Chapter 26- Modern
Written by yeexizx
Charlie's POV
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa couch upang gisingin si Coldy dahil may pupuntahan pa kami mamaya nang may marinig akong bulong na galing sa kaliwang tainga ko.
"Malapit na dumating ang magtataksil at magdudusa ang walang sala." bulong sa'kin ng isang nilalang.
Si Blase...
Sinong magtataksil? Sinong magdudusa? Ano ang tinutukoy ni Blase?
Tumingin naman ako rito. "What do you mean, Blase? Hindi ba't inatasan kitang magpahinga muna't wag mo muna akong alalahanin?"
"Hindi po muna ako magpapahinga hangga't wala pa pong digmaan na magaganap sa pagitan ng Darkenians at iba't ibang kaharian, mahal na prinsesa." magalang na saad niya sa'kin.
Kumunot naman ang noo ko. "Pero anong ibig sabihin ng mga katagang sinambit mo?"
"Hindi ko din po alam, mahal na prinsesa. Ayun ang lumabas sa libro ng propesiya, habang nag-uusap ang mga reyna't hari at si Headmaster." simpleng sagot nito.
"Maraming salamat sa impomasyon, Blase." pagpapasalamat ko rito.
Tumango na lamang ito. Yumuko na siya't unti-onting naglaho. Napabalikwas naman ako nang may maramdaman akong papalapit sa'kin.
"Who are you talking to, Charlie?" tanong naman sa'kin ni Coldy nang makalapit ito sa kinaroroonan ko.
Napakachismoso mo talagang lalaki ka.
"None of your business." malamig kong tugon.
Kumunot naman ang noo niya. "Again, who are you talking to?"
"Idiot. Nagmumuni-muni lang ako, anong masama do'n?" pagtataray ko.
"Did you change my clothes?" tanong naman niya na nagpainit sa pisnge ko.
Umiwas ako ng tingin. "Y-Yes... So, w-what?" nauutal kong usal.
Ngumisi naman siya ng nakakaloko. "Taking an advantage, huh? Did you see my abs?"
I rolled my eyes. "You jerk! Wala akong interes d'yan sa katawan mong bulok! Assuming at it's finest."
"Ouch." aniya sabay hawak sa puso niyang akala mo naman talaga, nasasaktan.
"Hey! Maligo ka na, we're going to mall." pag-aaya ko.
"I don't have any clothes, what should I wear?"
"That's not my problem anymore, humanap ka do'n sa cabinet. Baka makahanap ka ng pang-lalaking damit." I calmly said at dumeretso sa bathroom.
"You're hurting me so bad, Charlie." pag-iinarte nito.
Napatigil ako. "I'm thankful to hear that." then smiled bitterly.
"Whatever Charlie, whatever." malamig niyang tugon at nagtungo na sa kwarto ko upang maghanap ng susuotin niya.
Pumasok na ako sa banyo upang maligo, binilisan ko na din dahil maliligo din si Coldy. Sana lang ay makahanap siya ng damit na pang-lalaki sa cabinet. Pagkatapos ng sampung minuto ay natapos na din ako at nagbihis. Naglagay na din ako ng makapal na makeup. Lumabas na ako sa banyo at nadatnan ko si Coldy na nakaupo sa couch.
"Hey, smelly creature! Maligo kana, mas'yado kanang nangangamoy!" sigaw ko rito. Napadako naman ang tingin niya sa'kin.
Halos lumuwa ang kaluluwa ko nang lumapit ito sa'kin, amoy na amoy ko pa din ang pabango nito sa kan'yang katawan. "What did you say? I'm smelly? Oh, smell me darling." malambing na sambit ni Coldy na nagpakabog sa puso ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasiBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
