Kabanata XXXII - Chapter 32

14.6K 317 3
                                        

Chapter 32- Adventure


Written by yeexizx



Charlie's POV



Nagpahinga muna kami ng isang oras sapagkat sampung oras kami maglalakbay papunta sa Kweba ng De Los Syete, tanging pag-kek'wentuhan lamang ang aming ginagawa.



Pag nakapunta na kami sa Diyenda, ang tirahan nina Valentina. Si Valentina ay isang diwata at s'yang pinuno ng Diyenda, ngunit inuutusan s'ya ng mga Bathala upang lumabas sa panaginip ko at magbigay-gabay. Ngayon, ang mga kauri niya naman ang magbibigay gabay sa'min.



Pag nakarating na kami sa Diyenda, doon na ang oras kung saan mawawala ako upang patayin ang mga Darkenians na nakaabang sa gilid ng Kweba ng De Los Syete upang nakawin ang Krystal Lebanon.



Natigalan naman kaming lahat sa aming pag-uusap nang may marinig kaming pagsabog.



Agad-agad kaming tumayo nang walang hinihintay na oras, hindi naman na ako napansin ng mga Royalties kaya nag-teleport nalang ako kung saan nanggaling ang pagsabog. Sa kabilang dako, ang mga Royalties ay tumakbo at hindi gumamit ng teleportasyon.



Pinapahipan niyo lamang ang sarili niyo.



Nag-teleport naman ako sa likod ng puno upang silipin kung ano at sino ang gumagawa ng pagsabog sa gitna ng kagubatan.



"Siggitarian?" bulong ko.



Siggitarian, ang mga masasamang Siggitarian. Ito ang masasamang kumokontrol ng mga puno, halaman, bulaklak, at mga hayop. Ayaw nilang pantay-pantay ang pamumuno sa kanilang kaharian, ang gusto nila ay may pinunong mag-aayos sa kanila.



Ang Siggitarius Kingdom ay pantay-pantay, walang pinuno o Hari at Reyna. Sapagkat ang pinuno dito noon ay nagluksa dahil sa pagkawala ng kanilang anak kaya ipinutupad nalang nila na wala nang magiging pinuno at lahat ng tao ay pantay pantay.



Mayroon ding mga kumokontrol sa tubig na Siggitarian, pero most of the Siggitarian ay kumokontrol ng lupa



Hindi kaya si Silky ang nawawalang anak ni Reyna Juana at Haring Bernardo?



Ayun ang pangalan ng dalawang mag-asawa dati na pinuno ng Siggitarius Kingdom, ngunit nakakapagtaka... Imposibleng si Silky iyon.



Sumugod na ako sa kanila, napadako naman ang tingin nila sa'kin kaya napatigil sila sa kanilang panggugulo.



"Anong ginagawa niyo!?" malakas na sigaw ko rito na ikinataas ng kilay ng pinakapinuno nila.



"Ano pa ba sa tingin mo!? Nanggugulo, hindi ba!?"



"Stop that bastards. Gusto niyo bang mamatay ng wala sa oras?" malamig kong saad sa mga 'to.



Ngumisi naman ang mga ito, "Ikaw? Babae kalang, lalaki kami! Mag-isa ka lang kaya 'wag ka magmayabang sa'min!" pang-iinsulto saakin ng isa sa kanila.



Agad kong inilabas ang apoy sa palad ko at ipinakita sa kanila ito. Ang apoy ay kanilang kinakatakutan, dahil isang daplis pa lamang ng apoy sa kanila ay tiyak na sila'y masusunog lahat.



"A-Apoy ang kapangyarihan m-mo?" nauutal na tanong ng pinuno nila.



Nagkibit balikan na lamang ako, "Obvious ba? Madami nga kayo, kaya ko naman kayong tustahin isa-isa kasama 'yang mga sanga niyo."



Magsasalita na sana ako nang tumakbo silang lahat mula sa akin, isang kurap ko pa lamang ay nawala na silang lahat sa aking harapan.



Hindi pa nga ako nakikipaglaban, nagsitakbuhan na kaagad.

The Lost Princess (UNDER REVISION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon