Chapter 7 – Bare One’s Trust
Written by Kimi Writes
𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Napabuga ako ng hangin sa inis, ang sarap pa naman ng tulog ko. Pinatay ko 'yung alarm, pero wala pang limang minuto, tumunog na naman.
Bullshit. Wala akong choice kun'di bumangon.
Pagdilat ko, bumungad sa akin si Divina, abalang-abala sa pagme-make-up.
"Morning, Charlie. Feeling hungry? tanong ni Divina, bahagyang nakakunot ang noo.
I let out a yawn. "Kind of," sagot ko, malamig pa rin ang tono.
She smiled gently. "Tara, kain tayo? Treat ko,"
"Mmm..." napilitan kong sagot, hindi ko talaga alam kung paano siya tatanggihan ng diretso.
I’m just not the kind of woman who’s into that stuff. Mas gugustuhin ko pang magmukmok sa loob ng dorm kaysa lumabas.
Naglabas naman siya ng puppy eyes sabay pout. "Please? Friendly date lang naman ‘eh!"
Napabuntong-hininga ako at pilit na tumango. "Okay, wait for me there," malumanay kong tugon na agad nagpahudyat ng ngiti sa kanya.
Mas ngumiti siya nang abot-tainga. "Sabi ko na nga ba, hindi mo 'ko matitiis!" masaya niyang sigaw.
Imbes na tumugon sa kanya, tinalikuran ko siya at nagbihis. Nagsuot ako ng damit na bumabagay sa hubog ng katawan ko.
Outfit: Midriff-baring sweatshirt, sculpted noir denim, & leather ankle boots
Hindi naman kasi ako mahilig magsuot ng dress o blouse gaya ni Divina, kaya ito na lang ang sinuot ko.
Nakita ko si Divina na nakasuot ng backless dress. I’ve got to say— she's got the looks and has this irresistible charm. Bumagay sa kanya ang damit, lalo na’t binigyang-diin nito ang kurbada ng katawan niya.
"Finished checking me out, Charlie?" natatawa niyang tanong, may halong pang-aasar sa tinig.
"It’s not what it looks like. I was just looking at your dress, that’s all," matigas kong sabi, napangisi siya.
I glanced at her. That grin hadn’t left her face.
"OMG, Charlie! I can't believe it! Ang dami mo nang nasasabi kahit one day pa lang tayong magkakilala! So what now? Friends na tayo, ha!" masigla niyang sambit habang halos lumundag sa tuwa.
Napataas lang ako ng kilay. "Huh?" mapang-uyam kong sagot, sabay bitaw ng malalim na buntong-hininga.
"Tara na nga! Shopping tayo! Tapos du'n na rin tayo mag-dinner. Let's go!" aya niya habang excited na hinila ako.
Darn it. I never thought I’d say this... maybe I need to get along with her. Matagal ko pa siyang makakasama. We’ve got a long road ahead.
Hinawakan niya ang kamay ko at agad kaming nag-teleport papunta sa mall. Ito lang talaga ang problema ko kapag kasama siya. Ang hilig niyang humawak ng kamay at braso, kaya't hindi ko maiwasang mailang.
"Is this really a mall?" tanong ko habang nakatingala, manghang-mangha.
Nalaglag ang panga ko sa ganda ng pamilihan nila. Lahat ay maliwanag, makislap, at puno ng buhay. Parang may halong salamangka sa paligid. Ramdam mo ang enerhiya ng mahika sa bawat sulok. Puwede ko 'to maihalintulad sa isang palasyo, napakalaki at puno ng mga bagay na lumiliwanag. It looks like paradise itself.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasiBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
