Chapter 19- Prophecy
Written by yeexizx
Divina's POV
Nakakabwiset si Alex! Ang hilig mang-asar!
"Are you mad?" natatawang tanong ni Charlie sa'kin at wala akong nagawa kung hindi tarayan ito.
"Why?" tanong niya pang muli.
"Argh! Nakakainis 'yung Alexander na ulupong na 'yon!" sigaw ko. Napansin kong nagyeyelo ang kinakatayuan kong sahig dahil sa galit.
"Hey, easy!" malamig na usal ni Charlie.
Kumunot naman ang noo niya. "What happened?"
Ikinwento ko na kay Charlie ang nangyari sa'min ni Alex dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit ako badtrip na badtrip buong araw at sa buong BUHAY ko.
Flashback:
"Hey, babe!" mapang-asar na tawag ng pamilyar na boses.
Nagtaka naman ako kung sino 'yon kaya lumingon, bumungad naman sa'kin si Alex na may nakakalokong ngisi sa kan'yang labi.
"Sino ka? Don't call me babe. Nakakadiri!" mataray kong sigaw.
"Ang daming nagkakagulong babae sa'kin tapos aayawan mo lang 'yung ganitong ka-g'wapong mukha?" ngisi niyang tugon.
"Asa, hindi tayo talo! Lumayo ka nga sa'kin! Chupe chupe!" pagtataboy kong saad rito pero mas lalo niya pa akong nilapitan.
Ngumisi ito. "Pinapaalis mo na ako kaagad, babe?" lumapit naman siya sa'kin ng mas malapit na umabot na sa puntong dalawang pulgada na lamang ang lapit namin sa isa't isa.
"H-Hoy shokoy! 'Wag ka ngang lumapit! M-Mahahawaan mo ako ng v-virus mo!" nauutal kong saad.
Bakit ba nauutal ako? E' si Alex lang naman ang kausap ko!
"Bakit ka naman nauutal, babe Divina?" mas lalo pang lumawak ang ngisi nito.
"Hays! Letche! Bahala ka d'yan!" sigaw ko. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso, he pulled me into him.
Huminto ang paggalaw ng mundo, hindi ko magawang lumayo sa kan'ya kahit gustuhin ko man. Nawawalan ako ng pokus sa lahat ng bagay, nanghihina rin ang mga tuhod ko. May kung anong gumagalaw sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag at walang tigil ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Bwisit talaga!
Naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kan'yang labi sa labi ko.
Processing...
Processing...
Processing...
Processing...
Processing...
He kissed me!?
Tinanggal ko naman ang pagkahalik niya sa'kin at lumayo mula sa kan'ya, itinulak ko naman siya nang may galit sa mga mata't mukha ko.
Damn you, Alexander! You took my first kiss!
"What the heck!? Bakit mo 'ko hinalikan! Alam mo bang ninakaw mo 'yung first kiss ko! Isusumbong kita kay Tita Tamana at Tito Silveo!" sigaw ko.
Bwiset talaga! Napakahayop talaga ng lalaking 'to!
"I don't care. Go tell it to my parents, mas matutuwa pa sila!" humalakhak naman siya ng malakas.
"Argh! I hate you for kissing me, Alexander!" sigaw ko sa kan'ya at nagyelo ang kinakatayuan naming sahig.
"I love you..." tatlong salitang sinambit niya bago siya maglaho.
Naiinis ako sa kan'ya! Akala niya matutuwa ako doon!?
End of Flashback
"Well, for me it's nakakakilig." ani Charlie at humalakhak.
"Anong nakakakilig do’n!? In fact, it's irritating and annoying!" mataray kong tugon.
"It's not irritating and annoying at all, I find it interesting." aniya.
I rolled my eyes. "Don't worry, I'll talk to Alexander later. I'll tell him that he should kiss you more." humalakhak naman siya ng malakas.
"You're a totally asshole if you do that." tinarayan ko pa siyang muli.
Hindi niya na ako pinansin at umalis na nang hindi man lang nagpapaalam.
Fuck that arranged marriage! Hindi ba ako p'wedeng magmahal ng mahal ko!?
But no worries ‘cause I don't have any love of my life now. I only admire someone that can't be mine...
And that's Coldy...
But I think we're not meant to be, he's inlove with someone else. I'm not sure, maybe?
Charlie's POV
Nakita ko si Alexander habang naglalakad ako kaya naman lumapit ako sa kan'ya.
"Hey, Alexander!" tawag ko rito.
"Oh, wattsup little sis!" pabalik niyang saad na nagpakaba sa buong sistema ko.
The heck, alam na ba niya!?
