Chapter 3 - Eternal Sleep
Written by Kimi Writes
𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
At saka ko ‘yon nakita.
Isang katawan.
Nakabulagta sa damuhan. Basa ng dugo ang paligid.
Nanginginig ang mga daliri ko habang dahan-dahan akong lumapit.
Nanlalamig ang mga kamay ko at nanlalabo ang paningin. Parang sumisikip ang paligid. Parang hindi ako makahinga. At ang tanging naririnig ko lang… ay tibok ng puso kong parang sasabog.
‘Wag. Huwag. Huwag siya. Huwag ngayon. Hindi pa ako handa.
Ngunit, siya iyon, si Inang Tamara. Duguan sa labas ng tahanan namin. Sa di kalayuan, nasilayan ko ang mga nilalang na nakasuot ng mahahabang itim na balabal, alam kong hindi iyon pangkaraniwan. Ang presensya nila’y malamig na parang kamatayan. Pumunta agad ako sa kinaroroonan ni Ina, nakaluhod siya sa damuhan, yakap-yakap ang kanyang sariling katawan.
For fuck’s sake! Ano nanaman ba 'to?!
Mabilis na sumugod sa akin ang mga nakasuot ng itim na cloak. Mga Darkenians ito, tulad ng naikuwento sa akin ni Inang Tamara nu'ng bata pa lamang ako.
Tss. They’re really trying to pushing me to the edge.
Ramdam ko ang init ng galit na bumabalot sa akin. Dahan-dahang nagliyab ang mga mata kong pulang-pula— sumasalamin sa punding silakbo't apoy sa kalamnan ko na binuhay nila.
Nangilid ang mga luha ko. "You shameless bastards!" sigaw ko, halos nanginginig sa galit. "Tangina... anong pakay niyo kay Inang Tamara?!"
Wala ni isa sa kanila ang sumagot.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pinagsisipa ko sila habang tumutulo pa rin ang luha ko. Pero marami sila, at alam kong kaunti na lang ang oras ko. Kung makikipaglaban pa ako sa kanila ng pisikal, hindi na ako aabot kay Ina.
Kailangan kong makarating kay Inang Tamara... bago mahuli ang lahat.
Ginamit ko na ang kapangyarihan ko. "Air blades!"
Iniusli ko ang kamay ko at pinagbabato sila nito hanggang matamaan ko silang lahat. Parang mga dahong tinangay ng hangin... isa-isa silang naglaho at naging abo.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad-agad akong tumakbo sa gawi ni Ina na ngayo'y naliligo sa sarili niyang dugo at pilit pa ring lumalaban sa bawat hininga.
Inilagay ko ang kanyang ulo sa braso ko. "Inang Tamara! Anong nangyayari?! Bakit nila tayo ginugulo?"
Napahawak siya sa braso ko gamit ang kanyang duguang kamay.
"C-Charlie... anak ko..." halos pabulong ang kanyang tinig, nanginginig. "Tatapatin na kita... oras na para malaman mo ang totoo,"
Napakunot ang noo ko habang pilit pinipigil ang emosyon. "H-hindi ako ang tunay mong ina... ngunit minahal kita na parang sarili kong laman at dugo. At hindi ko kailanman pinagsisihan na sa akin ka napunta,"
"T-tandaan mo..." nanlalambot niyang wika. "Ikaw ang nawawalang prinsesa ng Arteya... pinakamalakas. Pinaka-inililihim."
Isang pilit na ngiti ang bumakas sa kanyang mukha. "Anak... hanapin mo ang katotohanan. Hanapin mo ang mundong para sa'yo. At higit sa lahat... hanapin mo kung sino ka talaga."
Umiling ako nang paulit-ulit, nanginginig ang mga kamay at luhaang mga mata. "Hindi... hindi, Ina! Papagalingin kita!" Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. "Please... hayaan mo akong iligtas ka... hayaan mong buhayin kita muli!" bulalas ko, desperada at halos puno ng pagmamakaawa.
Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang umiling siya nang marahan. "Oras ko na, anak... sapat na ang mga naituro ko sa’yo. Marunong ka nang gumamit ng mga salamangkang makatutulong sa’yo para lalo kang lumakas," humugot siya ng malalim na hininga. "Gumamit ka ng spell para mabuksan ang lagusan papunta sa akademya. Nandoon... sa silid na ating pinag-eensayuhan— sa likod ng pintuang matagal ko nang ipinagbabawal sa’yo. Nandoon ang mga aklat ng salamangka... mga lihim na magbibigay sa’yo ng kaalaman—at ng katotohanan."
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (UNDER REVISION)
FantasíaBOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga alam kung ayan nga ang totoo kong pangalan. Isang malamig at walang pakialam sa mundo ang kagaya ko, kaya nagsasayang kalang ng laway kapag ak...
