✅Chapter 36: KUPIDA

2.9K 72 0
                                    


Zaira's
PoV


I was shocked.

Nagulat ako sa sinabi niya, may gusto siya kay Yant. Bestfriend ko si Jhira na may gusto DIN kay Yant.

Hindi ko naman pwedeng pigilan yung nararamdaman niya. Walang pwedeng pumigil sa nararamdaman ng tao di'ba?

Hindi naman masakit.

Oo.

T^T

HINDI PWEDE!

Hindi pwedeng magka-gusto siya kay Yant! I couldn't compete with her because I knew I would eventually lose. I'm going to give up too. Ako din ang magpaparaya. Kasi simula pa lang ang dami nang naitulong ni Jhira sa'kin. Sobrang dami na.

"Beshy dapat sasabihin ko na sa'yo, but nahihiya ako so I keep it a secret. "
She said while giggling



Hindi ako makasagot, wala akong mai-sagot!

Dapat ko na bang tigilan si Yant? iiwas na ba ako?

Wala na ba talaga? Sira na lovelife ko?

Puta minsan na nga lang magka-gusto, nagustuhan pa ni Jhira.

"Hey hindi ka ba natutuwa?" Naka-nguso niyang tanong sa'kin.

Bat ako matutuwa? May gusto ka sa taong gusto ko din?

Hayst.

"Of course, i'm so happy. Halika na nga male-late na tayo."

"Ay? Okay hihihi." She said bago kami nagsimulang maglakad papunta sa kaniya-kaniya naming building.

Matamlay akong umakyat sa room ko. Nang maupo ako sa upuan ko agad din naman akong yumuko. Wala akong maisip na maayos ngayon, lahat ng nasa ulo ko ay kung ano ang gagawin ko kay Yant.

Kung ipagpapatuloy ko pa ba?

Habang nakayuko bigla kong naramdaman ang pag-pasok ni ma'am Matematika.

Tumayo nalang din ako, inikot ko ang mga mata ko buti nalang wala si Chesika kung hindi madagdagan na naman problema ko.

Dadagdag pa yung bruhilda na yun. Wag na

"Good morning" ma'am mathematika said.

"Good morning ma'am" they said. Hindi na ako nagsalita wala akong gana.

"Maupo na kayo, i have an announcement."

Naupo na kami. Agad nag-ingay yung mga kaklase ko dahil sa announcement kuno raw, kasi naman kung mag-announce si ma'am either may events or walang pasok. If that happen na walang pasok. I swear laking pasasalamat ko. I need to rest for a day.

Pagod na 'tong utak ko punyeta!

Dami kasing drama nitong buhay ko eh.

"Ano po iyon ma'am?" Gidel asked, yung bida bida naming Classmate. You know sa lahat naman ng classroom may bida bida eh.

Tumikhim si ma'am bago nagsalita. "Okay here it is." Inayos niya muna ang kaniyang salamin. "our principal announces that we will have an important event to be held on September 29th."



"Ano pong meron ma'am?" Someone asked.

Ano namang meron sa September 29? Sobrang special? Hindi naman namin kono-consider na special ang kahit anong events na nangyayari sa school na ito, actually ang alam ko lang namang magaganap ngayon ay ang exams. It's a hell week for us.

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon