✅Chapter 4: King and Queen

4.5K 102 2
                                    

Zaira's
PoV


"Stop that, mga iskandalosa. Tsk"

Hingal kaming napatigil at tumingin sa nagsalita. Napatingin ako kay Chesica na agad lumapit at kumapit na parang tuko sa braso ni Yant kaya napa-irap ako. Naiinis talaga ako sa Chesica na 'yan walang ibang ginawa kundi lumandi,

Oo si Yant, tama ang hinala niyo yung badboy king of the jungle yung nagpatigil samin.



May tensyon tuloy na nangyayari.

"Babe, look at that b*tch. Inaaway niya ako.." malanding sabi niya kay Yant habang nagpapuppy eyes sa tila walang pakialam na si Yant,

Tinignan lang siya ni Yant tsaka marahas na tinanggal ang kamay ni Chesica na mahigpit na naka-kapit sa braso niya. Ha-ha landi kasi.

Napa-pout si Chesica Maldita, akala niya ha--- oo nga pala yang dalawa na yan ay may sabi sabing magkarelasyon, tinaguriang King and queen nga sila, daming alam.

"Kung mag-aaway kayo go. Walang aawat sa inyo." Seryosong sabi niya kaya nagkaroon ng sandaling katahimikan sa paligid.

Tinignan ko si Chesica na masama pa rin ang tingin sa'kin pero wala pa rin ako pakialam sa kaniya hindi ako matatakot sa pagtiti-titig niya sakin tusukin ko pa mata nya eh,

Nahawi yung mga tao ng maglakad paalis si Yant habang nakapamulsa sandali kong sinundan nang tingin kung saan siya pupunta pero naagaw ang atensyon ko ng biglang magsalita si Chesika,

Paimportante ang put*, napairap na naman ako ng palihim.

"I will make you suffer. At sisiguraduhin kong papalitan kita sa pwesto mo! Hmp!" Tsaka binunggo na naman niya ako, yung mga tao kanina nagsisunod sila kay Chesica, naiwan akong nakatayo habang gulo-gulo ang buhok.

Inis akong nagpunta sa cr, wala ng mga tao dahil malapit ng magklase, humarap ako sa salamin tsaka nagsuklay. Nakarinig ako ng mga babaeng nagchi-chismisan, pero di ko sila pinansin.

"Bess nakita mo yung nangyari kanina?"

"Alin? Yung away ba nila Chesica at Zira ba yun?"

Katanga..

"Tanga! Zaira yun!"

"Makatanga naman.. oh ano ngayon?"

"Nabalitaan ko isusumbong daw niya si Zaira kay Yant para balikan siya neto ng away."

Napakunot naman ang noo ko, tanga ba sila o bulag lang talaga? Di ba nila ako nakikita? Hello! Nandito ako! Mahiya naman kayo kahit konti..

Tsaka eh ano naman kung balikan nila ako ng away? Magsumbong pa siya sa boyfriend niyang si Yant, kaya ko siya magdala pa siya ng back-up.

Nilapitan ko yung mga impaktitang nagkukwentuhan, hinawakan ko sa balikat yung isa kaya nagulat silang dalawa, kala mo nakakita ng multo--- sorry, hindi ako multo, dyosa lang.

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon