~*~
⚫Zaira's PoV⚫
Natapos ang exam at lahat naman ay nasagutan ko lahat ay inaral ko. At sigurado din akong naituro ko din yon lahat kay yant, sana naman ay maipasa niya.
Nagtali ako ng buhok at nagmamadaling bumaba para hanapin si Jhira, kailangan kong magpaliwanag.
Nagpunta ako sa Room nila pero wala na daw siya don, ang sabi din ng mga kaibigan niya ay umiiyak daw ito kanina. Na-guilt na naman ako shit. Bumaba na ako at nagpunta naman sa canteen. Nakita ko si Kuya Zero hindi ko na siya nakakasabay dahil late siya lagi pumasok at dahil hinahatid na ako ni Kuya Zaker bahala na siya dyan.
"Kuya Zero!"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Buti naalala mo pa ako." He said na parang nagtatampo pa.
Wtf? HAHAHA
"Raulo ka ba? Mamaya ka na mag-drama nakita mo ba si ano.. si Jhira?" Hingal kong sabi, hirap ding magtatakbo. Kaya ayokong maging atleta eh.
Takbo dito, takbo don kahit alam mo namang sa huli hindi mo rin siya mahahabol kasi may iba din siyang hinahabol! Boom!
Argh.
"Ah oo nakita ko." Saad niya na kinatuwa ko.
"Saan?"
"Dito."
"Saan?" Hinanap ko sa paligid kung nasan ba siya. Humarap ako kay kuya "wala naman e-" napahinto ako ng nakaturo sa puso niya si Kuya. "Ang landi naman kasi!"
Natawa siya ng malakas. "Joke lang kay Zaker lang 'yun. Pikon na pikon sa babae na yon" nagpalinga-linga pa siya sa paligid. Ang hirap niyang hanapin kasi ang dami ng tao sa Canteen. "Ayon oh, nagiisa." Turo niya sa isang table kung nasan si Jhira.
Nandun nga sya habang kumakain mag-isa, nagpasalamat ako kay Kuya. Yes nag-aaral pa si Kuya hindi naman kasi siya katalinuhan katulad ni Kuya Zaker na agad nakapagtapos kaya ayon.
Lalapit na sana ako ng may lumapit sa kaniyang lalaki pero hindi niya to pinansin, ilang sandali pa nag-stay yung lalaki sa table niya pero wala manlang sinabi si Jhira. Kaya ayon umalis nalang yung lalaki.
Lumapit na ako ng tuluyan, naupo ako sa harap niya kaya sumimsim siya sa juice niya. Tumikhim ako bago nagsalita. "Jhira?"
No response, pero kakayanin.
"Jhira yung nakita mo kani-"
"Excuse me tapos na ako." Tumayo na si Jhira pero agad kong nahawakan yung braso niya.
"Magpapaliwanag ako." Nanatiling nakahawak ako sa braso niya. Di niya manlang ako tinapunan ng tingin.
"Jhira please, about sa kanina may sasabihin ako." Ilang beses pa akong napalunok, kinakabahan ako.. "M-may gusto a-ako kay yant." Nakayuko kong sabi para san pa kung magsisinungaking akong hindi ko siya gusto? Eh nakita na rin naman niya.
BINABASA MO ANG
✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)
No Ficción(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, her principal called her, pina-alala nito ang nalalapit na paghuhukom- charit! Pina-alala sa kaniya n...