⚫Zaira's ⚫
PoVKinakabahan akong pumunta sa Dean's office panay din ang tingin ko sa mga estudyante na pinagtitinginan ako, nagtataka siguro sila kung bakit ako papunta sa office--- or naiinis siguro sila na makita ang mukha ko.
Bakit ako? Tinitignan ko ba sila ng ganiyan kapag naiinis ako sa mga panget nilang mukha? Hindi naman di'ba, so unfair.
Inirapan ko sila, wala'ng kasawaang irap.
"Okay ka lang besh?" Tanong sakin ni Jhira habang nakahawak sa braso ko.
Kasama ko siya ngayon habang papunta ng D.O sabi ko nga sa kaniya umuwi na siya kasi baka nakaka-abala na ako but she insist yun lang naman daw ang naitutulong niya, she offer pa nga na tutulungan niya ako, pauutangin niya or bibigyan niya na lang ako ng pambayad para sa tuition fee ko pero hindi ako pumayag.
Not again this time..
"Oo bat naman hindi ako magiging okay?" Nakakunot noo kong sabi sa kaniya. "Wag kang mag-alala sa'kin. Halika na nga!"
"Are you sure besh?"
"Ay ang kulit! Ilang beses ka bang inire ng mama mo?" Natatawa kong tanong.
Natawa rin siya. Pinapagaan ko lang ang nangyayari ngayon, alam kong sobra na siyang nag-aalala.
Naglakad na kami hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ng Dean's Office, alam ko'ng sa loob nito ay may nakatagong dragon. Oras na pumasok ako dito tiyak sunog ako. Sino'ng hindi matatakot at maiinis? Kala mo kung sino yung dean/ principal dito, feeling kamag-anak namin kung maka-sermon. Todo pa ang pagparusa.
Kakagigil lang.
"Besh ako ng kakatok." Pagpi-prisinta ni Jhira, pumayag naman ako kaya kumatok na siyang isang beses-----
Nang makarinig kami ng sigaw ng dragona...
Slash mangkukulam...
"PASOK!!" Sigaw niya. Wala pa man napapabuntong hininga na ako.
Kinakabahan ako sa pwedeng sabihin niya, G na G pa rin kasi kami nila mama. Hayyyyyyy, kung saka-sakali saan ako makakahanap ng pambayad sa tuition ko dito?
Binuksan ko ang pinto tsaka unti unting pumasok, papasok na rin sana si Jhira ng sumigaw na naman ang dragona.
"DALAWA BA KAYO'NG MS. REYMIER?!" Pag-atungal niya na halos makasira na ng eardrum.
Wagas makasigaw, may microphone ka sa lalamunan? Tss.
Humarap sakin si Jhira. "Sorry besh mukhang di kita masasamahan."
"Para ka namang ewan. umuwi ka na nga sasama-sama ka pa kasi. Layas na.." tinaboy ko na siya.
Lumungkot ang mukha niya kaya nginitian ko na lang siya, para tuloy akong sasabak sa gyera todo ang pagpapaalaman.
"MS. REYMIER! ANO BA?!!"
"Naku, kailangan ko ng pumasok, nag-aapoy na sa loob." Nginitian ko ulit siya tsaka pumasok na ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)
Saggistica(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, her principal called her, pina-alala nito ang nalalapit na paghuhukom- charit! Pina-alala sa kaniya n...