⚫Zaira's⚫
PoVT-teka.. bakit a-ako?
"Sa kaniya ko po nakita yung pera!"
"Kuhanin niyo yan boys." Utos ni sir.
Na-alarma ako dahil lumalapit na sakin yung mga kaklase kong lalaki. Pumikit na lang ako, tsk ayokong makita yung nangyayari.
Hindi naman ako magnanakaw at never kong ninakaw yun! Panong napunta sakin yun----
"Tabi nga haharang harang ampota." Tinabig ako ng isang lalaki tsaka kinuha si... Kate..
P-panong?--- panong siya? Mas mayaman pa yan sa mayaman.
"T-teka l-lang! Panong ako?! H-h-hindi po ako!--- hindi ko magagawa yun!" Sabi ni Kate na nagpupumiglas, umiiyak na siya medyo naawa ako dahil sa nangyayari sa kaniya.
Pero muntik na ko dun, hayop.
"Kate di ko inaasahan na ikaw yun, Go to Deans office, may paguusapan tayo.." sabi ni sir, humarap muna siya samin. "Be quiet! Babalik ako,"
Parang nabunutan ng tinik ang mga tao dito, isa na ako dun. Akala ko talaga mamatay na ako--- oa? Syempre baka mapatay ako ni mama pag nagkataon. Ayst napadali pa buhay ko.
"Argh!!! Nakakabwisit!!" Dinig kong sigaw ni... Chesca
Lumabas siya ng padabog. Nagsitinginan din yung iba sa kaniya lahat sila nagtaka. Naku, naloka na talaga. Iba na ang sakit mo Chesica.
Napatingin ako kay Jhira na nakangiti. Humarap siya sakin tsaka nagsalita. "I save your life besh!" Tsaka i'flip yung buhok.
Hano daw? Save your---life?? B-bakit?
~*~
kamot ulo pa rin ako sa sinabi ni Jhira, hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya, ano'ng she save my life? For what?
Naglalakad na ako palabas ng entrance, lutang pa rin ako kaya hindi ko namalayan na...
"Ay shet!" Nasabi ko ng may nabunggo ako na isang malaki at matigas na bagay. Napatingin ako kung sino yung nabunggo ko. "Ikaw na naman? Pambihira."
Tinaasan niya ako ng kilay, mukhang pauwi na rin tong lalaki na to, nakasabit sa balikat niya yung bag niya habang nakapamulsa.
Umirap siya habang ngumunguya ng bubble gum. "Ako pang may kasalanan?" Mahinahon niyang sabi.
Ayy hindi, ako yung may kasalanan. Tangna neto.
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag, napansin kong may mga tao sa likod niya na papalapit, isang walang reaksyon habang nagbabasa at isang kindat ng kindat sa mga babae.
Si Kill tsaka si Tamer.
"Uyy! Zaira right?" Sabi ni Kill ng makalapit siya, umakbay pa siya kay Yant, agad nagbago ang reaksyon ni Yant.
"Remove your fvcking dirty hands to me Kill." Yant said,
Agad bumitaw si Kill. "Eto naman sorry na.. Hi Zaira!----"
"Subukan mo lang.." pagbabanta ko itinaas ko pa yung kamao ko, balak niya kasi akong akbayan.
Napansin kong naglakad na si Yant palabas ng entrance, sumunod naman si Tamer na hindi manlang ako binalingan ng tingin.
Ano naman sakin noh? Ikamamatay ko ba? Mga stranger pa nga sakin yung mga yun.
Tumingin ako kay Kill, Nakangiti siya sakin at parang may iniisip na kung ano man.
Nagmumukha siyang manyak.
Inirapan ko na lang siya tsaka naunang maglakad, wala naman akong mapapala sa kanila, feeling close lang sila at ayoko nun lalo na't mayaman sila.
Magkaiba kami.. mayaman sila mahirap lang ako..
"Zaira..." dinig kong tawag ni Kill sa'kin.
Napahinto ako..
Pairap akong humarap sa kaniya, kasi naman mapapagalitan na ako ni mama neto, tsaka wala pa akong makakasabay dahil nauna na naman si kuya, wala namang paki sakin yun eh.
Hindi niya ako mahal--- luh, mahal talaga?
"Ano'ng problema mo? Uuwi na ako wala akong kasabay. Wala naman akong sasakyan, hindi tulad niyo." Pasaring kong sabi, binulong ko na lang yung huli ko sinabi, totoo naman diba?
"Itatanong ko lang sana..." he said. "... kung gusto mong hatid na kita?"
Kumunot ang noo ko, ihahatid n-niya ako?---
"Hah? S-saan?"
Tumawa siya ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"... Sa Heaven--- hahaha!--- a-aray, hahaha!"
Kamuntik ko na siyang masuntok buti na lang at malayo siya sakin kung hindi... maaga siyang magpupustiso, napaka- sobrang manyak kasi ampots!
Inirapan ko nalang siya tsaka naglakad wala naman akong makukuhang magandang sagot sa lalaki na to, buti nalang at hindi na siya sumunod baka kung ano pa magaa ko sa kaniya.
"Besh!" Sigaw ng kung sino.
Guess who.. sino bang bukod tanging tumatawag sakin ng 'besh'?
Siya lang naman din ang bukod tangi kong papayagan na tumawag sakin ng 'besh'
Tumingin ako kay Jhira na halatang nag-aalala. "Ano'ng nangyari? Bat' ganiyan ang itsura mo?"
Pawis na pawis kasi siya na halatang tumakbo. Halata rin na may gusto siyang sabihin kasi turo siya ng turo kung saan man, masasapak ko na 'to, nagmumukha siyang tanga.
Ayaw kasi sabihin nalang ng deretsahan kailangan may pa-suspense pa.
"Ano ba kasi yun para kang natatae na ewan!" Inis na sabi ko.
"Eh kasi naman!-- ano k-kasi..."
"Jhira, ano?" Sumeryoso na ako,
Napakamot siya ng marahas sa buhok niya kaya nagulo yon, ayaw na ayaw niya pa naman na nagugulo yung buhok niya.
Kaya i'm sure may problema nga siya.
"Jhira naiinis na ak----"
Pinutol niya yung sasabihin ko tsaka sinabi yung nagpatigil ng mundo ko. Pati ng puso ko.. isama na yung utak ko..
"Besh!!" Sigaw niya. "P-pinapatawag ka sa... D.O!"
"B-bakit daw?" Kinakabahan kong tanong. Alam ko na ang dahilan pero mas minabuti kong itanong pa rin.
"Y-yung ano k-kasi... Y-yung.."
"Ano?"
"YunG.. YUNG TUITION FEE MO DAW BAYARAN MO NA, KUNG HINDI KA DAW MAGBABAYAD PAPAALISIN KA NA DITO!" hingal na hingal na sigaw niya. "Besh, ayokong maalis ka dito!" Naiiyak niyang sabi.
Ngumiti ako sa kaniya.. i know nag-aalala siya sa'kin pero kaya ko tong harapin, nakakasampal nga ako ng sampung pisngi ng sabay-sabay eto pa kaya'ng simple lang tss sisiw.
Hayst... oo na, pinapagaan ko lang ang loob ko, kasi alam kong dito na naman magsisimula yung malupet at nakakahindik kong problema.
💕💕💕💕
A/N: Salamat sa lahat ng nagbabasa kahit wala naman talaga😊 mas maapreciate ko po kung magbo-vote or comment!!!
Wait for next chapter!
Gracias!
BINABASA MO ANG
✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)
No Ficción(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, her principal called her, pina-alala nito ang nalalapit na paghuhukom- charit! Pina-alala sa kaniya n...