Kabanata IV - Chapter 4

29.1K 698 20
                                        

Chapter 4 - The Thought That Devours
Written by Kimi Writes

𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩

Walang alinlangan akong pumasok sa portal, at agad akong sinalubong ng isang madilim na kagubatan— nakakatakot, mabigat sa pakiramdam, at tila ba may nagmamasid at nakatingin sa akin.

"Tss. Akala ko ba sa ibang mundo ako dadalhin nito?"

Inobserbahan ko muna ang paligid hanggang sa makaramdam ako ng malakas at kakaibang enerhiya na nagmumula sa mga puno.

Isang ngisi ang kusang naglaro sa labi ko.

Nandito na nga ako...

Sa gitna ng dilim, isang punong may nakakasilaw na pulang liwanag ang umagaw ng atensyon ko. Maingat kong inilapit ang kamay ko upang tukuyin kung ito ay ligtas o isang patibong, ngunit bago ko pa man ito lubusang mahawakan, nagsalita ito.

"Magandang gabi, binibini," ani nito sa isang malalim at mahiwagang tinig. Malamig at nakapagtataas-balahibo ang boses nito. Napaatras ako sa gulat. "Huwag ka matakot. Ako si Baulnón. Isang metapisikal na puno at may hangarin na sundin ang hiling at kagustuhan ng sino man... ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"

"Humihiling ako ng daan patungo sa Arteya Academy," marahan kong usal.

"Maaari," sagot niya. "Ngunit bawat hakbang ay may kabayaran, may pagsubok kang kailangang lampasan bago ka makapasok."

Nanuyo ang lalamunan ko. Saglit akong napatingin sa punong nasa harapan ko at sinusukat ang bigat ng kanyang sinabi. Ilang segundo ang lumipas bago ako sumagot. "Marangal kong tatanggapin ang pagsubok na ibibigay mo. Sabihin mo lang ang kailangang gawin,"

"Maghanda ka, binibini,"

Wala pang isang saglit ay agad akong sinalubong ng mga mababangis at nagsisilakihang mga hayop. Ito na marahil ang pagsubok na tinutukoy ng Puno. Nagliyab ng pulang liwanag ang mga mata ko. Sa halip na lumaban ng pisikalan, pinakawalan ko ang enerhiyang nag-uumpisa nang dumaloy sa loob ko.

Tss. Sayang lang ang lakas ko kung pipisikalin ko sila. Siguradong marami pa akong pagdadaanang pagsubok pagdating ko sa Arteya. I should save my energy for the things that really matter.

I can’t afford to be careless anymore.

Itinaas ko ang kaliwa kong kamay. "Fire blast!" buong lakas kong sigaw. Sa isang iglap, sumiklab ito at dumaluyong sa mga mababangis na hayop.

This is easier than it seemed.

"Ikinalulugod kitang batiin! Ikaw ay nagtagumpay sa pagsubok. Maaari ka nang pumasok," masayang wika ng puno.

Ang punong nakita ko kanina ay unti-unting naging isang lagusan, na siyang ikinabigla ko. Tumambad sa akin ang isang estrukturang animo'y palasyo. Sa laki at karangyaan nito, hindi mo aakalaing isang institusyon 'to.

Biglang bumukas ang malaking gintong tarangkahan. Sa likod nito, sumalubong sa akin ang samu’t saring nilalang. Dahil sa pag-uusisa, naglakad ako sa gawi nila. Isang malakas na boses ang sumalubong sa amin.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Ngayon ay opisyal nang magsisimula ang Transferynia Levelling. Ang sinumang makapasa sa pagsubok na ito ay magkakaroon ng pagkakataong makapag-aral nang libre sa prestihiyosong akademya ng Arteya," halos mapintig naman ang tainga ko nang magsigawan ang mga nasa paligid ko.

Napaisip ako sa sinabi niya. It is possible to enter for free... makakapasok ako nang walang kapalit. This is my only chance.

Napalunok ito bago magsalita. "Ahem... may apat na pangunahing seksyon na nagsisilbing basehan ng antas ng bawat kalahok. Una, ang Adept Section— dito kabilang ang mga hindi pa bihasa sa paggamit ng kanilang kapangyarihan. Pangalawa, ang Emergence Section— para sa mga may sapat nang karanasan sa paggamit ng kanilang kakayahan," natigilan ito. "Pangatlo, ang Paradox Section— dito napapabilang ang mga dalubhasa na at ganap na bihasa sa paggamit ng kanilang kapangyarihan. At ang panghuli, ang Royalties Section— eksklusibong pinaglalaanan ng mga prinsipe at prinsesa o yaong may kapangyarihang maihahambing sa kanila. Kung ang inyong kakayahan ay kasing lakas ng mga dugong bughaw, may posibilidad kayong mapabilang rito," malinaw at maawtoridad na pagpapaliwanag ng Emcee.

The Lost Princess (UNDER REVISION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon