⚫Zaira's⚫
PoVMatapos nung nangyari kanina hindi na muna ako lumabas ng kwarto, hindi dahil ayoko makita si mama dahil dumating ang magaling kong ama, ayokong saktan si papa dahil alam kong ikagagalit yun ni mama.
Pero alam ko ng si papa ang may gawa nun, minsan na niyang sinaktan at pinahirapan si mama nung bata palang ako
~FLASHBACK~
"Mama lalaro lang po kami ni kuya sa labas ha?"Sandali akong tinignan ni mama tsaka nagtuloy sa paglalaba ng damit namin. "Ganun ba? sige basta sa tapat lang kayo."
Agad akong tumango tsaka nagtatakbo palabas, nakita ko si kuya Zero na lalaro daw ng bola ayoko naman nun kasi di ako marunong kaya lalaro nalang ako ng manika na bigay sakin ng pinsan ko. Panget na nga to eh kaso wala kaming pambili kasi hirap lang kami.
Habang naglalaro ng manika nakita ko si papa na pumasok sa bahay namin na parang galit kasi nakasarado yung kamay niya tapos may hawak siyang bote na sabi ni mama alak daw yun, bawal sakin yun.
Napatingin ako kay Kuya na nagtatanong din yung mata kung bakit, maya maya lang nakarinig kami ng iyak galing sa likod ng bahay kung saan naglalaba si mama ko
"Tang'n* mo! Nilabhan mo yung short ko?! Put* wala ka talagang nagawang tama! Alam mo bang may pera yun! Put* ka talagang hayop ka!" Dinig kong sigaw ni papa kay mama.
Parang sumakit yung dibdib ko tapos biglang may tumulong luha dun sa pisngi ko, agad akong nilapitan ni kuya tsaka ako hinila papunta sa likod. Ayokong pumunta dun kasi natatakot ako...
Natatakot ako kay papa.
Nang makapunta na kami, nakita ko si mama na dumudugo yung gilid ng labi. "H-hindi ko naman k-kasi a-ala---arayyyy huhuhu..." si mama.
Sinuntok kasi siya ni papa kaya agad siyang napahiga. Agad akong ngumawa habang sinisigaw na tumigil na si papa pero pinagbuntungan lang ako ng galit ni papa kaya sinampal niya ako. Ang sakit-sakit..
"Mga bwisit kayo! Mga wala kayong kwenta!!" Tsaka siya umalis.
Mula ngayon. Galit na ako sayo papa, hindi kami ang walang kwenta. Ikaw po yun.. papa.
~End Of Flashback~
Hayyy sobra talaga akong naiinis dahil siya ang ama ko, hindi niyo ako masisisi. Bata pa ako nun i think seven years palang ako tapos naranasan kong pagbuhatan ng kamay ni papa.
Hayyyyyy buset ang drama ko.
"Huy! Lutang ka?" Gulat akong napatingin sa nagsalita.. si kuya pala,
Buti dumating pa siya. "May iniisip lang." Sabi ko na lamang, napatingin ako sa kaniya na nagse-cellphone---
Ay shit!--- yung regalong bigay sakin ni Jhira, tek saan ko ba naitapon yun?
Hayst kasi naman sa kakamadali ko sa pagpunta kay mama naitapon ko tuloy, pakshet lagot ako nito kay Jhira pag nawala ko yun, hindi ko pa naman alam kung nasaan.
BINABASA MO ANG
✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)
Non-Fiction(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, her principal called her, pina-alala nito ang nalalapit na paghuhukom- charit! Pina-alala sa kaniya n...