Chapter 5 - First Glimpse
Written by Kimi Writes
𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan, kaya nag-ayos muna ako ng sarili bago tumayo at tiningnan kung anong oras na.
9:00 A.M
Tss. Did I tire myself out?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at tumambad sa akin ang isang magandang babae na may mahabang puting buhok na parang niyebe at kulay-abong mga mata.
Kumunot ang noo ko. “Sino ka?”
"Ka-dormmate mo 'ko, ayieee!" masigla niyang sigaw, na sinundan ng malikot na ngiti. "Balita ko kasi may bago raw dito!" bakas sa mga aura nito ang pagiging masiyahin, it's pretty obvious.
I looked at her blankly. "Alright," malamig kong tugon, hindi nagpakita ng kahit katiting na interes.
Pumasok na siya sa loob ng dorm at agad na nahiga. Tss... kaya pala dalawa ang kama dito.
Damn it… I knew I couldn’t trust that Headmaster. Talagang binigyan pa ako ng intindihin.
"Anyways, anong kapangyarihan mo?" she asked with a skeptical look.
"Unidentified,"
Binigyan niya ako ng isang ngiti. "Just so you know... I'm an ice manipulator," aniya habang may kinakalikot sa bag niya. Hindi ko nalang siya pinansin. It doesn’t even concern me.
"Kumain ka na ba?"
Tumingin ako at napansin ang kanyang malambing na ngiti. "Not yet," mahinang sagot ko.
"Tamang-tama, may dala akong pagkain na pang-dalawahan. Tara, samahan mo 'ko!" masiglang yaya niya.
Hindi pa man ako nakakatanggi, hinila na niya ako papunta sa kusina. Can this girl even shut up for a second? Tss. Ni hindi man lang makatiis na manahimik kahit saglit.
Tinalikuran ko siya. Tahimik lang akong kumain habang siya'y walang tigil sa kwento. Nang matapos kami, agad niyang iniligpit ang pinagkainan at dinala sa lababo.
"Pasok na tayo! Saang section ka ba?" tanong niya sa akin, sabay ngiti.
I haven’t even had enough rest. Fuck... I’m still drained.
Nevermind… iinom na lang siguro ako ng potion para mabilis na manumbalik ang lakas at enerhiya ko.
Pasalamat na lang talaga ako at binasa ko lahat ng nakapaloob sa libro ni Inang Tamara. if I hadn’t, I’d be doomed.
Tiningnan ko siya. "Paradox,"
"I belong to the Royalties, in case I forgot to mention. Oo nga rin pala, your section is kind of linked to ours, so... puwede pa rin tayong mag-usap," ani niya habang nakangiti pa rin nang ubod-lapad.
I raised an eyebrow, unconvinced. "Prinsesa ka?"
Marahil siya na nga ang prinsesang binanggit sa libro. Siya ang prinsesa ng Glacieria.
Hindi ko napigilang mapailing sa isip ko. A princess, huh?
She gave a silent nod. "Oum," sagot niya. Halata naman sa pisikal na kaanyuan, kilos, at aura niya— she's it.
"Tara, pasok na tayo! Baka mahuli pa tayo!" aya niya. Nakaligo na naman ako, pero wala pa rin akong uniporme.
Crap, I forgot to ask about the uniform.
"Uniform?" kunot-noo niyang wika. "Don't worry, may dala akong uniform para sa'yo," aniya, sabay abot sa akin ng unipormeng pang-Paradox section.
She can read minds.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