"That's not what you think, naaalala lang kita sa kapatid ko kaya nasabi ko 'yon." halakhak nitong saad.
Kung p'wede lang sana na sabihin ko sa'yo na ako ang kapatid mo, matagal ko nang ginawa.
"Can I call you my little sis? U-uhm... Call me kuya also if you want. You really reminds me of my lost sister and I really miss her." matamlay nitong usal.
I miss you too, kuya...
"Sure." tipid kong saad.
"Alam mo bang may ka-arrange marriage din siya? Katulad ng sa'min ni Divina pati na ang mga Royalties."
Kumunot naman ang noo ko. "Kanino naman siya i-aarrange marriage?" tanong ko.
"Kay Coldy... Para na din sa kaligtasan ng lahat, kasi sila ang pinakamalakas na prinsepe at prinsesa sa buong mundo ng mahika." aniya na nagpatibok sa puso ko.
What? Si Coldy!?
"Parehas silang nasa propesiya ng mahika, ang maging prophecy. Nakasaad 'don na ang pinakamalakas na prinsepe sa Explodery Kingdom na mayroong dalawang kapangyarihan na pinagmumulan ng init ang ipapakasal kay Charlotte. Ang kapangyarihan ni Coldy ay thunder at fire na nasa init nagmula. Si Coldy ang pinaka-malakas na prinsepe na ipapakasal sa bunsong anak na babae ni Ina, si Charlotte na siyang pinakamalakas na prinsesa din ng Arteya Kingdom." mahaba nitong pagpapaliwanag
Parang narinig ko na 'yung magic prophecy, pero saan nga ulit?
Wait...
Wait...
Wait...
Ayun, naalala ko na!
"You're so pretty, I hope that you're the girl in magic prophecy."
Iyan ang sinabi ni Coldy sa'kin noong gabing nagaganap ang ball.
Ibig sabihin, gusto niya kaming maikasal, for what? Bakit?
"By the way, don't tease Divina too much. Ako napagbubuntungan ng inis nu'n, she's damn irritating." ani ko at mahinang humalakhak.
"Iyon ba? Pakisabi, pasensya na, pati na rin sa'yo. Matagal ko na siyang gusto pero napakamanhid ng babaeng 'yon! She's always prioritizing her pride first before my admiration." naiinis niyang usal, napatawa naman ako ng mahina.
"Pakisabi, mahal na mahal ko siya. Nagmamahal, Alex na walang tigil ang ka-g'wapuhan." ngising aso niya.
I rolled my eyes. "Whatever." tumawa lang siya.
"Sure, I'll tell it to her later. Mauna na ako." ngumiti muna ako rito bago tumalikod at tuluyan nang umalis.
Umalis na ako doon at nakarinig pa din ako ng mga bulong-bulungan. Bulong-bulungan na masyadong nakakadiring pakinggan.
"Sis! Alam mo ba, nakita ko si Prince Alex at 'yung impaktang Charlie na 'yon. I think she's flirting Alex!" malakas na bulong ng isang babae.
"Oh, she's a total bitch! Lahat nalang nilalandi niya, wala siyang inuurungan." mataray na tugon ng isang niya pang kasamang babae.
"I know right." usal ng isang babae at humalakhak.
Damn. He's my brother. What an incest.
"Tss. Pag nalaman talaga ni Alex na kapatid ko siya't narinig niya din 'to, mandidiri din 'yon." bulong ko sa'king sarili't mahinang humalakhak.
Habang naglalakad ako ng wala sa sarili ay may nakabangga akong estudyante.
Oh yes! Bully nanaman 'to!
"Sorry..." nakayuko kong usal.
Naghihintay naman ako na mapagsalitaan ng nakaka-insultong salita ngunit lumipas ang isang minuto ay wala akong narinig mula rito. Inangat ko naman ang ulo ko mula sa pagkakayuko, tumambad sa'kin ang lalaking mala-anghel ang mukha.
The heck, ang g’wapo niya...
"Hello miss, it's okay." nakangiting saad niya.
The way he smiles can take your soul away.
"Hi, miss." aniya.
Itinaas niya naman ang kamay niya at iwinagayway sa mukha ko na nagpabalik sa'kin sa reyalidad.
"Uhh... Hello?" nahihiya kong usal.
Nakakahiya talaga.
He smiled. "Anong pangalan mo?"
"Charlie..." malamig kong tugon.
"Hello, Charlie... By the way, I'm Co—" aniya ngunit naputol 'yon nang may humila sa'kin at inilayo ako mula sa kaniya.
Pakielamero ka talagang lalaki ka kahit kailan!
-
The Lost Princess. Chapter 19. Fantasy.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasyBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
