Chapter 47 - Agony
Written by Kimi Writes
Charlie's POV
"May kakaiba talaga akong nararamdaman, Blase." kinakabahan kong usal kay Blase.
Kasalukuyan akong nasa dorm kasama si Blase, she just greeted me upon knowing that we had been to the human world.
"Ako rin, mahal na prinsesa. Tila kanina pa ako binabagabag nang aking kaisipan... Bakit parang mayroon akong nararamdamang hindi maganda?" bumuntong hininga ito bago pa magsalita muli, "...Panganib,"
"Are you unable to identify the threat you sense?" kunot-noo kong tanong rito.
"Paumanhin, ngunit hindi ko matukoy, mahal na prinsesa..."
Napabalikwas ako nang maalala ko na may usapan kami ni Shakira na magkikita kami. We encountered one another in the hallway as I was making my way to the dorm, she broke into a spontaneous conversation with me. For some reason, Shakira started being friendly and nice to me out of the blue.
Kung naging mabait siya nang biglaan sa 'kin, ano nanaman kayang binabalak niya?
Flashback:
"Charlie, I'd like to speak with you later, okay? I'll be expecting you," then she winked at me.
I scowled. "Where?"
"In the abandoned room on the 6th floor. Mas'yadong private ang pag-uusapan natin. Kaya please lang, just go there mag-isa, okie?"
"Sige." malamig kong tugon.
Just as she was ready to go, she turned back at me. "Oh no! I almost forgot..."
"What?"
"Susunduin kita later hihi! We should get together! Bonding bonding, just like that... Too bad for you... Hindi kasi kita close e!" malanding sigaw niya.
I almost got nauseated from what she said. Parang ako pa ang dehado na hindi ko siya close.
Imbes na manlaban pa, sinagot ko nalang siya. "Bahala ka,"
Whatever she has planned for me, I am certain that I will repay it to her tenfold of misfortune.
End of Flashback
Napatayo naman ako. "Mamaya na tayo mag-usap, Blase. Shakira is coming here, baka makita ka pa."
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Si Shakira, m-mahal na prinsesa?! Kaaway siya, bakit ka makikipagkita sa kanya?"
"She said that she had something important to say. Hayaan mo na. Kaya ko naman ang sarili ko, Blase."
"Paano kung patibong ang kan'yang gagawin? Ano na lamang ang mangyayari sa 'yo?" nag-aalalang sambit ni Blase.
Sumeryoso naman ang mukha ko. "I can handle anything that comes my way. Kahit sarili ko na lamang, huwag lang kayong madamay."
Nabigla naman kaming dalawa nang may kumatok. Blase and I turned our attention to the door upon hearing a knock. It must be Shakira.
"M-Mahal na prinsesa... Sino iyon?" nauutal na tanong sa 'kin ni Blase.
Just as I was about to speak, I was interrupted by the someone who knocked on the door. "Hello?! Charlie! Are you there ba? I'm here outside your dorm!" maarteng sigaw nito na nanggagaling mula sa labas ng pintuan.
"Ang pekeng prinsesa... Maiwan na muna kita, mahal na prinsesa. Nawa'y hindi maging daan ang mga desisyon mo sa iyong pagdurusa... Sana lamang ay walang mangyaring masaya sa 'yo, mag-iingat ka." aniya.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantastikBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
