✅Chapter 26: I love you

3.4K 90 0
                                    

Zaira's
PoV

Maraming nangyari kagabi, nakita na namin si Kuya Null na ang real name pala ay Zaker Lee. Mga lee pala ang naka-ampon sa kaniya noon sa ampunan noong iwan siya ni mama. Lahat ng pwede naming itanong sa kaniya ay tinanong na namin. Halos hindi nga kami nakatulog na lahat, tinanong ko din kung bakit puro pasa si Kuya at ang sagot naman niya at nabugbog siya sa teretoryo nila kuya Null dahil akala nila kalaban si Kuya Zero.

Tinanong ko kung bakit ginawa ni Kuya Null or Kuya Zaker yung Dark Zahl. And he said na gusto niyang bantayan kami. Yes, matagal na niya kaming kilala pero hindi ito lumalapit sa'min dahil natatakot siyang madamay kami sa iba't ibang grupong nakakasalamuha nila katulad ng Devenom.

"Eh bakit sobra ang galit niyo sa Devenom, o kila Yant?" Usisa ko.

Hindi ko pinatulog si Null, err hindi ako sanay na tawgin siyang kuya. Ngayon ko lang naman kasi siya nakilala! So ayun ala una na ng madaling araw pero nagtatanong pa din ako sa kaniya.

Marami akong gustong malaman!

"Kasi sobra ang galit ko sa kaniya." Sagot niya habang nagkakape sa labas ng bahay namin.

Nakaupo kami ngayon sa gilid ng kalsada, gusto niya daw kasi nya maranasan ang sariwang ihip ng hangin.

"Matinong sagot!" Sa ilang oras kong pagtatanong sa kaniya naging close ko na siya. Hindi naman pala siya serious type na katulad nang pinakita niya sakin nung kinidnap niya ako.

Natawa siya. Ang gwapo nito, kung hindi ko siguro to kapatid niligawan ko na siya, ngayon ko lang din napansin na malayo ang ang mukha ni kuya at ni Null kapag pinakatitigan. Mas gwapo si Null kesa kay Kuya zero.

"Gusto mo talaga malaman?"

Tumango ako. "Yes naman."

"Kasi inagaw niya sakin yung babaeng mahal ko." Seryosong sabi niya sakin.

Mahal? Babae? Wow, mang-aagaw din pala tong si Yant, ang dami dami namang babae diyan inagawan pa si Null! Ano yung hayok na hayok sa babae?! Mauubusan? Kakainit ng ulo ah.

"Eh bakit niya kasi inagaw sayo?"

"He was very showy. He takes everything from me. At dahil sa maling pagkuha niya sa mahal ko. Nawala na siya."

Kumunot ang noo ko. anong ibig niyang sabihin sa nawala na siya? "what do you mean she gone?"

"She died because of him." He wiped his tears. Gosh! Umiiyak ang leader ng Dark Zahl. Siguro kapag nilabas ko to sa media sisikat to. "Nadepress and then nag-suicide dahil sa kagaguhan ni Yant."

"Sorry."

"It's okay. that's all right, go back to sleep and I'll be back later" Ginulo niya pa ang buhok ko.

"Teka san ka pupunta?"

"Secret. Goodnight lil sis." Sabi niya bago niya sinuot ang mask niya at nagtatakbo palayo sakin.. samin.

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon