Chapter 2 - Suffered
Written by Kimi Writes
𝗧𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Paglipas ng labing-pitong taon...
Hanggang ngayon, umaalingawngaw pa rin sa aking isipan ang tinig ni Ina. Hindi nabubura sa puso ko ang mga huling katagang iniwan niya, kahit ilang dekada na ang nakalipas.
"Anak… iniwan ko sa iyong pintuan ang isang lihim— isang buhay na babago sa kapalaran ng mundo. Ang prinsesa... inilagay ko siya sa iyong pintuan, buong tiwala ko’y ibinibigay sa 'yo. Nawa'y taglay mo pa rin ang pusong tunay na puro sa kabila ng lahat. Turuan mo siya maging matatag at itago mo siya sa kahit anong anino ng mga Darkenians. Nasa kanyang mga kamay ang kinabukasan ng ating mundo,” may halong pait sa boses nito.
Kaagad akong lumabas at, gaya ng sinabi ni Ina, may sanggol ngang tumatangis sa harap ng aking tahanan. Wala akong alinlangang binuhat ito. Siya na ang tinutukoy ni Ina… ang prinsesa na iniiwan niya sa aking pangangalaga.
Nang sandaling iyon, nangako ako sa sarili kong palalakihin ko siya nang maayos... may dangal, malasakit, at busilak na puso.
Pagsapit niya ng ikasampung taon, nadiskubre na rin niya ang kanyang kapangyarihan. Mahina pa ito noon, pero unti-unti siyang lumalakas. At ngayon, kaunting panahon na lang, ibabalik ko na siya sa mundong pinagmulan niya, kung saan siya tunay na kabilang. Doon niya makikilala ang sarili niya. Doon siya matututo... bilang ang prinsesang sinasabi sa propesiya.
Lagi ko siyang tinuturuan kung paano lumaban at gamitin ng tama ang kanyang kapangyarihan. Minsan, siya na mismo ang nag-eensayo nang mag-isa. Hinayaan ko na lang. Alam kong kaya na niya, at buo ang tiwala ko sa kung paano ko siya pinalaki.
Pinangalanan ko siyang Charlie Lany Lotte— isang paalala ng kanyang tunay na pangalan, Charlotte… isang piraso ng kanyang nakaraan na dala-dala niya hanggang ngayon.
At sa gabi-gabi, iisa ang dalangin ko,
Na sana’y hindi matupad ang propesiya.
Sana.
─────୨ৎ─────୨ৎ──────୨ৎ─────
𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Napabalikwas ako na parang binuhusan ng isang baldeng yelo— at ‘di nga ako nagkamali, literal na malamig na tubig ang pinambangon sa ’kin ng matandang 'to.
Tss. Wala talagang patawad.
“Lola talaga oh!” reklamo ko habang nagpupunas ng mukha.
Tinatawag ko siyang “Lola” hindi dahil literal… dahil lagi niya 'kong pinagtitripan. Natural lang na bumawi ako.
Pero parang walang talab ang pagtawag ko ng "Lola" sa kanya. Argh!
Malamig naman talaga ang pakikitungo ko at walang pakialam sa kung kanino man, maliban na lang kung ang kausap ko ay ang pinakaimportante sa buhay ko, si Inang Tamara.
Siya lang ang kakampi ko.
“Ina, puwede ba? Natutulog pa ‘yung tao e," daing ko habang tinatakpan ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantastikBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
