sa amin.

Tsk. Kung dukutin ko kaya 'yang mga mata niyo?

"Hayaan mo na lang sila, ah?" bulong ni Divina.

"Ang guwapo talaga ni Coldy ko!"

"Sino 'yung babaeng kasama nila? Parang bida-bida,"

"Sipsip much? Una kay Princess Divina, ngayon sa Royalties naman!"

"Ugh, I know right! Such a bitch, 'no?"

"Ang sipsip nu'ng naka-jacket! Akala mo naman kung sinong maganda!"

Tss, even my jacket got dragged into this too.

Ilan-ilan sa mga narinig ko mula sa mga estudyante— pawang walang kuwenta. Puro paninira, tsismis, at kasinungalingan. There’s no need to dwell on things like that.

Pagdating namin sa cafeteria, agad na dinumog ang mga Royalties ng mga estudyante. Nagtitilian na naman sila nang ubod lakas dahil sa mga Royalties.
Mukhang sanay na rin ang mga Royalties sa ganito. Nang tingnan ko sila, blangko lang ang mga mukha nila, walang kahit anong emosyon.

Dapat talaga, hindi na 'ko sumama.

"Anong kakainin n'yo? Ako na mag-order," tanong nu'ng Alexander sa amin.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. He looks very familiar.

Isa-isa nang sinabi ng mga kasama ko ang gusto nilang kainin para makapag-order na si Alexander. Ako na lang ang hindi pa nagsasalita, kaya sabay-sabay silang napatingin sa akin. Napailing na lang ako at iniwas ang tingin, saka mahinang sinabi kung ano ang gusto kong kainin.

"Caesar salad, oats, and avocado smoothie— no sugar," malamig kong tugon.

"Diet naman pala," tukso ni Divina.

"You should include proteins in your diet," Coldy said, chuckling gently.

"Si Coldy!? Ngumiti!? First time 'to!" pang-aasar ni Silky, na agad sinamaan ng tingin ni Coldy.

"Shut up."

"Weh?! Kinikilig ka lang eh!" patuloy na pang-aasar ni Silky.

"Just shut the fuck up, Silky. You're damn annoying,"  iritadong sabi ni Coldy.

Wala namang umimik. Napakunot ang noo ko.

"Sorry na! Nine words! Ang dami mong sinabi, ha! For the second time this week, buddy! Achievement mo 'yan kaya magse-celebrate tayo!" ani Silky sa kanyang pamosong baklang tono. Lalo pang dumilim ang aura ni Coldy, halatang sobrang napipikon na ito.

Umismid siya. "Say one more word, and I’ll rip that stupid mouth off your face."

"Luh, 'wag naman! Pero ang totoo... shet, 'di ko kinaya ‘yon!" mapang-asar na sabi pa rin ni Silky sabay hagalpak ng tawa.

The Lost Princess (UNDER REVISION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon