✅Chapter 34: Price

3K 77 0
                                    


Third Person's⚫
PoV

Iniwang tulala at walang masabi ni Null ang bunso niyang kapatid. Naiinis na din siya sa inaakto nito. Hindi kasi siya sanay sa mga pasaway at hindi madaling makaintinding mga tao. Lumaki kasi siyang walang iniintindi, lumaki siya kasama ang gangmates niya na Dark Zahl, pamilya na ang turing nito dahil palaging busy ang parents niya o yung nga umampon sa kaniya.

Laking pasasalamat niya naman sa kaniyang parents na umampon sa kaniya, hindi naman siya galit sa totoong mama niya ganun din ang papa niya na hindi pa niya nakikita. Pero ang sabi ng kaniyang ina ay hahanapin niya raw ito.

Naiintindihan naman ito ni Zaker or Null, mahirap lang naman kasi sila Zaira, hindi katulad ng tinamasa niya sa kamay ng kaniyang di totoong mga magulang. Lahat ng luho ay sunod.

Pero di niya masyadong naramdaman ang saya at pagmamahal.

Ngayon. Naninibago siya, masyado siyang napikon kay Zaira. Gusto pa sana niya itong pagalitan pero kapatid niya ito. Di ito katulad ng mga kagangmates nya.

Mga siraulo iyon.

"Boss galing ka na naman sa bahay niyo noh?" Tanong ni Ein,

Di niya namalayang nasa Kisley na pala siya. Ang tambayan nila.

Sinabi niya na sa mga ka-Gang niya ang tungkol dito, nagulat pa sila pero nakabawi din na parang wala ding nangyari. Mag-sa side comment pa ba sila? Eh pikonin to.

Baka mamamatay sila nang maaga, lalo na 'tong si Ein na kinagalitan ni Null dahil sa maling pagtrato nito sa kapatid nya.

Tanging pagtango lang ang tinugon nito kay Ein, naupo siya sa Kama nito, tag-iisa silang Condo pero mas ginugusto ng mga Ka-gang ni Null na tumambay sa unit ni Null. Malaki daw kasi.

Mga u-lol sila.

"Bat masama ata timpla mo Boss?" Zahl asked. He's the co-leader.

They called Null as boss, pero ang trato ni Null sa kanila ay kaibigan.. pamilya.

Si Ein ay nakasalampak habang naglalaro sa cellphone niya ng ML, habang si Drei ay nagbabasa lang ng makakapal na libro at Seryosong naka-dekwatro. Si Vier naman na walang paki-alam sa mundo ay natutulog lang.

"Wala. I'm just irritated. Naiinis ako kay Zaira." He said, inutusan niya pa si Ein na ikuha siya ng tubig na agad naman nitong sinunod.

"Sa babaeng yon? Eh bakit naman boss?" Ein said matapos ibigay yung tubig na agad ininom ni Null ng diretso.

Umiling si Null. "Hindi tinupad ni Yant ang usapan, sinabihan ko siya na 'wag isama sa kagaguhan si Zaira di'ba? Pero ginawa niya pa din. Di ko na kayang pigilan si Zaira. Mukha nahulog na."

Nag-'tsk' lang si Zahl. "Bugbugin ba natin?"

"Manahimik ka nga."

"Okay, okay, masyado kang pikon."

Sinamaan lang ni Null ito ng tingin. "Fuck that Yant di marunong tumupad sa usapan."

"Kilala mo si Yant, boss. Paglalaruan lang niya 'yang kapatid mo." Ein. "Kaya dapat sa'kin mo siya ipakilala. Di ko siya paglalaruan" habang nagtataas baba yung kilay niya.

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon